Chapter 42

7.7K 252 7
                                    


 Napatango kaming dalawa ni Matt ng sabay.

"OMG! I'm so happy for you two" ang reaksyon ni Sandra sa pag-amin namin. Kaagad naman nia akong yinakap pagkatapos ay si Matt. Napatikhim ako nang matagal niyang yakapin si Matt-matt.

"Newsflash: boyfriend around" ang komento ko na nagpatawa sa dalawa.

"Asus, seloso" ang tugon ni Sandra.

"Personal property"

Lumipas ang ilang araw at okay na okay kami ni Matt. Hindi na nabago ang pagsasama namin sa apartment niya except yung gabi-gabi na kaming magkatabi sa pagtulog, cuddles, kisses atbp. Hindi na nagpapakita sa amin si Aaron. Balita ko wala na rin siya kila Zed. Si Zed naman, we're okay and he's really happy nung nalaman niya yung tungkol sa amin ni Matt. After work, tumatambay kami ni Matt sa cafe niya. I just do hope he finds someone para happy na rin siya. Isang araw, pagkatapos ng trabaho ay pinauna na ako ni Matt umuwi. Kasalukuyan akong naghahanda ng hapunan nang makarinig ako ng pagbasag ng kung ano sa sala. Kaagad akong lumabas ng kusina to check it out. Basag ang frame na may litrato naming dalawa. Kaagad ko naman yung nilinisan.

Alas-onse na pero wala pa rin si Matt. Kahit miscall or text message mula sa kanya ay wala akong natatanggap. Nakakadagdag pa ang pag-iyak at pag-alulong ni Milo. Kumain naman ang tuta kaya hindi ko maintindihan kung anong problema niya. Nang nagring ang phone ko, kaagad ko naman yung sinagot.

"Good evening, is this Carlo Torres?" ang tanong ng tinig ng isang babae.

"Yes, who's this?"

"SPO1 Guttierez po Sir." ang pagpapakilala ng lady officer. "May kilala po ba kayong malapit na kamag-anak ni Mr. Mateo Rivera? Magulang?"

"Matagal nang patay ang mga magulang niya" ang tugon ko.

"Mga kapatid?"

"Only child po siya. Tsaka, hindi ko po alam kung may kamag-anak siya. Ano po bang nangyari kay Matt? Kasama niya ako sa apartment na tinitirhan niya" ang tanong ko habang kinakabahan at natataranta. Hindi normal na may tumawag na pulis at magtanong tungkol sa taong kasama mo sa bahay.

"Mr. Torres, I'm so sorry to inform you that Mateo Rivera just met a car related accident. Kasalukuyan po siyang nasa Saint Augustin Hospital" I just bursted in tears. Tinapos ko na ang phone call pagkatapos makapagpasalamat. Kaagad naman akong lumabas ng apartment at kumuha ng taxi para puntahan si Matt. Sa taxi ay hindi maalis sa isip ko ang kaligtasan ni Matt; taimtim akong nagdarasal para sa kanya. Tumakbo ako papasok ng ospital at kaagad tinanong sa nurse si matt. Nasa emergency room pa rin siya. Kaagad kong tinawagan si Sandra para magpatulong. Dumating naman siya pagkalipas ng tatumpong minuto at nagtanong. Kaagad ko siyang yinakap at binuhos ang pag-aalala ko para kay Matt. She gently caressed me in her arms and kept on telling me that Matt will be okay. Pagkatapos ng dalawang oras ng paghihintay ay lumabas ang doktor. "kamag-anak po ni Mateo Rivera?"

"Ako. I'm his live-in partner" ang kaagad kong pagpapakilala.

"He's stable now. Ligtas na si siya. However, kailangan niya pang ma-operahan. I'll be frank with you, kailangan ng malaking halaga para sa operasyon and you need it agad before it's too late" ang pagsisimula ng doktor.Pinagpatuloy ng doktor kung bakit kailangang operahan agad si Matt. Hindi ko lang masyadong maintindihan pero isa lang ang punto. He'll live miserable kapag hindi siya na operahan.

"Gagawan ko agad ng paraan" ang sabi ko. Kaagad naman kaming nag-usap ni Sandra nang umalis ang doktor.

"Paano to, Sandra?" ang retorikal kong tanong. "May nakatabi akong pera sa bangko pero kulang na kulang"

"Tutulong din ako. I'm sure the company could lend us money" ang tugon ni Sandra.

"Si Zed, pero wala siya rito. He's somewhere at hindi nagpasabi kung saan niya pumunta." ang disappointed kong nasabi nang may naisip ako. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tumawag.

"Good evening, Torres residence. Sino po sila?" ang tanong ng katulong sa kabilang linya.

"Manang Perla, Si Carlo to"

"Sir Carlo; ikaw pala! Alam niyo namimiss ka na po namin dito."

"SSSh, wag kang maingay. Tahimik mong ibigay tong phone kay Mommy. Emergency"

"Ay naku Sir! Wala po si Maam Belinda, nagtungo po ng Cebu para sa isang meeting."

"Si Tope andyan?"

"Opo,Ibibigay ko po ba tong telepono?"

"Huwag na huwag mong gagawin yan, Manang Perla"

"Opo"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon