Chapter 8
*Ace "Asyong" Cruz*
Tsk! Bakit ko nasabi 'yon!? Bigla ko na lang nasabi! Siguro sa inis ko lang 'to. Tama! Dahil lang sa inis ko kaya ko nasabi 'yon. Hay!
I'm so screwed! Bigla na lang nabigkas ng bibig ko 'yung mga salitang 'yon. "Ikaw, Velle. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap."
Shit! Umalis ka na nga sa isip ko. Maya iba pa maisip ni Velle dahil sa sinabi kong 'yon. Matapos kong sabihin 'yon, nanlaki mata ko sa nasabi ko at dumiretso sa kwarto ko. Ang tanga ko talaga eh! Kahit kailan talaga 'di ko makontrol ang bibig ko. "P*ta!" Sabay na sinuntok ko 'yung pader.BRRGGGGGHHH~ hay! Naririnig ko na 'yung tiyan ko. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Iniisip ko kung kakatok ba ako sa kwarto ni Velle. Hay! Unahin ko muna 'tong tiyan ko.
Bumaba na ako at nakita kong may hotdog at fried rice sa lamesa. Kumuha na ako ng plato, baso at utensils. Kailangan nang pakainin ang dragon sa loob ng tiyan ko.
Habang kumakain ako, narinig kong may bumaba ng hagdan. 'Di pa rin talaga ako matitiis nitong tabachoy na 'to.
"Velle!" Sigaw ko, sabay napalungkot ako ng biglang si Joanna lang pala. "Hi, Ace." Bati niya sakin habang nakangiti. Dati pa 'tong nagpapacute sa'kin eh. Kung 'di lang dito nakatira si Velle, 'di talaga ako titira dito eh.
"Ako nagluto niyan, Ace. Maaga kasing umalis si mama, may trabaho na kasi siya sa factory." Pakikipag-usap niya sa'kin pero patuloy lang ako sa pagkain. Isang pitik ko lang sa babaeng 'to, tatalsik 'to eh. Napakapayatot!
Nung maramdaman kong busog na ako, uminom na ako ng tubig at nilagay na ang pinagkainan ko sa lababo at umakyat na ako nang 'di siya pinapansin. Papansin kasi masyado! Simula mga bata pa lang kami, para na siyang linta na dikit nang dikit at sunod ng sunod sa'kin. Nakakainis na sobra!
Pagka-akyat ko, naisipan ko nang katukin si Velle. "Velle!" Sigaw ko habang kinakatok 'yung pintuan ng kwarto niya. "Velle!" Sigaw ko ulit dahil wala talagang sumasagot. Umalis ba siya!? Parang 'di ko naman namalayan.
--
*Xena Harvelle Dizon*
Hay! Buti na lang gumagaan 'yung loob ko kapag nagba-bike ako. Ang sarap lang maamoy ang simoy ng hangin. Hay! Napaka-fresh ng hangin dito sa subdivision kayla Tita. Kaya dito ko naisipang tumira eh.
Alam ko namang 'di totoo 'yung sinabi ni Ace. Ganyan naman siya eh. Kapag naniwala ako doon para ko na ring sinabi na hindi ko siya kilala. Si Ace kilala bilang 'salita muna bago mag-iisip'. Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit ginamit niya pa akong dahilan para makalusot siya sa kasalanan niya kay Charlie. Buti pa si Charlie, nag-eenjoy sa swimming kasama ang mga relatives niya. Nagulat nga ako dahil sabi niya naiwan daw mag-isa si Zero sa bahay nila. KJ daw. Kasiyahan lang naman non ay 'yung pang-aasar niya sa'kin eh.
Bzzzzt! Bzzzzt!
1 Unread message from Charlie_BFF"Hey, Harv. I hope hindi ako nakakaistorbo. Pero kasi may problema eh. Tinawagan ni Kayzer si tita, may sakit si Kayzer ngayon, pwede bang dumaan ka muna sa'min?"
Ako mag-aalaga ganon!? Wala ba silang yaya at maid doon!? Pagkalaki-laki ng bahay nila eh! May chef, walang maid!?
Tinawagan ko si Charlie at tinanong ko kung wala bang maid na pwedeng mag-alaga sa Kayzer na 'yon. Ang nasabi lang sa'kin ni Charlie, mean daw si Kayzer sa mga maid nila. Ayaw niyang nagpapahawak sa mga 'yon. Ka-arte naman! Napaka-spoiled brat!
Napa-oo na lang ako kay Charlie. 'Di ko na siya matiis, it means I really treat her na as my bestfriend.
--

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...