CHAPTER 19: His First Love

94 8 0
                                    

Chapter 19

*Xena Harvelle Dizon*

"Aaaaaah!" Sigaw ko dahil nagising ako nang nakayakap siya sa'kin. Nagising siya sa sobrang gulat. "Ba't ka nakayakap sa'kin!? May ginawa ka ba sa'kin ha!?" Pagsisigaw ko sa kanya sabay na pinagpapalo siya ng unan. "Aray! Ano ba! Itigil mo nga 'yan!" Pagsisigaw niya sa'kin sabay na inagaw sa'kin 'yung unan. "Napaka-kulit mong matulog! Ilang beses akong nahulog sa sahig ng dahil sa'yo! Sipa dito, sipa doon. Nasuntok mo pa nga ako eh! Kaya niyakap kita para 'di ka na makagalaw!" Pagpapaliwanag niya sa'kin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, alam ko hindi naman ako makulit matulog eh. 'Di nga ba?

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo!? Totoo 'yan!?" Sabi ko sabay na bumangon at tumayo na. "Oo!" Sigaw niya sa'kin. Sh*t! Nakakahiya pala ako. Sa sarili niya pang kama, ilang beses ko siyang nasipa at naihulog sa sahig. "Magluto ka na ng almusal! Bilisan mo!" Pag-uutos niya sa'kin. Heto na naman siya, napaka-moody talaga nitong lalaking 'to!

Dumiretso na ako sa kusina at iniwan siya do'n, mamaya ko na lang aayusin 'yung kwarto niya. Naglabas ako ng dalawang hotdog mula sa chiller. Naglagay na ako ng mantika sa frying pan at nilagay na ang hotdog. Panaginip lang ba 'yung kagabi? Totoo kaya 'yung mga sinabi niya? Napatingin ako sa kamay ko. "Malabo 'yon, Xena." Mahina kong sabi sa sarili ko habang hinihimas ang kamay ko. "Ano ba 'yang nangangamo-- hoy! Taba! Nasusunog na!" Bigla kong pinatay 'yung kalan at nilagay sa plato 'yung mga nangitim na hotdog. "Ano ba 'yan!? Ano ba kasing ginagawa mo!?" Pagsisigaw niya sa'kin sabay na binabad ng tubig 'yung frying pan at nilagay sa lababo. "S-sorry." Mahina kong sabi. Hay nako! Wala ka na naman sa sarili mo, Xena!

"Ano ba kasing ginagawa mo!?"
"'Di ko--'di ko napansin." Hihiya-hiyang sabi ko. Ang tanga mo talaga, Xena! Nagde-daydream ka na naman kasi! "Magluto na lang ako ng bago." Sabay na kinuha ko 'yung platong may laman na hotdog. Bigla niya akong hinawakan, "'wag na. Sayang. Kainin na lang natin 'yan." Kalmadong sabi niya. At 'yon nga ang nangyari! Kinain pa rin namin 'yung sunog na hotdog at kanin na malamig. Nakatingin ako kay Zero, wala siyang pakealam at dire-diretso lang siya sa pag-kain. Nakakahiya talaga 'tong ginawa ko!

Pagkatapos niyang kumain ay nilagay niya sa lababo 'yung plato niya at dumiretso sa sala at nanuod ng telebisyon. "Nakakahiya..." Mahina kong sabi. Nilagay ko na rin 'yung pinagkainan ko sa lababo at tsaka naghugas na ng pinagkainan.

Maya-maya ay tumabi ako sa kanya. "Sorry ha, kung napilitan kang kainin 'yung sunog na hotdog." Paghingi ko ng pasensya sa kanya. "Ayos lang." Matipid niya namang sagot. "Zero.." Kailangan ko nang itanong sa kanya kung may nasabi ba talaga siya 'nung gabing 'yon o panaginip ko lang 'yon. "What?" Tanong niya sabay na tumingin sa'kin. "Umm--" napatigil ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"
"Ay salamat! Akala ko 'di mo sasagutin! Harv, mamaya makakauwi na kami! Kasama na si tita, kaso nga lang si mama magpapa-iwan. Namiss na kita ng sobra eh!"
"Ahhh.. Ganun ba. Masaya 'yan. 'Di na ako makapaghintay."
"Ako din! See you later. Bye!"
"Bye..."

Dapat masaya ako sa balita ni Charlie eh. Pero bakit parang ang lungkot ko? Parang ang bilis naman niya do'n. "Ano daw sabi?" Tanong ni Zero. "Makakauwi na daw sila mamaya kasama na mama mo." Sagot ko naman sa kanya. "ANO!? Agad?" Sigaw niya. "I-i mean, edi masaya." Biglang pagbago ng reaksyon niya mula sa sinabi ko. "Mga anong oras daw?" Tanong niya sabay na pinatay 'yung telebisyon. "'Di sinabi eh." Sagot ko naman agad sa kanya. Bakit ganito!? Bakit parang disappointed ako!? Bakit parang ang lungkot ko!? Diba dapat masaya ako dahil makikita ko na ulit si Charlie?

Nabigla kaming dalawa kasi bigla na namang tumunog 'yung cellphone ko.

"Hello?"
"Harv! 'Wag kang mabibigla 'pag may kasama kaming bisita ha. Good news na rin 'to para sa'yo. Basta magtiwala ka lang sa'kin."
"Ah umm, o-okay."
"Sige, kita-kits mamaya! Bye!"

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon