Chapter 27
*Xena Harvelle Dizon*
"Sorry. Sorry." Sabi ko habang umuubo-ubo pa. Nabuga ko kasi 'yung ice cream na nginunguya ko -- sa mukha niya.
"Grabe ah! Sh*t." Inis na sabi ni Zero habang pinupunasan niya 'yung mukha niya ng tissue.
"Sorry na nga. Ikaw kasi eh! Kung anu-anong sinasabi mong kalokohan. Nakakabigla na kasi." Pinunasan ko rin 'yung bibig ko.
"'Di 'yon kalokohan." Matipid niyang respond sa sinabi ko.
Napabuntong-hininga siya, "I want to start over with you. This time, totoo na 'to." Paliwanag niya sa'kin.
Natigilan ako sa pagsubo ulit ng ice cream ko.
Nabingi na ba ako?
Naka-drugs na ba talaga si Zero?
May nakain ba siyang kakaiba?
Baliktad na ba ang mundo?
Gulong-gulo na talaga ako!
"Ba't natahimik ka diyan?!" Pagtatanong niya. "Nabigla lang." Matipid na sagot ko. "Alam ko naman na nabigla ka talaga. Halata naman sa mukha mo." Sabay na nag-smirk pa siya.
Eh sino ba naman kasing 'di magugulat diyan sa sinabi niya!? Sus. Parang kayang ibang tao 'yung nasa harap ko ngayon,
"Alis na ako. Bibili pa ako ng ulam namin nila Tita." Pagpapaalam ko.
Napatigil ako nang hawakan niya 'yung kamay ko, "Sama ako. Ako na bibili."
Sabi niya.Alam mo, Zero, may mali talaga sa'yo ngayon eh.
"Sino ka ba talaga?" Mahinang tanong ko. "Ako si Kayzer. Hindi 'yung Zero na nakilala mo noon na walang ginawa kundi ang i-bully ka." Napatingin ako sa kanya at napatigil rin kami sa paglalakad. Narinig pa niya talaga 'yon ah! Ibang klaseng pandinig 'yan.
"Hayaan mo kong maging si Kayzer." Mahinang sabi niya niya sabay na tumingin sa'kin.
Tumango lang ako at nginitian siya. Nginitian niya rin ako pabalik.
Lord, litong-lito na po talaga ako. May anghel po bang sumapi sa kasama ko ngayon? Pwede po ba mag-request?
'Wag niyo po munang paalisin 'yung anghel na sumapi kay Zero.
Kung meron man.At siguro nga dapat bigyan ko pa siya ng chance na magbago.
Well, everyone deserves a second chance. Right?
--
*Xena Harvelle Dizon*
"Tita, nandito na po ako! May dala po akong sinigang, menudo at adobo."
Sigaw ko habang tinatanggal 'yung sapatos ko. "Asan sila?" Mahinang tanong ko. Walang sumagot sa'kin eh."Nak! Nandito kami sa taas!" Narinig kong sigaw ni Tita. Napaakyat agad ako.
"Ba't nandito kayong lahat sa kwarto ni Ace?" Nagulat ako nang biglang may yumakap sa'kin.
"Namiss kita, Xena!!" Sigaw sa'kin ni Kuya Paeng. Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko rin siya nang mahigpit.
"Aray.. Hindi na makahinga.." Napabitiw kaagad ako kay Kuya Paeng. "Sorry, kuya." Sabay na nagtawanan kaming lahat.
"Kain na tayo, kuya. Marami ka pang ikukwento sa'kin." Sabi ko nang may buong ngiti at hinatak si kuya para kumain na kami sa dining table sa baba.
--
"So, kuya, kamusta na?" Pagtatanong ko kay Kuya Paeng habang kumukuha ako ng kanin.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...