Chapter 29

7.3K 262 3
                                    

"Mali ka. Kinakaya ko. Lumalaban ako. Alam mong lumaban ako kaya ko nakuha kung anong meron ako. I sacrificed a lot"

"I know but that's not me. Masyado akong mahina" ang huli kong nasabi bago kami nanahimik.

"I like your new hair" ang pagbasag niya ng katahimikan.

"Thanks"

"Sinong nakapag-convince sa'yo na magpagupit?"

"Just someone"

"Si Mateo ba?"

"Nope. Just someone"

"Kamusta ka sa tinitirhan mo ngayon?"

"Good."

"Malapit na pala birthday mo"

"Yeah, I'm sure one of the saddest day of my life. Minsan naiisip ko; sana wala na lang birthday celebrations. How could i celebrate?"

"Daan ka rito sa cafe sa birthday mo,please? I'll make it up to you. Alam ko naman na hindi matutumbasan ng kahit gaano karaming birthday cake ang iregalo ko sa'yo ang kapatawaran mo"

"Sige, pupunta ako. Basta yung Belgian Chocolate Moist Cake yung ibigay mo sa akin, kahit isang slice lang. Palagi kong kinukulit yun, ayaw mo kong bigyan kasi galing pang Europe yung ingredients kaya mahal"

"I'll give you the whole cake; birthday mo eh."

"Thank you"

Pagkatapos kong tumambay sa Cafe ni Zed ay dumeretso na ako sa apartment ni Matt. nadatnan ko siyang nakatulog na sa sofa. Dahan-dahan akong dumeretso ng kuwarto at nagbihis naghanda sa pagtulong. Napaupo ako sa kama at napatitig sa kalendaryo. Pagkatapos ng limang araw ay kaarawan ko na pala; nataon pang day-off ko kaya mas nakakalungkot. Gusto ko sanang igugol na lang sa trabaho ang mararamdaman kong kalungkutan sa mismong araw na yun. Di bale, kasama ko naman si Matt,eh. I'll treat him out para naman at least may celebration.

Lumipas ang ilang araw at bukas ay birthday ko na. Ganun pa rin ang pakikitungo sa akin ni Matt; napakalamig. Madalas ay nauuna siyang pumasok sa trabaho at nagpapakalate sa pag-uwi. Sa tuwing sasagot ng tawag ay lalabas pa siya ng apartment na noon naman ay sinasagot niya kahit na nasa malapit lang ako. Palagi siyang nakamasid sa akin; hindi nga lang ako nagpapahalata na napapansin kong pinagmamasdan niya ang mga galaw ko. Kinabukasan ay day-off na naming dalawa. Mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa rin si Matt. As usual, nauna na akong umuwi dahil may binigay siyang rason para hindi sumabay sa akin. Nakaupo ako sa sofa at umiinom ng milk tea habang nanonood ng TV nang dumating si Matt. Hindi na naman niya ako pinapansin. Dumeretso lang siya ng kusina at kumuha ng isang basong tubig. Papasok na sana siya ng kuwarto nang tinawag ko siya. "Matt"

Napahinto naman siya at napatingin sa akin.

"Uhmm, Matt. Free ka ba bukas? I just want to invite you out"

"No, I'm not" ang monotonous niyang tugon.

"The whole day?" ang follow-up question ko.

"The whole day hanggang gabi" ang muli niyang tugon bago tuluyang pumasok ng kwarto. Pinatay ko ang TV at linapag ko ang hindi ko pa nakakahalating inumin sa center table. I burrowed my face on my pillow. Nagsilabasan ang mga luha mula sa mga mata ko. Ang sakit, ang lungkot. Kailangan ko ba talagang pagdaanan ang lahat ng mga ito? Si Matt, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya ako iniiwasan?

Nakatulugan ko na ang pagluha. Nagising na lang ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Matt. Hindi ako gumalaw, mabigat ang pakiramdam ko dahil sa kalungkutan na nararamdaman ko. Why can't I deserve to be happy? Dinaanan lang ako ni Matt na nakatodo porma. Napabuntong-hininga na lang ako sa pinapakita niya. Weli, I might as well pack my things and leave. Ang hirap tumira sa isang bahay na hindi kayo magkasundo ng kasama mo but we're not fighting, are we? Okay lang na magsawa siya sa akin pero sana sabihin niya o kaya isampal niya sa mukha ko na ayaw niya na akong kasama; maiintindihan ko kaysa sa indeffirence na pinapakita niya; mas masakit yun kesa sa mga masasakit na salita. Pinili kong matulog ulit; ito ang plano ko sa buong araw. Lilipas din naman to eh. Hindi pa man nagtatagal sa aking pagtulog ay muli akong nagising. Ngayon naman tumutunog ang cellphone ko sa center table. Kinuha ko yun at kaagad sinagot kahit hindi alam kung sino ang nasa kabilang linya. "Hello?"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon