Tulad ng pangkaraniwang araw ang araw ngayon; asaran lang kami ng asaran ni Matt magmula sa apartment, papuntang office at sa opisina mismo. Maglulunch break na at kaagad kong natapos ang isa kong report. Pinuntahan ko si Matt sa desk niya. "Lunch time na, Matt.. Tara na sa cafeteria"
"Carlo, hindi ako makakasabay sa'yo ngayon. May lunch date kami ni Trisha,eh"
"Ganun ba? Sige, okay lang; sasabay na lang ako kila sa Sandra"
"Okay yan. Para mamiss mo naman ako"
ang huli niyang hirit bago ako sumabay kila Sandra. Nasa coffee station kami at hinihintay ang iba pa naming katrabaho nang binalita ko sa kanila na nagyayaya si Matt gumimik. Dalian naman silang pumayag; pumayag na rin ang mga lalake kong officemate pagkatapos makantsawan ng mga babae kong officemates. Pinagmasdan ko si Matt habang papalabas ng department namin; nagtaka ako dahil hindi siya dumeretso ng elevator bagkus ay pumunta siya sa coffe station kung nasaan kami.
"Tara na, Caloy! Kain na tayo" ang sabi niya. Napatingin ako sa iba pa naming officemates.
"Caloy?" ang bulong na tanong ng mga kasama ako. Sinong Caloy? Napakunot ako ng noo at napatitig kay Matt na nakatitig sa akin.
"Carlo!" ang tawag niya sa akin. "Tititig ka na lang ba sa akin o maglulunch na tayo?"
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naguguluhan pa rin ako sa kanya. Sinong Caloy? "Matt, sinong Caloy?"
"Eh, di ikaw? Carlo, Caloy. Ano bang gusto mong call sign, baby?"
"Tarantado ka talaga, Matt-matt!"
ang banat ko sa kanya. Napatingin ako sa mga katrabaho namin. Abot-tenga ang mga ngiti nila sa mukha.
"See you later, guys" ang sabi ni Matt sa kanila bago ako hinila papalayo. Nakasakay na kami ng elevator.
"Akala ko ba may lunch date kayo ni Trisha?"
"Hindi na matutuloy. May sudden happening daw siyang pupuntahan"
"Ah, I see. So, what's with the call signs? Para naman tayong high school students"
"Wala lang. We deserve to have one kasi close na tayo. Corny ba? Kung ayaw mo, huwag na lang" ang pagpapaliwanag niya.
May sinabi ba akong ayaw ko, Matt-matt?" ang depensa ko.
"Yun eh!"
Natapos kami ni Matt ng maaga sa trabaho namin kaya naman nagpaalam kami sa mga katrabaho namin na maghihintay na lang kami sa lobby. Trenta minutos na ang lumipas ngunit wala kahit isa sa kanila ang bumababa. Yinaya ko si Matt na magpahangin muna sa labas. Naglalakad-lakad kami ni Matt sa paligid ng buliding nang matigilan ako sa aking nakita sa parking lot. "Caloy, anong problema?"
Hindi ako makasagot. Hindi ako makagalaw sa aking kinalalagyan. Si Aaron. Lumapit siya sa amin.
"Carlo" ang pagsambit niya sa pangalan ko sabay hawak sa kamay ko. "Please, umuwi ka na sa atin. Sorry na; hindi ko kayang wala ka"
"Aaron, ayoko na."
"Carlo, mahal pa rin kita hanggang ngayon. Patawarin mo na ako. I need you back"
nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod siya harap ko at yinakap ang bewang ko sabay hagulgol. "Please. I'm sorry"
Napaluha ako sa aking nakikita. Hindi ko kayang nagpapakababa si Aaron dahil lang sa akin. He deserves better; we all deserve better. "Tama na, Aaron. Let's be friends"
"Hindi mo na ba ako mahal?"
mas lalong lumakas ang paghagulgol niya. Naramdaman kong umalis si Matt.
"Aaron, mahal pa rin kita pero kailangan mong intindihin na hindi tayo para sa isa't-isa. You'll get by. Let's be friends; malay mo. We could sort things out. I just need some straightening up to do"
"Carlo, no! I won't give up on us"
"Enough"
tinanggal ko ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at iniwan ko siya roon. Sinalubong naman ako ni Matt sa harap ng building sabay abot ng panyo. Pinunasan ko ang aking mga luha.
"Halika" si Matt sabay hila sa akin sa likod ng building. Pinaupo niya ako sa hagdan at tumabi sa akin. "Iiyak mo na yan dito sa balikat ko"
Napatitig ako sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at inalalayan papaunta sa balikat niya. "Sige na, iyak na. Ilabas mo na yang sama ng loob mo"
Iniyak ko na lahat ng sakit sa dibdib ko. Naroon lang si Matt, tahimik na nakaupo at hinahayaan lang ako sa aking mini drama serye.