Chapter 7
*Xena Harvelle Dizon*
Pagkatapos kong takbuhan 'yung loko-lokong 'yon, huminahon ako dahil kakatakbo ko 'di ko namalayan nandito na pala ako kayla Tita.
Kumukulo dugo ko sa taong 'yon. Bakit hindi ko man lang siya namukhaan!? Takte! Dahil ba sa ganda ng hugis ng mukha niya? Dahil ba sa mapupungay niyang mga mata? Dahil ba sa ganda ng kisig niya? Dahil ba sa ganda ng porma niya? Ay shit! What am I thinking!?
"I'm home, tita!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay. "Wala si mama, may pinuntahan." Rude na sagot sa'kin ni Joanna. "Okay, aakyat na ako." Matipid kong sagot. "Nga pala, kilala mo si Ace noon pa diba? Alam mo namang gusto ko siya diba?" Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan dahil sa sinabi niya. I remember. Nag-confess siya sa'kin na layuan ko si Ace noon. As if lalayuan niya ako. Ako nga 'tong lumalayo, si Ace naman ang lapit nang lapit.
"Yup, I remember." Matipid ko uling sagot at nagpatuloy sa pag-akyat. "He's mine, Xena. So, back off!" Narinig kong sigaw niya sa'kin. Humarap ako sa kanya, "He's all yours." Tipid at matapang kong sagot sa kanya.
'Di ko naman pagmamay-ari si Ace para pagsalitaan niya ako ng ganun. Tsaka si Ace naman ang lapit nang lapit sa'kin. Ako na nga 'tong lumalayo eh. In fact, I don't want to see Ace either as much as I don't want to see Zero too.
Bago pa ako makapasok sa kwarto ko narinig kong tinawag ako ni Ace. Heto na naman tayo.
"Saan ka galing?" Pagalit niyang tanong, "At my friend's house." Matipid kong sagot. Lahat na lang! Bawat galaw ko gusto niya alam niya! Noon pa man, sakal na sakal na ako sa mokong na 'to!
"Why do you went there?" Curious niyang pagtatanong. "Why do you have to know everything!? Huh!? Mind your own business, Ace!" Sigaw ko sa kanya. Nakakapuno na talaga. Masyado akong badtrip ngayon. Dumagdag pa siya.
"Because I want to know!" Sigaw niya rin pabalik sa'kin. "Who the hell do you think you are!? Boyfriend ba kita ha!? Wala ka nang pake!" Sigaw ko rin ulit sa kanya. Naha-high blood na ako sa inyo! "I'm just... I'm just not in the mood right now." Kalma kong sabi. Baka kasi ma-high blood na talaga ako. Mahirap na! Nako! Gastos na naman 'yon!
Pumasok na ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Bakit ba sabay-sabay 'yung kamalasan ko!? First, 'yung pagkadating ni Ace. Second, si Zero. Then, umeepal naman 'tong kontrabida kong pinsan. Ganoon ba ako kamalas para pagsabay-sabayin silang bwisitin ang araw ko!? Nakakap*tangin*!
--
Nagising ako nang nakapang-alis pa din. Sa sobrang inis ko naitulog ko na lang. Umaga na naman. Another day na masisira ng mga taong nasa paligid ko. What a life!
Naligo ako at nagbihis ng pambahay. Lumabas ako ng kwarto ko at nagulat ako nang biglang may humatak sa'kin papunta doon sa terrace namin. Malapit lang kasi 'yung terrace sa kwarto ko.
"Ano ba!? Ano nanaman ba, Ace!?" Sigaw ko kay Ace habang tinanggal ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.
"I just wanted to say sorry. Sorry kung may nasabi man akong ikinagalit mo kagabi." Sincere niyang sabi habang nakayuko. Ganyan siya mag-sorry eh, hiyang-hiya. "It's okay. Badtrip lang din ako kagabi." Agad ko namang sagot sa kanya. Sino ba naman kasing 'di mababadtrip!? Magbalik ba naman ang ultimate bully ng buhay ko diba!?
"Kwento mo naman sa'kin." Nakangiti niyang sabi sabay tinapik ako ng kaunti sa balikat. Ibig sabihin niyan nakaget-over na siya agad. "Zero." Matipid kong sagot habang pinagmamasdan 'yung mga tanim ni Tita. "ANO!? Nagbalik 'yung mokong na 'yon!? Saan!? Susuntukin ko na! Binully ka na naman ba!?" Tuloy-tuloy niyang pagtatanong. "Easy lang okay!? Mahina ang kalaban. Tsaka pwede dumistansya ka? Ang sakit kaya sa tenga ang masigawan!" Sigaw ko sa kanya sabay na pinalo ko siya.
"Okay okay. Saan mo siya nakita?" Ganyan! Isa-isa lang. "Sa bahay ni Charlie. Turns out, magpinsan sila." Gulat na gulat siya sa sinabi ko. 'Di rin siya makapaniwalang napakalaking coincidence nung nangyari. Natahimik lang siya. Siguro dahil nabanggit ko si Charlie. "Hey, what's with the silence? Is it because of Charlie?" Nakangiti kong pang-aasar sa kanya. I know everything bro! It's time for payback! Ako naman ang mang-aasar!
