"ANO??" ang malakas niyang bulong sa akin.
"Tinatanong ko kung mag-on kayo ni Matt"
"Ano ka ba, Carlo? Kami ni Matt? Sana nga, eh; mukhang mas magshota nga kayong dalawa kaysa sa amin. Hindi kami nag-uusap tapos shoshotain niya ako. Gago ka talaga kung anu-anong tinatanong mo. On the first place, bestfriend ka niya dapat alam mo yang mga ganyang bagay tungkol sa kanya"
Hindi ako kumbinsido sa kanya. I looked at her suspiciously .
"Carlo, mata mo" ang pagpansin niya sa akin. Hanggang ngayon ay curious pa rin ako sa babaeng mahal ni Matt ngayon.
"Hindi ka pa rin naaalis sa listahan ko, Sandra" ang komento ko.
"kaw na ang makapag-react. Daig mo pa ang girlfriend ni Matt kapag magselos."
"Hindi ako nagseselos, curious lang ako" ang pagtatama ko sa sinabi niya bago ako tumabi muli kay Matt. Hindi nagtagal ay bumyahe na kami. Buong trip ay nag-aasaran lang kami ni Matt. Isa-isa naman kaming bumaba ng shuttle nang makarating sa hotel. Nanlaki ang mga mata nang makita ang venue ng seminar namin, hindi ko namalayan natulala ako.
"Matt, uuwi na lang ako"
"Oh, anong problema?"
"Sumama pakiramdam ko, para akong lalagnatin" ang pagpapalusot ko.
"Ha?" he checked my forehead. "Hindi ka naman mainit. Carlo, tiiisin mo muna, mahirap nang umuwi kang mag-isa."
Tinawag kami ng aming supervisor. Naroon na rin ang mga big bosses namin. Kahit napipilitan ay pumasok ako sa Hotel Xanadu. Nakiramdam ako sa mga empleyado roon, nagdarasal na walang mangyaring eksena. Napahinto ako sa paglalakad nang.
"Sir Carlo. Good Morning" ang bati ng isang babae, Ang general manager. "Nakarating na pala kayo"
"Sorry, hindi ako yun" ang depensa ko. Batid kong nagtataka ang mga kasama ko dahil sa pagbati sa akin ng mga empleyado. Nanahimik na lang ako kahit dahil ayaw kong magpaliwanag. Nakita kong kausap ng mga boss ko ang presidente ng Xanadu hotel. Nakaramdam ako ng pagkamuhi at kaba. Napahinto ang grupo namin nang may tumawag sa akin. Napalingon ako. Kaagad namang naningkit ang aking mga mata.
"Mabuti naman naisipan mong dumalaw sa hotel natin, Kuya Carlo"
"Tope, wag kang gumawa ng eksena."
"How are you coping up, huh? Look at you know. Ang tagapagmana ng Xanadu na nagpakababa para lang panindigan ang pagkabading."
"Christopher, stop this"
"Thank you Kuya ha? You passed the privelege to me" ang nakangiti niyang pang-iinis. Nairita na ako sa pinakita niya.
"Alam nating dalawa na kayo kong bawiin ang para sa akin pero nanahimik ako. Ngumiti ka lang hanggang kaya mo. Just watch out baka yung mga rason ng pagngiti mo, isang araw nasa akin na."
"I'll wait for that, bro" ang hindi niya pagpapatinag sa banta ko.
"Look, who's here" ang singit ng Presidente ng Xanadu ng makita kami ni Christopher. "If ain't the prodigal son. Tinubuan ka na ba ng bayag?"
"Now what? Bakit hindi niyo tawagin si Mommy para reunion" ang pamimilosopo ko sa kanila. "Magkakamustahan na ba tayo? Shall I tell how you made my life a living hell? You said that I'm a disgrace but how come I feel so awful having your family name!"
"Ano bang kailangan mo at narito ka?" ang tanong ni Wilbert Torres; ang Presidente ng Xanadu at ang aking amang abot-langit ang pagkamuhi sa akin dahil sa nalamang katauhan ko. "Huwag ka nang umasang may makukuha ka sa akin dahil matagal ko nang kinalimutan na anak kita."
"I know. Huwag kang mag-alala Pa. Pa? Sorry, Sir Torres; hindi ako narito para maghabol sa pera niyo" ang naiinis kong pagdepensa sa accusation niya sa akin.
"Kung ganun, umalis ka na"
"No can do"
"Geraldine, tumawag ka ng security" ANG utos ni Christopher sa General Manager. Kaagad namang rinadyuhan ang head of security. Hindi nagtagal ay dumating ang mga security guard.
"Kaladkarin papalabas yan. Baka manggulo pa rito" ang utos ni Papa sa mga security guard. Kaagad namang hinawakan ng mga security guard ang mga braso ko. Hinawi ko ang mga kamay nila.
"Mr. Torres. What's happening here?" ang pag-uusisa ng isa sa mga boss ko. "That's my employee"
"What? Are you serious?" ang retorikal na tanong ni Christopher.