"Nasambit kasi ni Sandra na birthday mo ngayon kaya nagpakacold ako sayo para mainis ka sa akin at iwasan din ako para magawa ko yung plano namin para sa birthday party mo. I know you cried last night because of me. Sorry"
"So, hindi ka galit sa akin?"
"Of course not.Mahal ki-mahalaga ka sa akin. Please say that you forgive me"
"A hug will do" ang tugon ko. Walang pag-aalinlangan niya akong yinakap. Kaagad ko naman siyang binatukan nang humiwalay ako sa kanya. "That's for making me miss you, Matt-matt"
"I missed you too, Caloy"
"Thank you sa birthday gift mo?"
"Anong birthday gift?"
"Yung party"
"Hindi lang naman ako ang may pakana nun; pati sila Sandra. Sa kanya ko nalaman na may tampo ka na sa akin. At tsaka hindi pa yun yung birthday gift ko sa'yo."
"Huh? Eh, ano?"
"Teka" pinanood ko siya habang may kinuha sa compartment ng kotse niya. Isang birthday gift, ano pa nga ba? Inabot niya sa akin yun at kaagad inutasan na buksan yun. Walang ano-ano pa'y binuksan ko na ang regalo niya. Nanlumo ako sa nakita, isang men's watch.
"Matt, this is too much" ang nasabi ko na ikinatawa niya.
"Ganyan ka kahalaga sa akin. I'll help you wear it. Gamitin mo na ngayon. Gusto kong makita" Kinuha niya ang relo at isinuot sa akin habang ginagawa niya yun ay napangiti ako sa eksena namin.
"Yes, I will" ang out of the blue kong sinabi.
"Huh?"
"This moment, parang wedding proposal lang. Instead of a ring, wrist watch ang binigay mo" natawa rin siya sa na-imagine ko.
"Ikaw, ha. A few days ago, ultimate crush mo ako; ngayon,. you want to get married with me" ang tukso niya.
"If I have to marry someone like you, I bet I'll be the happiest and the luckiest man on earth" ang tugon ko sa panunukso niya. Napahinto siya at napatingin sa akin, biglang lumungkot ang mga mata niya.
"Really? Do you really feel that way?" ang tanong niya.
"Oo naman. I mean it. Sana ikaw na nga lang para okay na ako" ang seryoso kong tugon sa anong niya. "But you're here and I appreciate everything you are doing for me. Thank you kasi you're keeping you're promise and I also promise you na whenever you need me; I'll back you up"
"So, do you believe in promises now?"
"Yuhps, especially promises from you"
"Thank you. Caloy. So, are you ready for my next birthday gift?"
"Huh? Meron pa? Matt, sobra na to"
"Relax ka lang. You deserve a break. Hindi ako si Zed o si Aaron but I'll do my best just to make you happy. Alam ko ang pinagdadaanan mo. So, loosen up"
"O siya, ibigay mo na yung last gift mo."
Pinaandar niya ang kanyang kotse. Kaagad ko namang pinaalala ang tungkol sa party na iniwan namin. Alam nila Sandra ang plano kaya wala raw problema. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Wala akong kaide-ideya kung saan niya ako dadalhin at kung ano yung isa niya pang regalo sa akin. Nagtaka ako ng bigla siyang lumiko at lumayo sa main road. Kinabahan ako dahil iisa lang ang madalas puntahan ng mga bumibiglang-liko.
"Matt, saan mo ba talaga ako dadalhin? Kinakabahan ako"
"Bakit? Saan mo ba naiisip?"
"Ewan."
Hindi na siya umimik at ngumiti ng nakakaloko. Nagulat ako ng huminto siya sa harap ng isang motel.
"We're here" ang anunsyo niya. Napalunok naman ako sa sinabi niya. "Alam mo ba kung ano yung susunod na ireregalo ko sa'yo?"
"A-ano?" ang pautal-utal kong tanong sa kanya.
"Ako mismo." ang tugon niya. He brushed my arm with the back of his hand. "Alam kong matagal nang laman ng pantasya mo ang isang ako"
"Matt, I-i" kinakabahan talaga ako sa gusto niyang mangyari. Hindi ko ito inaasahan mula sa kanya. "Kung talagang desidido ka, tara. Hindi naman ako choosy"
Natawa siya sa sinabi ko. He ignited the engine and we left that motel.
"Next time na lang; ang tagal mo kasing umo-o" ang sabi niya.
"Do you really plan to-you know?" ang curious kong tanong.