"You know?" Gulat na gulat niyang sabi. Tumango lang ako. At nagulat ako dahil 'di niya tinanong sa'kin kung paano ko nalaman. Siguro part of him knew na ikukwento rin sa'kin ni Charlie ang lahat. So, I grab the opportunity to ask him this, "Why did you leave her? Nasa kanya na ang lahat, Ace. Maganda, sexy, mabait. Why, Ace? Bakit mo sinakripisyo 'yung pinagsamahan niyo over finding some other girl?"
Nakakapagtaka talaga eh. Ganoon ba kaimportante 'yung babaeng tinutukoy niya para isakripisyo ang limang taong pagsasama?
"Kasi 'yung babaeng hinahanap ko, 'yun 'yung totoong mahal ko." Malambing niyang sagot sa'kin habang nakatingin sa mga halaman sa harap namin. "Kung mahal mo 'yon, then bakit pa naging kayo ni Charlie for 5 years?" Muli kong pagtatanong sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi talaga. Ano ba kasing pumapasok sa kokote nitong lalaking 'to!? "Kasi akala ko mapapawala niya sa puso ko 'yung babaeng 'yon. 'Di pa rin pala." Malungkot niyang sagot. Ngayon ko lang nakita 'yung side na 'to ni Ace. The emotional side. "So, you use her?" Tanong ko sa kanya habang hinahawak-hawakan 'yung bulaklak. "No. I thought I love her. Hindi pala." Nakakagalit 'yung mga dahilan niya. Isa rin akong babae noh! "Enough reason ba 'yan para iwanan siya!? Shit ka, Ace! Masakit 'yon. Alam mo bang damang-dama 'yon ni Charlie hanggang ngayon!?" Sigaw ko sa kanya matapos ko siyang sampalin. Nakatingin lang siya sa sahig at walang kibo. "Ikaw kaya ganunin, Ace! Iiwan ka na lang bigla sa loob ng 5 years para hanapin ang isang babae tapos ang rason mo sa'kin ay dahil akala mo mahal mo siya!? BULLSHIT!" Sigaw ko sa kanya. Kasi sa mga luha ni Charlie nakita at naramdaman ko non ang sakit na pinaramdam sa kanya ni Ace. "Ganyan ka na ba ka-siga para saktan ang babae ng ganun!? Edi sana sinaktan mo na lang siya sa pisikal na paraan, kasi 'yung iniwan mo sa kanyang sakit, forever na niyang maaalala 'yon!" Sigaw ko sa kanya sabay na sinampal ko na naman siya. Mahalaga na sa'kin si Charlie dahil I treat her as a friend. Ayokong may gaganon sa kaibigan ko.
Nakatingin pa rin siya sa sahig at wala pa ring kibo sa mga pinagsasabi ko. Nagsasayang lang ako ng laway dito. "Alam mo, ang tanga ko. Alam ko namang hindi ka makikinig eh. Never ka namang nakinig sa'kin. Noon pa man, pinalalayo na kita sa'kin. Still, sunod ka pa din ng sunod. Tapos ngayon pinaparangalan kita? As if naman makikinig ka!" Sigaw ko sa kanya at umalis na ako, bumaba ako ng hagdan para kumuha sa refrigerator ng tubig. 'Di ko kinaya 'yung mga pinagsasabi ko kanina.
Nalabas ko na rin 'yung galit ko sa kanya noon pa. I don't need a hero. Kaya ko naman mag-isa. Pero he still shows up! That's why I hate him. 'Yung pagtatanggol niya sa'kin, It just makes me weak. Feeling ko ang tingin niya sa'kin ay mahina. 'Yun 'yung ayaw ko.
Umakyat na ulit ako at nakita ko siyang nasa terrace pa din at nagulat ako dahil nagpunas siya ng luha. Umiiyak din pala 'tong mokong na 'to! Dapat lang! Masakit ang ginawa niya kay Charlie. Kahit kailan 'di talaga nag-iisip nang matino 'tong si Ace eh.
"Hoy! Nakita kong may breakfast na sa baba. Kumain ka na kaysa mag-emote ka diyan!" Sigaw ko sa kanya. Ang drama niya leche!
Pagkasabi ko sa kanya non, nagtext muna ako kay Charlie na sorry sa kahapon. Kung 'di lang dahil sa bwisit niyang pinsan, edi sana mas napasaya ko pa siya sa birthday niya. Ang naging kalabasan, mas napasaya ko pa ata 'yung Zero na 'yon dahil maaasar niya na naman ako.
Nagulat ako nang bigla na naman akong hinawakan ni Ace bago pa man ako pumasok sa kwarto ko. Ano na naman bang kailangan nito!? Another sermon?!
"Alam mo ba kung sino 'yung babaeng hinahanap ko?" Nagulat naman ako kasi nakalimutan kong itanong 'yon. Napatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng isasagot niya. "Nasa harap ko na."
"Ano!?" Actually, 'di ko gets 'yung sinabi niya. Be specific, Ace! Nasa harap mo na ang alin?
"Nasa harap ko na 'yung hinahanap ko. 'Yung nagsermon sa'kin kanina, siya 'yung babaeng talagang mahal ko." Nanlaki 'yung mata ko sa narinig kong mga salitang lumabas sa bibig niya. But that could only mean...
"Ikaw, Velle. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap."
~~
Author's Note:
Vote naman kayo guys please. Kung nagugustuhan niyo, just vote. ❤️you! May update ulit maya-maya💋
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...