"Huwag Sandra. Yan ang hinding-hindi mo pwedeng gawin." ang pagdidistract ko sa sasabihin niya. "He'll became miserable. Huwag mong sabihin sa kanya ang tungkol sa kasunduan namin ni Papa. Pati na rin na sa akin galing"
"Pero anong sasabihin ko kapag paggising niya at hinanap ka?"
"Just tell him that I really love him and I would give up everything I own just to be with him. Na kahit kailan hindi ko ginusto na iwan siya; na masakit din sa akin ang lahat ng mga nangyari."
Nagsimula na naman akong lumuha. Yinakap naman ako ni Sandra at nangakong hindi sasabihin ang naging kasunduan namin ni Papa.
Kinabukasan, dineretso na si Matt sa Operating Room samantalang matyaga naman kaming naghintay ni Sandra ng balita. Pagkalipas ng tatlong oras ay nagbukas din ang operating room ; iniluwa nito ang doktor at mga nurse. Sa likod nila ay ang rolling bed kung saan nakahiga si Matt.
"Doc, anong balita?" ang tanong ko.
"Successful ang operation ni Mateo kaya okay na siya. Though may mga treatment pa tayong gagawin kapag nagising siya"
"Salamat doc"
Kaagad naman kaming nagtungo sa kuwarto ni Matt. Tinitigan ko ang mukha niya pagkatapos ay hinaplos-haplos ito. I kissed his lips for the last time while tears started to fall from my eyes. Linapit ko ang aking labi sa kanyang tenga.
"Always remember that I love you. You know what? I thank Aaron for the broken heart kasi nakilala kita and Falling in love with you is the greatest thing happened to me. And I thank you, kasi I'll never have a broken heart again. Sana someday kung magkita ulit tayo, masaya ka. Sana hindi sumama ang loob mo sa gagawin ko. Mahal kita" ang bulong ko sa kanya. Lumapit ako kay Sandra at yumakap sa kanya. Humagulgol na ako sa piling niya; ito na ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Mas masakit pa nung nahuli ko si Zed at Aaron sa cafe. Naluha na rin siya sa sitwasyon namin ni Matt.
"Ikaw na ang bahala kay Matt" ang bilin ko kay Sandra.
"Carlo, may magagawa ka pa"
"Wala na, mas makakabuti ito para sa amin."
"Sandra, thanks for everything. Goodbye" ang pagpapaalam ko pagkatapos ay lumabas ng kuwarto. Naglalakad na ako ng pasilyo ng lumabas si Sandra at tinawag ang pangalan ko. Hindi ko na siya pinansin at linisan ko na ang ospital at si Matt.
I stayed in my apartment. Nakaupo lang ako sa sahig while my head rests on the sofa, nakatitig sa throw pillow na katabi ng ulo ko habang lumuluha. Hindi ko nagawa ang kumain at ang matulog. How could I?
Kinabukasan ay nagtungo ako sa Xanadu Hotel. Kasalukuyan akong nasa opisina ni Papa.
"Give me your phone" ang utos ni Papa.
"But why?"
"Just give me your phone, Carlo" kahit na nanapipilitan ay inabot ko ang phone ko sa kanya. Kaagad niyang isinilid yun sa drawer niya at inabot sa akin ang ibang phone. "Yan ang gagamitin mo from now on. Nakapost paid yan so I could monitor you. Baka makipagkita ka pa sa lalakeng yun."
"Tutupad ako sa usapan" ang depensa ko sa aking sarili.
"Really? That's good. Now, your work here will not be that easy." ang pagsisimula ni Papa. Nagulat ako ng may inabot siyang uniform. "Magtratrabaho ka para sa maintenance ng hotel. Simple lang, maglilinis ka, bawat pasilyo, bawat kuwarto, bawat function hall at opisina ko at ng Mama mo."
"Pero Pa wala akong kaalam-alam diyan"
"Hindi yan problema. Tutulungan ka ng iba. I would like to remind you na empleyado ka na rito. Call me Sir" ang bilin ni Papa. Napatango na lang ako; hindi ako makapagsalita sa trato niya sa akin bilang anak niya. 'Now, go to work"
Lumabas ako ng opisina niya. Sinamahan naman ako ng sekretarya niya papunta sa employees' lounge.
"Ah, pagpasensiyahan mo na ako nung isang araw. I was just really in a bad situation" ang paghingi ko ng paumanhin sa sekretarya.
"Okay lang po yun, Sir. I understand" ang tugon niya.
"Carlo. Mas mataas ang posisyon mo sa akin" ang bilin ko sa kanya.
"Sige po"