"Matt, could I ask you something?" ang tanong ko sa kanya.
"Sure, go ahead"
"What if kung may kaibigan kang hindi totoo sa'yo"
"What do you mean hindi totoo? As in plastic?"
"Ah, no. What I mean is paano kung nakilala mo siya sa ibang pagkatao?"
"Is he like superman?"
ang biro niyang tanong sa akin. Pinilit kong ngumiti.
"As in he's a bummer. Dati siyang nasa taas pero bumaba dahil sa mga bagay na hindi niya ginusto and he's living a life na pakiramdam niya hindi para sa kanya. Magagalit ka ba kasi nagtago siya?"
"Hindi siguro, may rason naman siguro siya kung bakit. Magtatampo ako siguro" ang tugon niya. Napatango na lang ako. "Bakit? May tinatago ka ba sa akin, Carlo?"
"W-wala" ang tugon ko. "May kakilala lang ako na ganun ang sitwasyon"
Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadadaan sa paligid namin nang makalabas kami ng parke. Natatanaw ko na ang apartment ni Matt.
"This is the best day of my life" ang anunsyo ni Matt. Sumang-ayon naman ako sa kanya. Nagpatuloy ang routine namin pagkatapos makalinis ng katawan. I prepared dinner and we ate heartily. Schedule ko ngayon sa sofa kaya naman kinuha ko na ang unan at kumot ko sa kwarto ni Matt. Nakahiga na siya sa kama nang nagpalitan kami ng bati bago matulog.
Binangungot na naman ako. Napaniginipan ko ang eksena ni Aaron at Zed sa kusina ng cafe. Kaagad akong napaupo at naluha. Napatingin ako sa wall clock. Alas dos pa lang ng madaling araw. Bumalik ako sa pagkakahiga. Narinig kong bumukas ang kwarto ni Matt.
'Carlo" mahinang tawag sa akin ni Matt. "Carlo, gising ka ba?"
"Bakit, Matt?"
"Halika, tabi tayo" ang wala sa sarili niyang pag-yaya sa akin.
"Matulog ka na. Matt. May trabaho pa tayo mamaya."
"Ang ginaw,eh." ang pagmamaktol niya.
"Patayin mo yung aircon; huwag ka nang makulit" ang utos ko sa kanya. Nagsara ang pintuan. Hindi ko talaga maintindihan si Matt; minsan may pagkaisip bata talaga siya. Hindi nagtagal ay nakatulog din ako.
Nagising ako nang alas sinko ng umaga. Napatayo ako at nag-unat-unat. This is a first; mas nauna akong nagising kay Matt. Madalas kasi siya ang alarm clock ko. Pumasok ako sa kuwarto ni Matt.
"Matt, bangon na. It's five o'clock in the morning." ang paggising ko sa kanya pero hindi siya gumagalaw o tumutugon man lang. Inalog ko siya para magising; minulat niya ang kanyang mga mata at napatingin sa akin. He looks different. "Alas singko na Matt. Bumangon ka na"
He reached for my hand and pulled me in his bed.
"Matt, anong ginagawa mo?" ang gulat kong tanong sa kanya. Imbes sumagot ay mahigpit siyang yumakap sa akin.
"Carlo, let's sleep" ang mahina niyang tugon. "Ang ginaw"
Naramdaman ko ang panginginig niya. Nanlaki ang mata ko nang hinawakan ko ang noo niya.
"Matt, inaapoy ka ng lagnat" ang sabi ko sa kanya. "Ikaw kasi,eh! Nagpaulan pa tayo kagabi; ayan tuloy, nagkasakit ka pa!"
"Carlo, stop nagging, Mas lalong sumasakit yung ulo ko"
ang pagmamaktol niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Inalis ko ang nakayakap niyang kamay sa akin bago ako bumaba ng kama.
"Dyan ka lang. Wag kang tatayo, dadaan muna ako sa drugstore para makabili ng gamot at tsaka sa convinience store para makabili na rin ng makakain mo. No coleslaw for this morning"
"Sige. Basta hindi nakakataba yung bibilhin mo" ang bilin niya.