(Jessica on the multimedia.)
Chapter 20
*Xena Harvelle Dizon*
"FIRST LOVE!?" Napalakas 'yung boses ko kaya agad kong tinakpan ang bibig ko. "Shhh! Oo! First love niya!" Sagot naman sa'kin ni Charlie. Wtf! 'Yun ata 'yung sinasabi niya sa'king binubully niya dati pero gustong-gusto niya.
Ang ganda ni Jesse, sexy, mukhang mayaman at may class. Tapos binubully niya 'yon dati? "Binubully niya ba 'yon dati?" Kunwari wala akong alam. "Oo! Sobra! Mapansin lang siya!" Tawang-tawang sagot ni Charlie. "Kasi dati chubby 'yang si Jesse. Pero ngayon, tignan mo naman ang katawan, pang-beauty queen diba?" Nakangiting sabi ni Charlie. Ngumiti na lang din ako pabalik. Paano niya nagawang iwasan ang pagkain? Ano kaya sikreto niya?
"Binubully din niyan ako dati pero 'di naman ako pumayat." Natawa bigla si Charlie. "Good one, Harv!" Sabay na mas lalo pang inilakas ang tawa niya. Yeah, I know. Nakakatawa siya sa ibang tao, pero 'di talaga nakakatuwa 'yon."Bakit binubully niya si Jesse kung mahal naman pala niya?" Pag-iiba ko ng topic kay Charlie. Baka kasi sumakit na tiyan niya at isisi pa sa'kin. "'Yun lang kasi 'yung way para mapansin siya ni Jessica." Wow! Desperate times, Zero?
"So, ibig sabihin type din niya pala ang matatabang babae?" Tanong ko na ikinatawa na naman ni Charlie. "Ganoon na nga!" Then she bursted out laughing. Grabe! Napaka-galing ko ng comedian. Maka-exit na nga.Dumiretso ako sa kabilang kwarto; sa guest room. Nag-impake na ng mga damit ko dahil lalayas na ako. Chos! Syempre, 'di naman talaga ako dito nakatira. Dinala ko na sa labas ng guest room 'yung dalawang malalaking bag ko.
"Mukhang wala si tita." Bulong ko sa sarili ko. It's time for an eavesdropping session! Dahan-dahan akong pumunta sa pinto ni Zero at nilapit ang tenga ko para marinig kong maigi 'yung pinag-uusapan nila.
"Zero, gaano na kayo katagal?" Rinig kong sabi ni Jesse. I'm sure siya 'yon kasi girly talaga ang boses.
"Umm, days pa lang." Maikling sagot ni Zero. "Ohh, are you planning on marrying her?" Muntik na akong mapa-upo dahil sa sinabi niya. Marry agad-agad?
"No!!" Agad namang pag-tanggi ni Zero. Sakit ah! With conviction?
"Ah..." Sinabayan pa niya nang mahinhin na tawa."Is it true na may crush ka daw sa'kin noong highschool?" Mukha na akong tanga sa ginagawa ko. Nakakangawit din pala 'tong ginagawa ko.
"Umm...." Wow, long pause. "Oo." I'm sure nagba-blush na 'yan ngayon si Zero. Mukhang walang maisagot ang babae. Mukhang natameme na. Pabebe pa?
"Me.. Me too." Wow! Good bye, 15k! Wala ka nang silbi, Xena! Shooooooo!
'Yon na 'yung cue ko para umalis. Binuhat ko na ang dalawang malalaki kong bag.
Alam mo kung pagtatabihin sina Zero at Jesse, they are actually look like a perfect couple. Why did I say that? Let me describe Jesse for you.
Long and straight red hair na hanggang baywang, pouty lips that is naturally red. May contact lenses siya pero the freckles under her eyes when she smiles, It's ugh... Really beautiful. Bagay na bagay sa matalim na mga mata ni Zero, husky voice and macho body.
Perfect face and body talaga si Jesse. Like it was built for perfection. I know there is no such thing as perfection but I think she is an exception. Parang nagiging Lang Leav na ako. 'Di ko napigilang mai-rhyme 'yon.
I shooked my head. Tigilan na 'tong pagnanasa ko, bumaba na ako ng hagdan bago pa ako tuluyang magkagusto sa babae.
"Charlieeee!" Pumunta agad akong kusina baka nandoon pa siya. "Ba---kit?" May kinakain kasi tapos nagsasalita. "Alis na ako. Balik na ako doon kayla Tita." Binitiwan agad ni Charlie ang hawak niyang donut at niyakap ako bigla. "Mamimiss kita." Gagang 'to! 'Di naman ako mawawala! "Bibisitahin naman kita dito." And I hugged her back.
Matapos ng medyong mala-telenovelang scene namin sa kusina, nagpaalam na din ako kay Tita Judy. "Thank you, iha sa pagbantay sa anak ko." She said with all smiles. Ang saya na niya kasi wala nang hadlang sa love team na JeRo. Oh! I'm just so smart. "Sasabihin ko na lang kay Kayzer na nakaalis ka na." With all smiles again. I just smile back na lang. Mahirap patulan ang matanda.

BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...