Chapter 13

9.8K 338 16
                                    


"I know"

ang tugon niya. We spent time talking sa parkeng yun. Naging magaan ang ambiance; not

that romantic but enough for a platonic relationship. Paikot-ikot lang kami sa parke habang nagkwekwentuhan patungkol sa sari-saring bagay. Enjoy talaga siyang kasama.

"So, worst kiss?" ang tanong niya sa akin.

"Nung first kiss ko" ang tugon ko habang natatawa sa pagrereminisce ko ng pagkakataong yun. "Hindi ko alam humalik kaya yung lover ko nun; he ended up having saliva all over his face"

Natawa kaming pareho sa ka-inosentehan ko noon sa pakikipaghalikan. Binalik ko sa kanya ang parehong tanong.

"When I was in college. Trip ako nung campus hottie pero may girlfriend ako nun. One time, naglalakad ako sa hallway mag-isa. Hinila niya ako papasok ng lec room tapos kaagad niya akong siniil ng halik. Because of the impact, tumama yung labi ko sa baba niya. Ayun, nagdugo kaya hindi natuloy."

"Naks, naman. Halos lahat ng tao may gusto sa'yo"

"Hindi ko na kasalanan yun. Ikaw nga lang ang tanging tao na walang gusto sa akin."

"I like you" ang pagtatama ko sa sinabi niya. Napangiti naman siya ng matamis. kaagad kong nabasa ang nasa isip niya. "Yeah, I have a crush on you pero hanggang doon lang."

"You see. I'm your ultimate crush"

"Nah, it's Ryan Gosling"

"Ako pa rin sa opisina. Anyways, best kiss mo?"

Napaisip ako. "Wow, that's a hard one. Best kiss? Hindi ko alam."

"Kung wala akong girlfriend and I'm not straight; siguro hahalikan na kita ngayon

mismo and it would be your and my best kiss."

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi alam ko lang" ang simple niyang pagpapaliwanag niya. Nabaling ang tingin ko sa daanan. Nahinto ako nang may nakita.

"Matt, barya,oh!" sabay turo ko sa nakitang barya na nakakalat sa daanan. Napatingin din siya sa barya. 'Pulutin mo; swerte yan"

"Yeah, kung heads ang nakkikita at hindi bangko"

linapitan niya ang barya at binaliktad para makita ang mukha. "Now, you pick it up. The luck is yours"

"Sa bagay, mas kailangan ko ng swerte kaysa sa'yo" pinulot ko ang barya at isinilid sa bulsa ko. "I'm gonna keep this coin. Matt's lucky coin."

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bumuhos ang ulan.

"Akala ko ba swerte tong barya mo?" ang tanong ko kay Matt habang tumatakbo.

"Good luck tong ulan"

ang depensa niya. Sumilong kami sa gazebo sa gitna ng parkeng yun.

"Ano namang swerte ang maidudulot ng ulang to sa atin aber?" ang naiinis kong tanong sa kanya. "Mateo Rivera, let me remind you a few things. Una sa lahat, gabi na. Pangalawa, wala tayong dalang payong. Ikatlo, umiinom tayo ng frappe. Gabi na kaya maginaw. Hindi tayo makakauwi ng hindi nababasa."

"That's exactly what brought us luck" ang depensa niya. Napaikot ako ng mata sa kakulitan niya. "Gabi na pero at least, walang makakakita sa gagawin nating dalawa. Wala tayong payong kaya mas magiging exciting ang pag-uwi natin. Umiinom tayo ng frappe kahit na maginaw para masanay tayo. Uuwi tayo ng basa but at least, we had the best times of our lives"

"Matt, anong sinasabi mo?"

Tumingin siya sa mga mata ko habang kinuha ang frappe mula sa kamay ko. Shinoot niya ang mga inumin at tinapay sa basurahan pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Are you ready?" ang tanong niya sa akin. "You had a rough day. Let's make this day right."

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatitig ako sa mukha niya. I was shocked when he palm locked with mine; my jaw dropped. Inilipat ko ang aking tingin sa mainit niyang kamay. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko sa ginawa niya.

"W-what are you doing?" ang nauutal kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay hinila niya ako papalabas ng gazebo patungo sa ulan. Kaagad kong naramdaman ang mga patak ng ulan sa mukha, batok at leeg ko.

"Carlo, life is short. Let's make the best out of our lives" ang pagsisimula niya. "Maybe it's not always trying to fix something broken. Maybe it's about starting over and creating something better."

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon