"Ikaw na ang bahala kay Aaron"
nanlaki ang mga mata niya sa pabor na hinihingi ko.Tinitigan ko siya ng matagal. Ngayon ko lang narealize na mas magiging maayos ang lahat kung ako na mismo ang tatapos sa lahat. Aaron was never mine. All the time kay Zed siya. Hindi si Zed ang nanlilimos ng pagmamahal; kundi ako. Mahal ko si Aaron pero kailangan ko na siyang pakawalan.
"Carlo, huwag mong gawin to. Walang kasalanan si Aaron. Ako. Ako ang nagsimula ng lahat nito" ang depensa ni Zed.
"Zed, walang kinilaman si Aaron o maging ikaw sa desisyon ko. It's personal. I got some straightening up to do"
Natahimik kaming dalawa.
"I really like to help you with your work" ang pagbasag ko ng katahimikan.
"Huh?"
"I said I really love to accept your Facebook application requests again" ang tugon ko habang linalapag ang inumin sa office desk niya. "But I have to go now"
Tumayo ako at nag-ayos ng sarili.
"Be back soon, Carlo. I'll be waiting for my bestfriend" si Zed habang suot-suot ang pamatay niyang ngiti. Tumango na lang ako at nginitian siya pabalik. Sinundan niya ako palabas ng opisina. Nadatnan namin si Matt na nag-iisa sa table namin; seryosong nakamasid sa labas.
"Matt, asan si Trisha?" ang tanong ko. Kaagad naman siyang napalingon. He looked at me and then Zed.
"Nauna na siya. Tumawag yung Mommy niya and then she left." ang tugon niya sa tanong ko.
"So, let's go?" ang sunod kong tanong na may bahid ng pagyayaya na umalis na kami sa café ni Zed. Tumayo si Matt at tumabi sa akin.
"Paano ba yan? Mauna na kami. Thanks for the food"
ang pamamaalam at pasasalamat ni Matt kay Zed. Kaagad namang inutusan ni Zed ang staff niya na kunin ang binilin niyang take-out para sa amin. Tuluyan na kaming lumabas ng café ng makuha ang pinagpipilitang take-out.
'Yun pala si Zed" ang anunsyo ni Matt pagkasakay namin ng taxi. Napatango ako. "Hindi ako makapaniwala na inahas ka ng taong yun. He actually looks nice."
"He is"
ang pagkumpirma ko. Talaga namang mabuting tao si Zed. "Tulad mo, hindi pa rin pumapasok sa sistema ko na nagawa niya yun sa akin."
"Kamusta naman yung pag-uusap niyo?"
"Okay naman. Nothing dramatic. Doon ko lang narealize na mas kailangan ni Aaron si Zed kaysa sa akin. Pinaubaya ko na siya sa kanya."
"May mas karapat-dapat sa'yo, believe me."
"Sino naman yan?"
ang retorikal kong tanong.
"Ako"
"Sira-ulo!" ang natatawa kong komento sa biro niya.
"Basta, I'll be your superhero. Narito lang ako kapag kailangan mo"
"Bakit ba ang bait mo sa akin, Matt?"
"I don't know either. Ang alam ko lang mas nakakagwapo kapag Prince Charming at knight in shining armour ang dating" ang pagpapaliwanag niya.
"Bakit? Kanino ka ba nagpapa-impress?"
"Sa'yo"
"Shut up, Matt"
ang suway ko sa kanya. Ang galing niya talagang mang good time. Patuloy pa rin kami sa pag-aasaran nang dumaan ang taxi sa gilid ng isang parke.
"Matt, may park pala malapit sa apartment mo" ang pagpansin ko sa parkeng nasisinagan ng ilang lamp post.'
"Oo, nakadalaw ka na?"
"Hindi pa,eh"
"Kuya, diyan na po sa tabi"
ang bilin niya sa driver na ipinagtaka ko. Tumigil naman ang taxi at kaagad akong pinababa ni Matt.
"Matt, wala pa tayo sa apartment niyo" ang sabi ko. "Bakit tayo bumaba?"
Imbes sumagot ay inabot niya sa akin ang frappe at nagsimulang maglakad. Bagamat napakunot ang noo ko sa biglang pagpapababa sa akin ni Matt ay sinundan ko siya. Pumasok kami sa parke na kani-kanina lang ay pinag-usapan namin.
"Anong ginagawa natin dito, Matt?" ang tanong ko sa kanya nang mahabol ko siya sa kanyang paglalakad at tuluyang makatabi. Naabutan ko siyang may nakasalampak na tinapay sa bunganga niya. Napatingin siya sa akin at dahan –dahang tinanggal ang tinapay sa kanyang bibig.
"Hindi ba gusto mong pumunta rito?" ang pagbalik niya ng tanong.
"Wala akong sinabi na gusto kong pumunta ngayong gabi"
"Just enjoy the moment. You and me; a date. What could you ask for?" ang mahangin niyang sinabi sa akin. Napailing na lang ako sa pagbubuhat ng kanyang banko.
"Iba ka rin, Matt."