Pababa na kami ng apartment nang tinanong ako ni Matt kung marunong akong magmaneho. Umiling lang ako. Hindi pa rin ako komportable; hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. I’m in my lowest spirit. Naalala ko na naman kasi ang pamilya kong nagtakwil sa akin. Kung kaya ko lang baguhin ang lahat: ang sarili ko, ang pamilya ko, si Zed, si Aaron; ang lahat.
“Babe, gamitin na lang natin yung kotse mo tapos magcocomute na lang kami pauwi” ang suhestyon ni Matt kay Trisha na naka-ankla sa braso niya. Pumayag naman si Trisha.
“Matt, you seriously have a car?” ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun naitanong. Hindi naman ako mapag-usisa sa mga bagay-bagay.
“Yeah, nakuha ko yun after na-approve yung car loan application ko” ang tugon ni Matt. “Hindi ko masyadong ginagamit kasi mas exciting magcommute. Ipapakita ko sa’yo mamaya. Ikaw? Why don’t you apply for car loan?”
“Why should I? Kung kukuha ako ng kotse, may kasama nang personal driver” ang tugon ko. Natawa silang dalawa. “I’m serious”
Napahinto sila sa pagtawa at nagtinginan. Nasa driver’s seat na si Matt at nasa passenger’s seat naman si Trisha habang nasa likod naman ako. Buong byahe akong nakatulala. Marami pa rin akong iniisip.
“Uyy, Carlo?” ang pagtawag sa akin ni Matt.
“H-huh? What?”
“Earth calling Carlo; we’re here na” si Trish.
“Sorry” ang bulong ko pagkatapos ay bumaba ako ng kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. “No way”
“Tara” ang yaya ni Trisha. Hindi pa rin ako umaalis sa kinalalagyan ko. “Carlo, may problema ba?”
Sinuri ko ang café. May mga customer sa labas, marahil ay mas marami sa loob. Maganda naman talaga yung lugar; as in cozy at nakakarelax. Madalas din kaming pumupunta ni Aaron dito. In fact, parang pangalawang bahay ko na ang café na to. Inanod ako ng mga ala-ala; mga masayang ala-alang parang libong-libong karayom na tumuturok sa puso ko. Hindi ko namalayan ang pagkawala ng isang luha mula sa mata ko.
“Hey, Carlo” si Matt. Hinawakan niya ang braso ko. “Are you alright?”
“Yeah, may naalala lang ako” ang tugon ko habang pinupunasan ang aking pisngi. “Let’s go”
I lead the way. Parang nagslow motion ang lahat sa pagpasok ko sa café; umaasang hindi magkrus ang landas namin.
“Good afternoon, Sir Carlo” ang bati ng café staff. Nginitian ko lang siya,. “Nasa office po si-“
“Table for three, please”
“This way, Sir” hinatid kami ng café staff sa table namin. Kaagad namang inabot sa amin ang menu, linapag ko ang kopya ko sa spare na upuan habang busy naman ang magnobyo sa pagpili ng makakain.
“Hindi ka ba oorder?” ang pag-uusisa ni Matt nang mapansing pinagmamasdan ko silang dalawa. Binungisngisan ko lang siya at binilinan na pumili na lang ng makakain niya. Halos sampung minuto nila tinignan ang menu. Hindi ko sila masisisi dahil sa dami ng nasa menu. Naibigay na nila ang kanilang order nang makapili.
“How about you, Carlo?” si Trish. “Hindi mo man lang tinignan yung menu.”
“Nicole, the usual please” ang bilin ko sa café service staff. “Thank you”
“Madalas ka ba rito?” ang curious na tanong ni Trisha nang makaalis si Nicole.
“Yeah, noon” ang tugon ko.
“Sa bagay, hindi kita masisisi; the place is great”
“I agree” ang pagsang-ayon ni Matt. Sa tingin ko naman ay palaging sumasang-ayon si Matt sa lahat ng sabihin ni Trisha. Siya na ang martyr! Kalalakeng tao, siya pa ang nagpapakamartyr. “The place is cozy; nakakachillax ang ambiance”
“Zedidiah!” ang malakas na sambit ni Trisha sa isang pangalan.
“Trisha, nice seeing you again” ang bati ng taong nasa likod ko. Hindi na ako lumingon pa dahil kilalang-kilala ko kung sino siya.
“Zedidiah, I would like you to meet my boyfriend, Mateo Rivera and his bestfriend, Carlo Torres” ang pagpapakilala ni Trish sa amin kay Zed. “Guys, si Zedidiah Santos”
“Nice meeting you, bro” ang bati niya kay Matt habang nakipagkamay sa kanya. Tumingin sa akin si Zed. “Carlo”
“Zed” ang sambit ko sa pangalan niya.
“I’m happy you’re here” si Zed. “Namiss kita”