Nasuggest ko kay Matt na kailangan niya rin ng social life at kailangan niyang lumabas ng comfort zone niya paminsan-minsan.
"Sige, bukas. Gimik tayo kasama sila" ang naging tugon niya. "May alam akong music lounge, cool yung place"
"Saan naman yan?"
ang pag-uusisa ko. Napaka-interesting dahil siya na mismo ang nagyaya.
"Basta, malalaman mo bukas ng gabi. The place is really nice"
"Sabi mo, eh. I'll look forward to it"
Back to normal na naman ang routine namin ni Matt ngayong maayos na ang kalusugan niya. Usual night cap together at kwentuhan tungkol sa sari-saring bagay.
"Tulog na tayo" ang yaya ko nang maramdaman ko na ang antok. Siya rin ay napahikab na.
"Thursday ngayon, the bed is all yours."
"I know right!"
ang pagsang-ayon ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sala at nagtungo sa kuwarto. Sumunod si Matt at dinampot ang unan at kumot niya.
"Ang awkward ng set-up natin, para tayong mag-asawang magkagalit." ang sabi niya. Napabuntong-hininga naman ako at napatingin sa kanya. "But I understand. Kung pwede ngang ako na lang ang mag-ayos sa nasira mong puso."
"Sana nga. You're the man I ever dreamed of"
ang nasabi ko. "But don't worry, I'll get by. Tsaka, malaki nga naitutulong mo sa pagmomove-on ko."
"It's nice to hear that. Sige, matutulog na ako. Good night, Carlo. Sweet dreams"
"Good night. Sweet dreams too"
"Good night kiss ko?"
"Itulog mo na yan, Matt"
ang komento ko sa pangangalaska niya. Pinanood ko siyang lumabas ng kuwarto. Pinatay ko namana ng lamp shade para madali akong makatulog.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Hindi ko maiwasan ang pag-iisip sa maraming bagay. Kamusta na kaya si Mama? Bakit ganun na lang ang galit niya sa akin? Palagi naman siyang nasa likod ko eh; handang suportahan lahat ng gusto ko pero anong nangyari? Si Papa; ano pa bang gusto niya? Lahat naman ng gusto niya sinunod ko. Si Christopher? Okay naman kaming magkapatid pero tulad ni Mama at papa; tinalikuran niya rin ako nang malaman na silahis ako. Ano bang problema run? Bakit ako nabansagang black sheep ng pamilya? Lahat ay nawala ng parang bula nang panindigan ko ang isang bagay na nagpalaya sa akin; ang isang bagay na walang takot. Pero nangyari na eh. Wala akong magagawa kundi magtiis at magpakatatag. Si Aaron? Bakit hindi pa siya nagpapakita sa akin? Talaga bang hindi niya na ako mahal. Si Zed? Totoo kaya yung mga sinabi niya?Dumadagdag pa itong si Matt; sa tingin ko; nagkakaroon na ako ng special feelings para sa kanya. Masakit lang isipin na everything is just platonic at hanggang doon lang yun kaya kailangan kong tanggapin ang katotohanan kahit na masakit. Kailangan kong pigilan ang sarili kong mainlove sa kanya dahil panibagong sakit na naman ang mararamdaman ko sa kanya.
Kinabukasan ay nagising ako nang makarinig ako ng lagasgas ng tubig mula sa restroom. Batid kong naroon si Matt at naliligo. Napatingin ako sa digital alarm clock sa side table katabi ang litrato ni Matt kasama si Trisha. Nasa likod naman nito ang Belly dancer figurine na nakaani ng sandamakmak na panlalait mula kay Trisha. Bumaba ako at kaagad inayos ang kama. Lumabas ako ng kuwarto para ihanda ang almusal as usual, coleslaw at fruit juice. Natigilan ako nang makakita ng basket ng French toast at dalawang mug ng kape sa mesa. Bumalik ako ng kuwarto. Nakalabas na ng restroom si Matt at suot na ang trousers niya habang pinapatuyo ang buhok.
"Matt"
ang tawag ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya at kaagad binaba ang hawak-hawak na hairblower pagkatapos ay tumalikod at nagsuot ng sando. "Asus, nahiya pa. Sayang naman yang pinaghirapan mong abs kung itatago mo lang"
"Baka kasi kainin mo mga pandesal ko pag nakita mo"
ang tugon niya. Natawa ako sa sinabi niya.
'Hamak din lang na usapang tinapay tayo, ano yung nasa mesa?"
"Breakfast. Tara muna mag-almusal"
"Oh, why the sudden change of diet plans?"
"Wala lang. Nakakasawa yung coleslaw; anyways, wheat bread naman yun eh tapos zero trans-fat"
'Okay"