(Charlie on the multimedia)
Chapter 5
*Xena Harvelle Dizon*"Ex!? Really!?" Gulat na gulat kong pagtatanong sa kanya. Kasi kilala ko si Ace. Napaka-cold niya sa mga babae. Well, maliban sa'kin. Puro pang-aasar ginagawa sa'kin nung hinayupak na 'yon eh.
Ang hirap lang talagang paniwalaan.Tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko, "WHAT!? When? Where!?" As in 'di talaga ako makapaniwala. Kung kilala niyo lang talaga si Ace, parang kaya niyang manggulpi ng babae. 'Di niya hahayaang mapasunod lang ng kung sino kahit mahal pa niya.
"Noong 15 years old ako, we met accidentally because its raining back then-" nakakadugo niyang pagkekwento. "Pwede bang paki-tagalog?" Sabi ko sabay kuha ng tissue at ipinamunas ko sa ilong ko. Ka-nosebleed ka 'te!
Natawa siya at pinagpatuloy niya na pagkekwento niya, "umuulan noon, nasa isang waiting shed lang ako at hinihintay si manong driver namin, sa sobrang lakas siguro ng ulan kaya ang tagal ko talagang naghintay nang biglang dumating siya na nakakajacket na may hood at sumilong din sa waiting shed. Natatakot na ako noon akala ko kikidnapin o hoholdapin na ako." Magiliw na pagkekwento ni Charlie. "Then?" Engganyo ko namang pakikinig.
"Then, hinubad niya 'yung jacket niya at pinatong sakin. Sabi niya isuot ko daw 'yung hood. Kasi may butas-butas din 'yung waiting shed kaya alam niyang natutuluan din ako, sa tagal ng driver ko, nakipagkwentuhan siya sakin. Hanggang sa hiningi niya number ko. Then, nagkakilala at nagkadevelop-an kami." Nakangiti niyang pagtatapos sa mahaba niyang kwento.
"What!? 'Yun lang!? Sure ka!?" Pagtataka ko. Hindi kasi ganoong tao si Ace. Hindi talaga. Kilala ko na si Ace simula pa lang nung 5 years old ako. 7 years ko na siyang kasama noon. Then, natigil lang dahil sa aksidente. Pero I know na hindi siya ganung tao na biglang makikipagusap sa babae. Hindi dahil sa cold siya, pero isa na rin 'yon. Kundi dahil napakamahiyain niya. Pinagmumukha niya lang ang sarili niya na matapang 'pag kaharap na ang ibang tao. Parang hindi si Ace 'yung kinekwento niya sa'kin.
"Sure ka ba talagang si Ace 'yon? Baka naman kapangalan or kamukha niya lang?" 'Di talaga si Ace 'yon. Hindi naman sa pagmamalaki pero nakikita ko lang ngumingiti 'yon 'pag kasama ako eh. Este, 'pag inaasar pala ako. Kung tutuusin 'di naman nakakatakot talaga si Ace para sa'kin, siguro nga dahil lagi siyang nakangiti 'pag kasama ako.
"Oo nga, Harv. Kulit mo. Ayaw mo ba maniwala?" Umiling naman agad ako sa sinabi niya. "Hindi kasi 'yan yung Ace na kilala ko eh. Pero siguro napabago mo siya. Eh bakit nga pala kayo nag-break?"
Natigilan siya bigla sa sinabi ko."Sige, kung ayaw mo sagutin okay la-" napatigil ako nang bigla siyang nagsalita, "hindi. Okay lang. Kekwento ko rin sa'yo." Mahina niyang sabi. Parang mangingiyak-ngiyak na kaya tinanggal niya ang salamin niya. Mas maganda pala siya 'pag walang salamin. Goddess!
"Sabi niya lilipat na sila ng bahay at 'di na daw siya babalik doon sa lugar namin at hindi niya na daw ako babalikan." Paiyak niyang sabi. Sabi na eh! Kahit kailan talaga 'yung lalaking 'yon, padalos-dalos pa din sa mga sinasabi niya.
"Bakit daw!?" Pagtataka kong sagot. Kunwari hindi ko alam na napaka-cold niya. "Dahil daw hahanapin niya 'yung babaeng pinakamamahal niya." Mas lalo akon nagtaka at nagulat sa sinabi ni Charlie. Para talagang hindi si Ace! "Akala ko ba ikaw ang mahal niya kasi diba kayo noon?" Pilit kong pag-iintindi sa nangyari.
UNBELIEVABLE!"'Yun din ang akala ko. Pero 'di pala ako. Hanggang ngayon, 'di ko alam kung sino 'yung tinutukoy niya. Kasi bigla na lang niya akong iniwanan." Malungkot niyang pagkekwento. Hinimas ko naman ang ulo at likod niya, "hayaan mo siya, Charlie. Move on na. Hindi mo deserve 'yung lalaking 'yon, trust me." Pagpapakalma ko sa kanya kasi tuluyan nang bumuhos luha niya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
--
"Salamat sa paghatid, Charlie." Pagpapaalam ko kay Charlie habang pababa ng sasakyan niya. Kinawayan niya naman ako na may kasamang magandang ngiti.
