CHAPTER 2: Coincidence

276 16 16
                                    

Chapter 2
*Xena Harvelle Dizon*

"Pwede bang Harv na lang tawag ko sa'yo?" Bigla niyang pagtatanong nang nakangiti habang isusubo ko pa lang itong binili naming ice cream.

Harv!? Pan-lalaki naman masyado. Tsaka first time may tatawag sakin niyan. Edi sige! Go!

"Oo naman." Sabi ko sabay na ngumiti at isinubo ulit ang kutsara na punong-puno ng cookies n' cream flavored na ice cream.

Favorite ko 'to eh. Ito rin ang favorite ni mama na flavor.
Hay... Mama...

"Uy! Harv, lika na, uwi na tayo." Pag-aaya niya. Ice cream lang pala pampagaan ng loob niya.

Ako, hindi eh. Kailangan mong bumili ng burger, fries, at chocolates para mapagaan ng loob ko. I guess kaya ganito figure ko dahil don.

Naglakad-lakad kami at 'di sadyang nadaanan namin ang isang music store. Sa labas pa lang, kitang-kita mo na ang sandamakmak na album. Gosh!

"Charlie, pasok muna tayo oh. Titingin lang ako." sabi ko sabay na ngumiti na parang nagmamakaawa. 'Di bagay, Xena!

Pumasok kami at tumingin agad ako. Namangha ako sa mga nakita ko, nandito lahat ng favorite kong music. Ang ipinagkaiba nga lang original 'tong mga 'to at ang mamahal.

"Mahilig ka pala sa music." Biglang salita ni Charlie. "Ah, oo, sobra." Sagot ko naman nang may buong ngiti.

Ang saya ko talaga basta music ang pinag-uusapan. Iba talaga ang saya na napaparamdam sakin nito. Hay, sana lalaki ka na lang...

Lumayo muna sakin si Charlie para tumingin din ng music. Mahilig din pala siya. Baka meant to be bestfriends kami!? Gosh!

Wow! Maroon 5! May pera naman ako, bibilhin ko na. Nakita ko rin 'tong matagal ko nang hinahanap.

Pero nung pagkakuha ko, nagulat ako nang may kamay din sa kabila na kinukuha din 'tong album.

"Sorry po, pero ako po ang nauna." Mahinhin kong sabi.

P*ta nung humarap, sobrang gwapo. Miyembro ba siya ng Maroon 5!? Ay hindi, mukhang hindi. Gwapo lang talaga.

"No. Ako ang nauna. Pakibitawan na, miss." Emotionless niyang sabi.

Sayang kapogian niya, napaka-emotionless ng mukha. "Ako po ang nauna talaga dito, kanina pa po ako tumitingin dito, kaya kayo po ang bumitaw please?" Malambing kong sabi. Baka sakaling magkaron ng epekto sa kanya. I still got my charms noh!

"Sorry" sabi niya sabay hablot nang malakas mula sakin. 

"Aray! Ang sakit non ah!" Sigaw ko sa kanya. Kanina nagtitimpi pa ako, well, ubos na ang pasensya ko.

 "Mine." Sabi niya sabay nag-smirk at proud na tinaas pa niya 'yung album ng Maroon 5. Tangna! Ang arogante mong hayop ka ah!

"Hoy!" Sinigawan ko siya pero tuloy-tuloy lang siya sa counter.
Good bye, my precious album. 'Di kita makakalimutan. Lalo na 'yung nang-agaw sa'yo mula sa akin.

"Hey, Harv, lika na, uwi na tayo. May bibilhin ka ba?" Biglang pagsingit ni Charlie sa page-emote ko. Bwisit talaga 'yung lalaking 'yon! Hawak ko na eh, inagaw pa. P*ta talaga.

"Sige, halika na." Sabi ko nang habang nanghihinayang. Hay...

"Okay ka lang ba?" Tanong niya. "Okay lang ako, inagaw lang naman ng isang lalaki 'yung album na gusto ko. Ipinagpipilitan niya na siya 'yung nauna." 'Di ko na napigilan 'yung sarili ko, kaya naibuhos ko na sa kanya 'yung inis ko.

"Asan siya!? Bakit 'di mo sinabi sakin kaagad!?" Nagulat ako dahil biglang nainis na rin si Charlie. Meant to be bestfriends na talaga kami. I'm feeling it!

"Wala na. Nakaalis na, kasama ang pinakamamahal kong album ng Maroon 5." Malungkot kong sabi. Hay... Come back, my love!

"Hayaan mo na 'yon, Harv. Uwi na tayo. Kanina pa rin akong tinetext ng mama ko eh." Pag-mamadali niyang sabi sakin.

Tumango na lang ako. Buti pa siya, may nag-aalala pa sa kanyang magulang. Sa akin, wala na. 7 years ago pa.

"Huy! Lagi kang tulala, Harv. Sakay na ako ah." Pamamaalam niya sakin. "Ah, sige ingat ka!" At umandar na 'yung jeep. Sayang nga lang dahil magkaiba kami ng way pauwi. Edi sana lagi ko siyang makakasabay.

Sumakay na ako sa jeep, nakakapanghinayang talaga 'yung album na 'yon. Dapat kanina ko pa kinuha 'yon, para nabayaran ko agad.

"Bayad po." Akmang magbabayad na sana ako nang sumabay din 'tong nasa tabi ko. Syempre mas uunahin ko muna 'yung bayad ko bago iabot 'yung kanya noh.

"Hoy! Paabot naman!" Sigaw sakin nung katabi ko, "WAG KA NAMANG SUMIGA-" bigla akong napatahimik. P*ta! Siya na naman! Si Mang-aagaw!

Ngumiti siya sakin sabay sabing, "Hey. Iabot mo na 'to." Malambing niyang sabi. 'Di tatalab sakin 'yan, boy! Mas una ko pa ring inabot sa driver ang bayad ko, tsaka lumipat ako ng pwesto sa jeep. Buti na lang may space dito sa katapat ko. Siya mag-abot niyan. Ginawa pa akong utusan nitong mang-aagaw na 'to.

Tinarayan ko lang siya at biglang nalukot mukha niya, inis na inis na inabot yung bayad niya sa driver. Ha! Buti nga sayo! Napangiti ako ng konti na mas lalong nagpa-lukot ng mukha niya. Nagsalubong na ang mga kilay niya. Dapat lang sa'yo 'yan!

--

Makalipas ang ilang minutong walang usap. Malapit na ako bumaba. Pagkababa ko ng jeep. May pakiramdam ako na may sumusunod sakin.

Gosh! Anong gagawin sakin nito!? Wait, scratch that. 'Di ako kagandahan para i-rape. Nako! Baka murderer o magnanakaw 'to.
Bilis ng konti, Xena. Bilis ang lakad.

Nung nakahanap ako nang mapagtataguan, bwisit naman sa may basurahan ko pa talaga naisip na tumabi. Atleast nakapagtago ako sa snatcher o holdaper na 'yon.

Napanganga na lang ako sa nakita ko, pumasok siya sa bahay ni Tita Alice. P*ta! Nako! Kailangan kong balaan sila Tita baka i-massacre kami at makita ko na sa dyaryo bukas na minassacre kaming pamilya. 'Di pwede 'yon! 'Di maaari! Marami pa akong pangarap sa buhay!

Binuksan ko nang malakas ang pinto, "Tita! Kunin niyo 'yung kutsilyo! Imamassac-" napatigil ako nang magtinginan silang lahat sakin kasama na 'yung lalaking nang-agaw nung album ko.

"Ay 'di ko pala nasabi sa'yo, Xena. Ito 'yung bagong mangungupahan sa mga kwarto don sa tabi ng kwarto mo. Pakilala ka iho. Pamangkin ko siya." Pagturo at pagpapakilala sakin ni Tita Alice.

Napatingin ako sa kanya, sinabi niya habang nakangiti, "Ako nga pala si Ace. Kamusta na?"

"Ace!? Ace Asyong Cruz!?" Buong gulat kong pagtatanong.

Buong ngiti niya naman akong sinagot, "Yes. Kamusta na, Velle?"

'DI MAAARI!



~~

Author's Note:
Guys, stay tuned.
My Rule Breaker pakibasa din :)
Thanks, labyouall! :*

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon