(Kayzer on the multimedia)
Chapter 4
*Xena Harvelle Dizon*"Xena! Nandito kaibigan mo, si Charlie daw." Narinig kong sigaw sakin ni Tita. Tumingin ako sa orasan at 6 AM pa lang! Ang aga naman 'non. Tsk! Gusto ko pa matulog eh.
Nag-suklay ako ng buhok at nagsuot ng maayos na short at t-shirt at bumaba na ako.
"Harv, sorry kung bigla akong napadating dito. Gusto sana kitang yayayain mag-jogging." Nakangiti niyang sabi. Nako, kung 'di ka lang maganda, baka inetsapwera na kita.
"Teka, paano mo nalaman bahay ko?" Noong una, may biglang nakaka-alam ng number ko, eh sa kanya ko lang naman binigay 'yon. Kay Charlie lang. Tapos meron na din si Ace!? Tapos ngayon naman, alam na bahay ko!? 'Yung totoo, artista na ba ako? Nasaan ang camera!?
"Sinabi sakin ni Ace. Tsaka nakalimutan kong sabihin sa'yo, hiningi sakin ni Ace 'yung number mo." Sus kaya naman pala! Alam ko na 'yon ateng!
"Eh, paano naman kayo nagkakilala ni Ace?" Madami na talaga akong ipinagtataka sa mundong 'to.
Napatingin siya bigla sa ibang direksyon, "Umm, nakita niya akong kasama mo doon sa music store, kinausap niya ako at kinuha ang number mo. Lika na, Harv." Bigla niyang pagputol ng usapan namin at dumiretso na siya sa labas ng gate.
Bakit mo naman ibibigay agad 'yung number ko sa kakakilala mo pa lang!? Or baka naman matagal na silang magkakilala? Hay! Sumasakit ulo ko. Masisira face ko, ayoko nang mag-isip.
--
Pumunta kami dito sa pinakamalapit na park mula sa bahay namin nang nagdya-jogging! Tangna! Hinahabol ko na 'yung hininga ko. Kahingal!
"Oy! Charlie! Hintayin mo naman ako!" Sigaw ko sa kanya habang hapong-hapon na sa kakatakbo.
Bilis niya namang tumakbo kasi! Paano kasi, ang sexy masyado.
Akala naman niya kaya ko 'yung ganoon kalayo tapos itong buong park tatakbuhin din namin."Charlie!" Hingal na hingal kong sabi. Napaupo na lang ako sa isang bench. "Hay! Ayoko na! Suko na ako!" Sigaw ko habang pinupunasan ang pawis ko. Takte! Basang-basa kili-kili ko. Buset! Kahiya!
"Oh, Harv, ayaw mo na?" Sabi niya habang tumatakbo pa rin. Iba rin lungs mo 'te! 'Di ka ba hinihingal!? Tangna, fresh pa rin siya!
"Ayoko na.. Pagod na ako." Sabi ko habang hingal na hingal pa rin. Hirap kaya maghabol ng hininga!
Maya-maya umupo na siya sa tabi ko. May bumabagabag talaga sa isipan ko eh. Kailangan ko nang itanong sa kanya 'to.
"Charlie, kilala mo ba si Ace?" Bigla siyang napatigil sa pag-inom ng tubig. "Ah, oo. Diba doon sa music store." Sabi niya sabay napatawa nang kaunti."Hindi 'yon. I mean magkakilala na ba kayo dati?" Diretso kong tanong sa kanya. Ni hindi niya ako tinitignan sa mata.
"Hindi. Doon ko lang siya nakilala. Ikaw ba, Harv? Kaano-ano mo 'yon?" Bigla niyang pag-iiba ng topic. Hay! "Kababata ko siya. Uwi na tayo." Inis kong sabi. Ayaw ko kasi talaga 'yung may naglilihim sakin. Nakakainis talaga 'yon!
Tumayo na siya at kinuha ang towel at tubig niya. Kinuha ko na rin 'yung tubig at towel ko. Sa tingin ko, 'di pa rin niya ako pinagkakatiwalaan.
--
Wala kaming naging usapan hanggang sa nakarating kami sa bahay ko ulit. Nakita ko mula sa malayo si Ace. Bigla akong pinigilan ni Charlie. "Punta muna tayo sa bahay ko, pakita ko sa'yo bahay ko." Bigla niyang sabi at hinatak ako papunta doon sa isang kotse. Nako! Don't make me think bad things, Charlie!
Nakita ko 'yung isang lalaki na lumabas sa isang kotse na nakapang-driver na uniform. "Ito na po 'yung pinadala niyong dalawang bike" sabi 'nung driver niya sabay nilabas 'yung dalawang bike, nakita ko doon sa likod ng kotse, p*ta! May bike nga at natitiklop pa!
"Let's go?" Pang-aalok sakin ni Charlie. "Yeah." Sagot ko sabay na sumakay na ako sa bike. Mayaman pala 'tong future bff ko.
Naka-jackpot!--
Maya-maya pa'y narating na namin 'yung bahay niya. Mga ilang likuan lang pala mula samin.
Takte! Ang laki ng bahay ni Charlie. Para talagang prinsesa siya! Kasi kastilyo na 'to eh!
"Pasok na tayo, Harv." Nakangiti niyang sabi sakin. Pumasok na kami sa pagkalaki-laking pinto nila. "Gosh!" 'Yan na lang nasabi ko sa laki at ganda ng loob ng bahay ni Charlie.
"Upo ka muna diyan ha, kuha kita nang maiinom." Nakangiti niyang sabi sakin bago siya pumunta sa kusina ata nila. Kusina lang nila, buong 1st floor na ata ng bahay ni Tita Alice.
Naupo ako sa sofa nila, ang lambot at ang ganda ng kulay, green! My favorite color!
Napatingin ako doon sa dulo nung isang sofa, haba kasi eh. May isang lalaking concentrate sa pagsolve ng isang rubik's cube. Napaka-emotionless ng mukha parang hindi mahirap 'yung sino-solve niya. Ni isa nga wala akong nasolve na rubik's cube eh.
Napatingin siya sakin, kinawayan at nginitian ko naman siya. Ini-snob lang ako at nagpatuloy sa pag-solve ng rubik's cube niya. Ang sungit naman nitong lalaking 'to! Sayang, gwapo pa naman.
"Ito na, Harv. Ice tea lang nakahanda diyan eh. Ok lang ba sa'yo?" Sus! Okay na okay, tubig nga lang ang lagi kong naiinom sa bahay ni Tita Alice eh.
"Oo naman." Sabay na kinuha ko sa kanya 'yung hawak niyang basi at uminom agad ako. Kahingal mag-bike eh. "Nga pala, sino siya?" Pagtatanong ko sa knya sabay turo doon sa lalaking naglalaro ng Rubik's cube.
"Ah, pinsan ko. Oy! Lika nga dito, magpakilala ka naman, may bisita tayo oh. Pasensyahan mo na, Harv, may pagka-mahiyain 'yan eh." Sigaw niya sa pinsan niya sabay kausap sakin. Ang sabihin mo baka masungit hindi mahiyain!
Tapos wala pang emosyon 'yung mukha. Sira kapogian mo boy!Hinatak na siya ni Charlie dahil ayaw talagang tumayo, pumunta na lang ako doon sa kinakaupuan ni emotionless boy at pinigilan si Charlie. "Ako nga pala si Xena. Ikaw?" Nakangiti kong pagpapakila kay emotionless boy.
"Kayzer." Matipid niyang sabi at tinignan ako mula ulo hanggang paa. 'Wag ka ma-attract sa body ko, bhe!
"Hello. Kaibigan ako ng pinsan mo." Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Namamlastik na ako sa ginagawa kong 'to.
"I see." Matipid niya na namang reply sakin. Ano ba! Napakahmm!
"Akyat na ko pinsan." Emotionless niyang sabi kay Charlie sabay na umakyat na siya. Hingalin ka sana sa haba ng hagdanan niyo!"Harv, pasensya na talaga ha. 'Di sanay sa tao 'yan eh, laging nagkukulong sa kwarto niya." Tumango na lang ako masyadong maganda ang pagkakangiti niya sakin eh. Dyosa talaga!
"Nga pala, ano mo ba talaga si Ace? Kasi napansin ko nung tinanong kita ang tagal momg sumagot at tumitingin ka sa ibang direksyon." Nakatitig lang siya sakin nang bigla na siyang sumagot, "'di ka madaling maloko Harv ah." Sabay napatawa siya.
Hinihintay ko lang ang sagot niya. Nang bigla siyang nalungkot.
"Ay, alam mo 'wag mo na lang sagu-" napatigil ako nang bigla siyang nagsalita o dahil ba sa sinabi niyang...
"Ex ko. 5 years ang itinagal namin."
Gosh! ANO!?
~~
Author's Note:
Please keep on reading and share it to your friends. Paki-vote na rin kung nagugustuhan niyo. Thanks!
![](https://img.wattpad.com/cover/65467483-288-k795866.jpg)
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...