Chapter 14
*Xena Harvelle Dizon*
Bumangon na agad kami kahit alas-sais pa lang ng umaga. Mamayang 9:00 ng umaga, ililibing na si lolo. Inayos na namin ang pinaghigaan namin at nauna na akong maligo dahil baka abutin ng siyam-siyam pag pinauna ko pang maligo si Joanna.
Nang matapos na ako ay nagbihis na ako ng puting polo shirt at nag-palda na black. 'Di bagay sa'kin ang pantalon eh. Nag-sandals na rin ako, nag-ayos ng sarili. Paalam na talaga, lolo.
Bumaba na kami nang nakaayos na kami. Dumating na 'yung taga-funeral service. Sumakay na kami sa kanya-kanyang jeep. Inarkila namin, malaking tulong talaga 'yung sweldo na binigay ni Zero. Habang sina Zero naman ay nada kotse nila.
Sabay-sabay kaming pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing din sina mama at papa. Ililibing si lolo sa tabi nila mama at papa. Buti na lang may space pa. Namiss ko tuloy bigla sina mama at papa.
Isa-isa na kaming nag-hagis ng white roses sa kabaong ni lolo habang nasa ilalim na ito ng lupa. White roses ang paborito ni lolo. Naalala kong binibigyan siya noon ni mama ng white roses sa tuwing dadalaw kami kay lolo.
"Mamimiss kita, lolo. Ikamusta mo na lang ako kayla mama at papa ah. Miss ko na rin kamo sila." Mahinang sabi ko habang umiiyak. Nilapitan ako ni tita at hinimas ang likod ko. Senyales na okay na si lolo kung nasaan man siya ngayon. Atleast, 'di na siya maghihirap pa.
Tuluyan nang tinabunan ang kabaong ni lolo. Nag-iyakan na ang lahat. Sa lahat kasi ng lolo sa side ni mama, si Lolo Fred lang ang pinakamalapit at pinakamabait sa mga apo at anak niya. Talagang maraming nagmamahal sa kanya. Pero mas una siyang kinuha sa'min. Nakaka-bwiset talaga!
Nagyakapan na lang kami ni tita. Si Joanna nakikita kong nangingilid ang mga luha. Si Ace ay nakatingin sa cellphone niya. Siguro tungkol doon sa trabaho niya. Si Charlie ay niyakap din ako at pinunasan ang luha ko. Si Zero ay sadyang wala lang expression ang mukha.
Akala mo walang pakealam si Ace. Samantalang si lolo ang nagpapakain sa kanya pag wala siyang makain. Si lolo ang tumatanggap sa kanya 'pag umaalis siya sa kanila. Masyado kasing barumbado ang tatay ni Ace. Siguro kaya siya naging ganyan. Laging sinasaktan ng tatay niya ang mama niya. Namatay sa sobrang dami ng pasa sa katawan ang mama niya. Sa tuwing magsusumbong ako kayla mama, 'di naman sila naniniwala. Paano, napaka-plastik sa kanila ng tatay ni Ace. 'Nung nilibing na ang mama niya, umalis ang tatay niya at iniwan siya. Balita ni tita na may ibang pamilya na daw. 'Wag na siyang babalik kay Ace dahil umpisa pa lang naman, 'di niya na itinuring na anak si Ace.
'Nung pagka-balik namin sa bahay ni Kuya Paeng, nagimpake na kami pati na rin si Kuya. Dahil maiiwan siyang mag-isa dito, napagdesisyunan namin nila tita na sasama na sa'min siya sa bahay. Siya ang papalit doon sa kwarto ni Ace. Dahil nagpaalam na si Ace kay tita na aalis na siya.
--
Pagkadating namin sa bahay nila Tita, nagkanya-kanyang ayos na kami sa mga gamit namin. Si Ace nakita kong kinuha ang natitira niyang gamit doon sa kwarto niya at tinulungan si Kuya Paeng na mag-ayos.
"Aalis ka na ba talaga, Ace?" Narinig kong tanong ni Kuya kay Ace. Wala namang masama kung makikinig ako nang kaunti diba?
"Oo, kuya. Tuloy na tuloy na 'to." Sagot naman ni Ace. Bakit pa kasi kailangan niyang umalis? Wala bang malapit na trabaho dito!? "Ano namang trabaho mo doon?"
"Pagiging construction worker po doon." Sagot ni Ace habang zinizipper na ang bag niya. "Bakit ba naisipan mo biglang magtrabaho?" Tanong bigla ni Kuya bago umalis si Ace sa kwarto. "Para sa isang tao. Para 'di na siya maghirap pa." Malungkot na sagot ni Ace. Napakunot naman ang noo ni Kuya. Napatakbo ako bigla sa kwarto ko nang makita kong lalabas na siya. Napabuntong-hininga ako. Sana hindi ako nakita.
BINABASA MO ANG
Key To Our Love
Romance[COMPLETED] Sometimes all you need is someone to hold the key of acceptance to unlock the love for the both of you. Meet Xena, The chubbiest person you'll ever met. Chubby inside and outside. Strong girl hiding her true sensitive feelings because of...