Pagsapit ng gabi ay sari-saring dokumento at papel ang nakatambak sa desk ko; nakapatong narin ang mga nais ipabigay ng mga female officemate ko kay Matt. Walang gana kong binitbit ang mga yun pagkatapos ng aking trabaho. Para akong tanga sa lobby dahil sa tatlong balloon na may nakasulat na "GET WELL SOON". Kaagad naman akong kumuha ng taxi para makauwi na agad.
Natigilan ako nang makakita ako ng gitara sa tabi ng itim na sofa. Inilapag ko ang aking bag sa sofa at ang mga bitbit ko sa center table. Nagtaka ako dahil nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Matt; dahan-dahan akong pumasok. Maayos ang kama at wala siya. Kumatok ako sa restroom pero walang sumasagot. Wala rin siya roon nang buksan ko. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina. Nakahinga na ako ng maluwag ng makita siya run habang naggigisa ng kung ano man. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako napapansin.
"Matt, bakit ka tumayo?" ang tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin at nagpapakabusy pa rin siya sa pagluluto. Napailing na lang ako at nagpunta ng sala para kunin ang mga bagay-bagay para kay Matt. Pagpasok ko muli ng kusina ay nadatnan ko siya sa kanyang dancing mode na parang hindi nagkasakit. Bukod sa nag-aalala ay natutuwa at natatawa ako sa quirky dance steps niya. Inilipag ko sa dining table ang bitibit ko pagkatapos ay linapitan ko siya at tinanggal ang earphone tenga niya. Natigilan siya sa pagsasayaw at pagluluto dahil sa ginawa ko at napatingin sa akin. "Carlo, kanina ka pa?"
"Kararating ko lang, Okay ka na ba?"
"Yeah, ang galing mong nurse,eh!" ang nakangiti niyang tugon. "I'm cooking dinner for us"
"Hindi ba sinabi ko sa'yo na magpahinga ka lang? Baka mabinat ka pa"
"I did. Kababangon ko lang para malutuan kita ng dinner" ang paliwanag niya.
"Anyways, may seminar daw tayo next week. And your admirers, they drive me nuts! Tanong ng tanong tungkol sa'yo. Ayan, lahat yan galing sa kanila."
"Ganyan talaga ang mga gwapong katulad ko" ang hirit niya. Isa-isa niyang tinignan ang mga nakapaper bag. Mostly, galing sa bakeshop maliban na lang yung galing kay Sandra na siya mismo ang nagbake.
'Hindi ka kaya magkadiabetes nan?" ang tanong ko sa kanya.
"I will; if I don't share" ang tugon niya. Dinampot niya ang isang box ng chocolate cake. "Diyan ka muna. Ibibigay ko lang ito kila Mr. and Mrs. Ledesma para makapagpasalamat na rin ako"
"Sure" Bilib na talaga ako sa kanya; mabuti talaga siyang tao. Lumabas siya ng apartment samantalang kinuha ko naman ang nakita kong gitara sa tabi ng sofa. Matagal-tagal na rin akong hindi nakatugtog ng gitara since nung paalisin ako sa amin. Inilapag ko muna yun sa dining table para sigaraduhing hindi masusunog ang linuluto ni Matt. Hindi nagtagal ay bumalik si Matt at sinalo ako sa pagluluto.
"Saan galing yung gitara?" ang tanong ko sa kanya.
"Binili ko sa mamang naglalako" ang tugon niya. "Nabili ko ng isang libo"
Sinuri ko ang gitara. "Okay naman ang pagkakagawa. Marunong ka?"
"Hindi nga,eh. Pangdidisplay ko sana sa kuwarto. Ikaw ba, alam mo?"
Nginitian ko siya at sinimulang patugtugin ang gitara.
Everything I know about love
I learned from you, from you
And everything I know about pain
I learned from you, you
You were my only, you were my first
You showed me lonely, and you took me in when I was hurt
But the most important thing you ever gave me
Was the one that hurt the most
So thank you for the broken heart, oh yeah
And thank you for the permanent scar, oh
'Cause if it wasn't for you, I might forget
How it feels to let go, and how it feels to get a brand new start
So thank you for the broken heart
"Naks, musician ka pala"
si Matt
"Hindi naman. Malapit lang sa akin ang music" ang pagpapaliwanag ko. "Matagal pa ba yan Chef Mateo? Nagugutom na ako"
"Yes, Sir!"
ang enthusiastic niyang tugon. Hinanda ko na ang mga plato at kubyertos para sa aming hapunan. Pinagsalahan namin ang kanyang iniluto pati na rin ang cheese cake ni Sandra.