Chapter 26
*Xena Harvelle Dizon*
"ANOOOOOOO???!" Sabay-sabay na sigaw nina Charlie, Jesse at mama ni Zero.
"Kailan pa 'to?"
"Nababaliw ka na ba?"
"Ba't wala kang sinabi sakin tungkol dito, Harv?"Nagsimula na po ang sunud-sunod nilang pagtatanong. "Guys, biro lang 'yo--" napatigil ako nang bigla akong kurutin ni Zero. "It's not a joke." Seryoso niyang sabi. What the eff! Seryosong-seryoso 'yung mukha niya.
Ano na namang pakulo 'to, Zero?"Kanina lang sabi mo mahal mo ako, ngayon naman siya na?!" Sigaw ni Jesse kay Zero. "Well, we're even aren't we?" Sabay na nag-smirk pa si Zero. Naasar niya na talaga nang husto si Jesse. Kulang na lang, umusok na pati tenga eh.
"You cheated on me, so I cheated on you too." Wow! Still the childish Zero that I know.
"Wow!" Sabay na pumalakpak ako. "Wala ka ring pinag-iba pala sa fiancee mo eh. Bagay nga talaga kayo! Ginamit mo pa talaga ako? Wow talaga!" Galit na talaga ako. Ilang beses niya na akong ginamit. Naka-bingo na siya sa'kin. Wala akong pake kung nasabi ko 'yon sa harap pa ng mama niya.
Inirapan ako ni Jesse sabay na tumakbo palabas ng bahay nila Charlie. "Ikaw, Zero ah!" Sabay na binatukan ni Charlie si Zero. Wala na po kaming hiya sa mama niya. "Isip-bata ka talaga! Totoo ba 'yung sinabi mo na papakasalan mo si Xena?"
Lahat kami nakatingin sa kanya. Mahabang awkward silence ang nangyari. Tumalikod na lang ako at aakma na sanang umalis nang biglang nagsalita na si Zero.
"I-i don't know." Then it suddenly hit me. I don't know what it is, but it hurts like hell.
"Anong 'di mo alam?! May saltik ka na ba?!" Sigaw sa kanya ni Charlie.
"I'm going." Huli kong nasabi bago buksan ang pinto nila at patuloy na lumabas.
"Wait!"
Napa-lingon ako bigla. "Wala lang 'yon." Kumunot naman noo ko kasi hindi ko na talaga siya maintindihan.
"I said, 'wag mong intindihin 'yung mga nasabi ko kanina. I just want to see Jess hurt to make her feel what its like to be cheated on." Sabi ni Zero habang nakayuko. Mukhang hiyang-hiya pa siya sa nagawa niya.
"Oh." 'Yan na lang ang tanging nasagot ko. Kasi sa dami nang gusto kong isigaw ngayon nang dahil sa galit, 'di ko alam kung ano 'yung uunahin kong ilabas sa bibig ko.
"You are a jerk!" Sigaw sa kanya ni Charlie sabay na pinagpapalo sa likod ang pinsan niya.
Tumakbo na ako dahil baka may mga pahabol pa siyang sasabihin eh. Baka this time, hindi ko na kayanin.
Sabi niya kanina, totoo 'yon. Ngayon naman, binawi niya na. Pangganti lang pala 'yung mga nasabi niya kanina. At ako naman si tanga, na akala ko magugustuhan pa ako ng iba, ay umasa. 'Yan ang napapala nang palaging umaasa. NASASAKTAN.
--
*Xena Harvelle Dizon*
"Kung 'di lang 'yan pinsan ni Charlie, inupakan ko na talaga 'yan eh!" Pagsisigaw sa galit ni Ace nang maikwento ko sa kanya 'yung mga nangyari kanina.
"Alam mo, Xena, bagay talaga sila 'nung Jesse na 'yon eh. Dapat nagsasama ang mga taong manggagamit!" Hinimas ko na sa likod si Ace dahil mukhang mas galit pa siya Kay Zero kaysa sa'kin.
Ngayon ko lang 'to naramdaman. 'Yung feeling na may mga taong nakapaligid sa'yo na handa kang damayan at ipagtanggol. 'Yung mas galit pa sila sa mga taong nananakit sa'yo.
Aaminin ko, masarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...