CHAPTER 13: Indescribable Feeling

92 8 0
                                    

Chapter 13

*Xena Harvelle Dizon*

"Kailan pa 'to, Xena?" Mahinahong tanong na ni Kuya Paeng. Nakatitig silang lahat sa'kin. Parang maya-maya mumurder-in na nila ako.

"'Nung nakaraan lang po." Mahina kong sagot. Sinulyapan ko si Ace, halatang galit siya sa'kin. Nagsalubong na ang mga kilay niya eh. Bumaling na ang atensyon bigla ni Kuya kay Zero, "Mahal mo ba talaga 'tong pinsan ko?"

"Opo." Nakangiting sagot ni Zero. Ang sarap niyang ingudngod sa lupa o sa kumukulong tubig. "Anong nagustuhan mo sa kanya?" Follow-up question ni Kuya Paeng. "Ang pagiging cute niya. Maalaga at mabait." Nakangiting sagot ulit ni Zero sabay na kinindatan ako. Nakita kong napa-tango si Tita. Mukhang alam niyang ganoon naman talaga ang ugali ko. Medyo may pagka-alanganin nga lang sa pagiging "cute".

Sa dami nang tinanong ni Kuya tungkol sa buhay ni Zero ay halos inantok na kami. Pero napansin ko na lang na wala na pala si Ace. Kanina pa ba siya umalis?

"Maswerte ka pala talaga, 'insan! Nakabingwit ka ng mayaman." Patawa-tawang sabi ni Kuya Paeng sabay na nakipag-appear-an kay Zero. Close na agad kayo porket mayaman siya? Ngumiti na lang ako. Kahit na gusto ko nang pagpira-pirasuhin ngayon si Zero.

Tumayo na ako at hinanap si Ace. Nakita ko na lang siya sa kusina na inaayos 'yung mga candy at kape sa lalagyanan. "Kanina ka pa ba umalis do'n?" Tanong ko kay Ace na masyadong seryoso sa ginagawa niya ni hindi niya makuhang tumingin sa'kin. "Oo. Kasi nakakaantok na si Kuya. Tsaka inaayos ko 'to, kanina pa sa'kin 'to inutos ni Tita." Kahit na narinig kong inutos ni Tita 'yong mga candy at kape kay Joanna. Halata ko naman na galit at inis na siya. Para sa'min din 'tong ginagawa ko.

"Ahh. Sige, balik na ako do'n" at tumalikod na ako sa kanya. Parang may makirot sa dibdib ko. "Nga pala, pagkatapos ng isang linggo dito sa lolo mo, lilipat na ako ng apartment. Do'n na sa medyo mura at malapit sa plaza. Sa bayan na. May nahanap na rin akong trabaho doon." Biglang sabi ni Ace. Nagulat ako dahil ambilis naman niyang makahanap nang lilipatan at trabaho. "'Di ko nasabi sa'yo noon kasi alam kong may mga problema ka na. Tsaka noon hindi pa sure, pero tinext na ako kanina tanggap na ako at pwede na akong tumira doon sa apartment." Napansin ko na lang may tumulong luha sa pisnge ko. Nakatalikod pa rin ako sa kanya, ayaw ko siyang harapin nang umiiyak ako, "ah. Sige. G-g-good luck sa ba-bago mong t-trabaho at s-sa lilipa-patan mo." Pautal-utal at garalgal kong sagot. Dahil kahit anong oras ay malalabas ko na ang mga luha ko. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito!? Kaibigan ko lang naman siya ah!?

Umalis na ako nang sabihin ko sa kanya 'yon. Maghihintay pa rin sana ako na itanggi niya 'yung mga sinabi niya at pigilan akong umalis sa harap niya kaso naalala kong siya nga pala si "Asyong".

--

Nasa labas ako ng bahay nila Kuya at umupo na sa swing. Ito 'yung pinakagusto kong upuan pagkagaling noon sa eskwela. Si lolo lagi ang nagtutulak sa'kin dito. Doon lang, masaya na ako. Buo na ang araw ko. Pero ang ginagawa ko ngayon sa swing ay ang umiyak samantalang dati ay puro tawa lang ang maririnig sa'kin pag nakaupo na ako dito. Bakit ba ako nasasaktan!? Dahil ba akala mo may pake siya sa'yo, Xena!? Tanga ka lang. Umasa ka. Naaawa lang siya sa'yo sa dami ng problema mo kaya ganoon siya sa'yo 'nung nga nakaraang araw. Pero walang ibig sabihin 'yon, Xena! Ang tanga mo lang talaga!

"Ang tanga mo lang talaga!!!" Buong sigaw ko do'n sa labas nila lolo. Ang sakit pero 'di ko alam kung bakit! "Sinong tanga?" Bigla akong napalingon sa nagsalita. "Aalis ka na ba? Pwede umuwi ka na? Kasi pati Kuya ko, niloloko ko na nang dahil sayo!" Sigaw ko sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" Bigla akong nagpunas ng luha ko. Ano ba 'yan, Xena! 'Wag mong ipapakita sa gunggong na 'to 'yung soft side mo! "Wala. Umalis ka na." Mahina kong sabi. Pero 'di pa rin siya umaalis at umupo sa kabilang swing. "May gusto ka ba kay Asyong?" Bigla niyang tanong. "Hi-hindi ah! Wa-wala!!" Bigla ko namang pag-angal. Masyado akong nagulat sa tinanong niya kaya medyo nautal ako. "Alam mo, naaalala ko pa ganyan din ako sumagot 'nung tinanong ako kung crush ko 'yung kaklase ko noong highschool. Ganyan na ganyan din ang sagot ko. Hanggang sa nawala siya, narealize kong... gusto ko pala talaga siya." Sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa mga puno. Highschool? Ka-batch ko siya no'n at si Ace. 'Di ko alam na meron din pala 'tong nagustuhan noon. "So?" Mataray na sagot ko sa kanya. "May gusto ka kay Ace." Mahina niyang sabi sabay na yumuko at nagduyan ng marahan sa swing. "Wala nga! Alam mo, tumayo ka na diyan!" Sigaw ko sabay na tinulak siya paalis sa swing. "Umuwi ka na, Zero!" Sigaw ko ulit sa kanya. "Tandaan mo 'to, 'wag mong mamahalin ang isang tao na hinahayaan ka lang na umalis habang umiiyak." Sabi niya sabay na umalis at tumungo na do'n sa loob ng bahay. Anong pinagsasabi niya!? Nakita niya ba ako 'nung kausap ko si Ace!? P*ta! Nakita niya akong umiiyak!? Iisipin na niya na mahina ako! Daf*ck!

Key To Our LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon