Chapter 6
*Xena Harvelle Dizon*
Hinintay ko muna siyang makatulog bago ako nakawala sa yakap niya. Sigurado ako 'di niya alam 'yang mga pinagsasabi niya ngayon. "Totoo 'to, Velle..." Hay! Ano ba, Xena! Hindi totoo 'yon, lasing 'yung kausap mo kanina itatak mo sa isip mo 'yon.
Lumabas na ako ng kwarto ni Ace nang biglang makasalubong ko si Joanna, "naggrocery ba kayo?" Tanong ko sa pinsan kong halatang pagod sa dami nang dinalang plastic bag.
"Oo." Matipid niyang sagot sabay pumasok sa kwarto niya at idinabog ang pinto. Nag-away na naman siguro sila ng boyfriend niya. Lagi na lang silang ganyan. Sabi niya 'di daw maganda sa relasyon ang puro kasweetan, eh puro away, hindi!? Buang!
Pumasok na ako sa kwarto ko at patuloy talagang nag-e-echo sa isipan ko 'yung sinabi ni Ace kanina. Sa tagal naming magkakilala, ngayon niya lang ako hindi inasar. Nakakapanibago. Siguro dahil lasing lang siya.
--
Bzzzt! Bzzzt!
Incoming call from Charlie
Hay! Ang aga aga naman gumising nitong babaeng 'to. Pag niyaya pa niya ako ulit mag-jogging, aayaw na talaga ako.
"Bakit, Charlie?" Sabi ko sabay na humikab.
"Ay! Kagigising mo lang pala. Gusto ko sana punta ka dito eh, kain tayo. Birthday ko eh." Napaupo ako sa kama ko sa gulat. Watda! Birthday niya!
"Birthday mo!? Ay wait mo ako, punta ako diyan, maligo at magbihis lang ako. Marami ka bang bisita?" Pag-aapura ko.
Takte! Bakit kasi hindi ko tinignan sa Facebook 'yung birthday niya!
"Wala, Harv. Ikaw lang. Sige na please punta ka na." Malungkot niyang sabi. Hula ko nagpa-pout na siya ngayon.
"Sige sunod na ako. Wait mo ako." Sabi ko sabay nag-bye na siya at binaba ko na 'yung call. Shit! Birthday niya! Hay! Wala akong regalo!
--
Matapos kong maligo at magbihis, umalis na ako at nagpaalam na lang kay tita na pupuntahan ko kaibigan ko dahil birthday niya. Wala na akong time para sabihan pa si Ace. May hangover pa 'yung gagong 'yon for sure.
Dumaan muna ako sa SM. Takte, kokonti lang pera ko. 100 lang budget ko para sa regalo niya. Dumaan akong Daiso, naguumpisa kasi halos lahat ng items dito sa 88 pesos. Sulit na maganda pa! San ka pa!? Ay! Parang nag-endorse na ako..
May nakita akong cute na glasses na sa tingin ko bagay sa kanya, para may pamalit man lang siya sa salamin niya. De-tanggal naman 'yung glass kaya pwede niyang ipalit 'yung sa kanya tutal de-tanggal din naman 'yung kanya.
Binili ko na 'yung salamin at sumakay na ulit ako ng jeep papunta kina Charlie.
Nakita ko si Charlie na nasa gate na nila, aw sweet! Hinintay talaga ako. "Salamat naman, akala ko 'di ka pupunta eh." Sabi niya sakin sabay ngiti, "jusko, matitiis ko ba 'yang ganda mo!? Come on! Pasok na tayo, para mabuksan mo na gift mo." Pagmamadali ko sa kanya kasi sure ako madaming pagkain. Rich girl ang bff ko eh.
"Wow! Daming handa! Wala ka naman masyadong bisita, pwede mag-uwi!?" Tuwang-tuwa kong sabi. "Teka, bakit pala ako lang bisita mo?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang cookies. "Wala akong kaibigan eh." Malungkot niyang sabi. Ano ba 'yan! Ang ganda niya pa din kahit nakasimangot! It's not fair!
"Nako! Don't be sad na! Let's eat na lang!" Excited kong sabi. Shit! Dami ulam! Lantakan na lahat 'yan! Tsibog na!
--
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romansa[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...