Gago talaga 'yung Ace na 'yon. Pagkaganda-gandang babae, halos lahat nga nasa kanya na eh, tapos iniwan lang bigla. Sabagay, siguro kasi mas love niya 'yung sinabi niyang hahanapin niya. Pero dapat hindi niya na pinaasa pa ng ganun 'yung babae. Sabagay, 'yan naman ang ugaling Ace. Ang masakit lang doon, hindi alam ni Charlie na gago 'yang si Ace.
"Dito na po ako, Tita." Sigaw ko kay tita pero walang sumasagot. Siguro naggrocery sila ni Joanna.
Umakyat na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko, "putakte! Bakit ka nandito sa kwarto ko!?" Laking gulat ko nung makita ko sa loob ng kwarto ko si Ace. Mokong ka talaga kahit kailan!"Labas!" Sigaw ko sa kanya. "Labas sabi!" Paulit ulit kong sigaw sa kanya pero 'di niya ako iniintindi. Puta nagtakip pa ng unan at natulog pa. Gago talaga!
"Hoy! Doon ka sa sarili mong kwarto matulog. Hoy asyong!" Sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog siya. Ang tibay nitong mokong na 'to!"Hiyaaah!" Ayaw niya bumangon kaya dinaganan ko sa tiyan. "PUTA! Ano ba 'yan, Velle!" Sigaw niya sakin sabay taboy sa'kin. "Hoy! Tumayo ka diyan! Kwarto ko 'to, can't you see!?" Pagtataboy ko pa rin sa kanya. Tumayo na rin siya, salamat naman.
"Lasing ka ba!?" Sigaw ko ulit sa kanya, pagewang-gewang lakad niya eh. "Wala ka nang pake." Matipid niyang sagot sa'kin at lumabas na sa kwarto ko. Sinundan ko naman siya at tinignan siyang maglakad. Naglalasing lang siya 'pag may problema eh. Ano nanaman kaya problema nito?
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya, pero walang respond. Kumatok ulit ako, wala pa din. Sinusuntok ko na 'yung pinto, pero wala pa din. Takte! Lakas ata ng tama nitong lalaking 'to.
Sinipa ko na, nagulat ako dahil bumukas. Tinignan ko 'yung pinto at door knob kung walang sira, nakahinga ako ng maluwag, buti walang sira.Nakita ko siyang nakadapa sa kama niya at talagang sabog. Tulog agad pagkahiga. Bukas ko na lang siya tatanungin kung anong problema niya.
Inalis ko 'yung sapatos niya at medyas at inakyat siya nang kaunti sa kama. Mahuhulog na siya eh. "Argh! Ang bigat mo!" Sigaw ko habang buhat-buhat ko katawan niya sabay binagsak ko siya banda sa may unan niya. "Naglalasing, hindi naman pala kaya!" Sigaw ko sa kanya pero tulog pa din siya. Lakas ng tama!
Kinumutan ko siya at inayos ang buhok niya. Kahit kailan talaga Ace, 'di ka nag-iisip! Pasalamat ka wala dito sila tito at tita, kung hindi hinampas ka na ng sinturon.
Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan, "dito ka muna." Mahina niyang sabi habang hawak ang wrist ko. "Matutulog na ako, Ace. Bukas na lang." Sabi ko habang pinipilit kong alisin 'yung pagkakahawak niya sa'kin.
"Aaaah!" Napasigaw ako nang bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya napahiga ako sa tabi niya at niyakap niya ako. "Ano ba Ace!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong kumawala. Ang higpit ng yakap amp*ta!
"Dito ka na lang sa tabi ko. 'Wag mo na ulit ako iwan." Narinig kong sabi niya na ikinatigil ko. Kung ano-ano sinasabi nitong mokong na 'to 'pag lasing. "Velle..." Bulong niya sa tenga ko. "'Wag mo na ulit akong iiwan ha..." Garalgal niyang bulong. "Tagal kitang hinanap, ayokong umalis ka pa sa tabi ko." Mahina niyang sabi na talagang ikinagulat ko kasi ako pala 'yung tinutukoy niya.
"'Wag ka nang aalis ulit..." Malambing niyang sabi sabay na niyakap pa ako nang mas mahigpit. "Nasasabi mo lang 'yan dahil lasing ka." Sabi ko sa kanya na may halong inis.
"Totoo 'to, Velle." Nabingi ako sa sinabi niya dahil kahit ang hina lang ng boses niya, ang lakas naman ng tibok ng puso ko...
~~
Author's Note:
Sorry guys dahil napaka late ng update ko, dami kasing school project at exams. Vote naman po guys, loveyou!💋
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...