"Masaya na ba si Matt ngayon?" ang tanong ko. Napabuntong-hininga naman si Sandra.
"Magiging masaya ka ba kung isang araw magising ka na iniwan ka na ng taong mahal mo? Na walang tiyak na dahilan?" ang tanong niya pabalik s akin. Napatahimik na lang ako at simulang lumuha ulit. "Mahal na mahal ka ni Matt. And I'm sure of that"
"Hindi pa huli ang lahat para itama mo ang mga mali.Maling-mali ang lahat Carlo" ang dagdag niya pa.
"May usapan kami ni Papa" ang depensa ko naman. "Kailangan ko yung panindigan"
"Pero si Matt. Yung pagmamahal niya sayo; yung pagmamahal mo sa kanya. Hindi mo kayang panindigan?" ang argyumento naman niya.
"Hindi mo kasi alam kung anong pwedeng gawin ni papa"
"Hindi ko nga alam. At paniguradong hindi ka rin nakakasiguro sa mga kaya niyang gawin. Mas nakakalungkot na nagpapadala ka sa takot kesa sa ang makasama siya"
"Hindi ko rin gusto to, Sandra. Ipaglalayo lang kaming dalawa" ang tugon ko.
"That's exactly what yoru father is doing now" ang tugon naman niya.Natigilan naman ako at narealize na tama siya. "You're letting him win. Sa ginagawa mo. It's a win for him"
"Siguro nga tama ka" ang pagpayag ko.
"HIndi lang dapat ikaw ang lumalaban. In fact, hindi lang ikaw ang lumalaban" ang payo niya. "O sha. kailangan ko na ring umalis. It's getting late"
"Sige. Sorry for the trouble" ang paghingi ko naman ng paumanhin.
"Pag-isipan mo ang mga sinabi ko, Carlo" si Sandra bago tuluyang lumabas ng apartment. HInatid ko naman siya pababa hanggang sa makakuha siya ng taxi. Habang naglalakad paakyat ay napapaisip ako. Siguro nga tama si Sandra. Malaki man ang utang n aloob ko kay Dad sa pagsalba niya kay Matt ay hindi pa rin ito sapat para hawakan niya ako sa leeg at pahirapan ng ganito. Naalala ko si Matt. Tumulo ang luha ko dahil sa pagkasabik kong makita siya. Miss na miss ko na ang taong mahal ko.
"Carlo" ang pagtawag ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman ako kaagad.
"Aaron?" ang gulat kong tanong. "Paano mo nalaman na narito ako?"
"Zed told me" ang tugon naman niya. "Can we talk?"
"Now is not the right time, Aaron" ang tugon ko naman. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.
"I'm letting you go, Carlo" ang sabi namn niya. Natigilan naman ako. Napatingin muli ako sa kanya.
"Tanggap ko na, Carlo. Na hindi ka na babalik sa akin" ang sunod niyang sinabi. "But before I leave, can I ask you something?"
"What?"
"Could you hug me for the last time?" ang paki-usap niya. Lumapit naman ako at tinanggap ang yakap niya. "I know you're hurting. Don't let him go. Don't make the same mistake. The mistake of letting you go"
Humilaway siya sa akin.
"I love you, Carlo" ang huli niyang sinabi bago pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Tuluyan naman siyang naglakad palayo. Pinanood ko siyang lumayo. Sa pagkakataong yun ay lumuluha na rin ako. Siguro nga.. There are no beautiful goodbyes.
Dumeretso ako sa veranda ng kuwarto. Napatingin ako sa mesa. Halos mapuno na ng mga beer can sa halos, gabi-gabi kong pag-inom to help me sleep faster. Kumuha ako ng isa. Tonight... to celebrate a new beginning. Pagkatapos ng maka-inom ay dumeretso ako ng kama. kaagad naman akong nakatulog.
Minulat ko ang aking mga mata. Napatingin ako sa orasan at napabuntong-hininga. Alas-otso na at dapat nasa hotel na ako ng 6:30. Not today... Bumaba ako ng kama at naghanda. Naligo agad ako kahit na humahapdi pa rin ang sugat sa kamao ko dala ng pagkakasuntok ko sa salamin kagabi. Kinuha ko angpinakamaayos na damit ko sa aparador. Tinignan ko ang phone puro text at misscall ni Dad ang karamihan. Hindi ko naginawang basahin pa. Wala na akong pakialam. Pupuntahan ko si Matt. Madalian akong nag-almusal. Pagkabukas ko ng pinto ay tao sa tapat nito.
"What the hell are you doing here?" ng tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at napataas ng kilay. "You have work today, don't you?"
"I'm sick of you and Dad's bullshit" ang tugon ko naman sabay labas at sara ng pinto. Sumunod naman sa akin ang nakakabata kong kapatid. "I'm done, you hear me. You spoiled brat!
"He needs you" ang sabi na lang niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Nasa opisina si Mr. Andrada"
"So, what? Anong kinalaman ko kay Mr. Andrada?" ag tanong ko habang naglalakad pa rin.
"He's looking for you" ang tugon niya.
"At bakit naman?"
"Geez! How would I suppose to know?" ang reaksyon naman niya.
"So, andito ka para lang sunduin ako" ang komento ko naman. "You know what? You're such a loyal dog"
"Wala akong choice" ang tugon naman niya. "You don't understand anything"
"Oh, I know one thing" ang sarcastic ko namang tugon. "I know and I understand how much you hate me"
"I do, Kuya!" ang pag-amin niya. Nagulat ako sa biglaan niyang pagtawag sa akin sa ng Kuya. "I hate you so much! Kasi ikaw yung mas gusto nila Dad and Mom!!!"
"What the hell are you saying?"
"Totoo naman eh. When you left, ikaw pa rin ang hinahanap and I'm working still extra hard to please them" ang sunod niyang sinabi. "Ikaw yung magaling. Ikaw yung matangkad. Ikaw yung gwapo! Ikaw na ang lahat. And what am I? I'm just someone who's behind your shadow!"
"You've got to be kidding me, Christopher" ang bulong ko. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo, dahil sa ating dalawa mas maswerte ka. Hindi mo naranasan ang ikahiya... ang itakwil... you don't need to choose who you want to be. Mas naiingit nga ako sayo kasi kasama mo si Mom at si Dad. All throughout your life, there's a golden spoon in your mouth. Samantalang ako.. I needed to work to survive. But guess what? I never hated you. I never hated you kasi kapatid kita... kasi mahal kita. Even though you shut me down; proud ako sa mga naging achievements mo; like remember nung nag Cum Laude ka"
"Hindi ka pumunta ng graduation ko" ang singit niya.
"I was there. Pero hindi ako nagpakita" ang paliwanag ko. "kaya pinaabot ko na lang regalo ko. Yung bracelet"
"Pero sabi ng kaklase ko; galing sa isang admirer"
"Pinasabi ko lang" ang tigon ko.
"Sorry, Kuya" ang paghingi niya ng paumanhin. We're already grown ups pero yinakap ko pa rin siya. Napabuntong-hininga naman ako.
"we can't be like this forever, right?" ang tanong ko nang humiwalay ako sa kanya. Tumango naman siya. "Tara na"
I have to deal with Dad first and set this straight. Sumakay naman kami sa kotse niya at nagtungo sa hotel.Dumeretso kami sa meeting room. Naroon na si Mr. Andrada kasama si Daddy at Moomy. What's this? A reunion? Kaagad akong tinapunan ni Daddy ng masamang tingin. But it didn't bother me. Naupo na lang ako sa upuan.
"I'm sorry why am I needed here again?" ang tanong ko naman. Nakatingin naman ang lahat kay Mr. Andrada. Napangiti lang naman siya.
"I'm making deal with your company" ang simple niya namng tugon. "Mr. Torres, I'm ready to set the deal but I have conditions to add in the contract"
"I'm all ears" ang tugon naman ni Daddy.
"I want your son to work in my company" ang tugon naman niya. Nagulat kaming lahat. May inabas siya sa kanyang maleta. "Here's 500,000 pesos. I'll pay what your son owes you"
"Mr. Andrada, Why are you doing this?" ang tanong ko.
"My two sons are gay too" ang pagsisimula ko. "Pero kahit na ganun. I never gave them a hard life for something they didn't choose. Mr. Torres, I'm not lecturing you on how to become a parent... but it's time to become a father to your son."
I saw the embarrassment in my father's eyes. Napatingin siya sa akin.
"I guess you're right" ang sabi ni Daddy. "Nakakahiya man na kailangan pang dumating sa ganitong pagkakataon na may ibang taong kailangang ipakita ang pagkakamali ko. Sorry, Carlo. Sa lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko as your father"
"I forgive you but I believe may isa pang taong kailangan mong hingian ng paumanhin" ang komento ko sabay tulak kay Christopher. Nakababa lang naman ang ulo niya.
Nung umagang yun ay nagkapatawaran kami at nabigyan ang aming pamilya ng pangalawang pagkakataon.