“so, mas mahalaga pa yan kaysa sa binigay ko sayong center piece na galing pa ng France?” ang pagmamaldita slash pagmamaktol ni Trisha.
“Babe, nasa side table ko yun para paggising ko sa umaga; yun ang unang-una kong makikita” napangiti ako sa kasweetan ni Matt kay Trisha. Pero nananatili pa ring masama ang tingin ni Trisha sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Matt at kinuha ang figurine. Pinanood ko siyang pumasok ng kuwarto at muling lumabas bitbit na ang Eiffel Tower mockup na kasing haba lang ng isang ruler at pakinang-kinang pa. Maingat niyang linapag yun sa center table.
“Better” ang nakangiting komento ni Trisha bago umupo sa sofa; kaagad namang tumabi sa kanya si Matt.
“Excuse me for a while” ang pagpapaalam ko sa kanila. “I’ll just take a shower”
“Sure” si Matt; tumango lang si Trisha.
“Three months na ang lumipas, Matt. Hindi mo pa rin pinapalitan itong color scheme ng apartment mo” ang muling reklamo ni Trisha. “I told you to change it to black and white”
“Papalitan ko naman, eh. Wala lang akong time sa ngayon” ang pagpapaliwanag ni Matt.
“Ang laki-laking tao; under” ang pabulong kong komento tungkol kay Matt bago ako tuluyang nakapasok ng kuwarto. Kaagad kong kinuha ang tuwalya sa closet at tinapis sa aking baywang pagkatapos makapaghubad at ma-ishoot ang mga damit sa laundry basket. Pumasok ako ng banyo at naligo.
Tahimik lang silang nag-uusap nang lumabas ako ng kuwarto. Napaupo ako sa sofang pang-isahan at tinuon ang aking atensyon sa palabas sa TV.
“So, Carlo” ang tawag sa akin ni Trisha. kaagad ko siyang liningon. “What’s your full name again?”
“Carlo Torres” ang tugon ko.
“Carlo Torres?” ang gulat na tanong ni Trisha. Napatingin kami ni Matt sa isa’t-isa. Rumehistro ang taka sa mukha niya. “Your name rings a bell. Please, give me a sec”
Iniwas ko ang tingin ko mula sa mga mata ni Matt. Nagsisimula na akong maging hindi komportable.
“Yeah! Now, I remember” ang ekslamasyon ni Trisha. “Ikaw ba yung anak ni Wilbert Torres? The President of Xanadu Hotel? Ikaw yung anak niya na nagmigrate sa US. Pero anong ginagawa mo rito?”
Pinilit kong tumawa sa aking narinig.
“Ako? Anak ng presidente ng isang five star hotel?” ang pagsisimula ko ng isang retorikal na tanong. “Sana nga. Para naman, hindi na ako gumawa pa ng sandamakmak na reports”
“Babe, baka naman kapangalan niya lang yung sinasabi mo” ang singit ni Matt.
“Sa bagay, may point naman kayo” si Trisha. Napatikhim ako.
“So, tell me something about this Carlo Torres na katukayo ko?”
“Well, tulad nga nang nasabi ko; ang balita kasi ay nagmigrate na siya sa US and turned down the proposal na maging next President ng Xanadu. Mataas ang pinag-aaralan. In fact, he’s a graduate of NYU at sa isa sa mga top universities dito sa Philippines. Kaya ayun, yung kapatid niyang si Christopher Torres ang naging heir and the Vice president of Xanadu.
“Ang laki namang tanga nun para tanggihan yung kumpanya. Everyone dreams for a position that big” ang komento ni Matt. Lumutang ang isip ko sa naikwento ni Trisha.
“Kulang na lang sabihing namatay sa Titanic” ang inboluntaryo kong nasambit.
“Ano yun, Carlo?” si Matt.
“Ah, wala” ang tugon ko. “Ang sabi ko, gusto kong panoorin ulit yung Titanic”
“Ah” si Matt ulit.
“Anyways, may bago na akong favorite na Cafe” ang kwento ni Trisha. “In fact, naging acquaintances kami nung owner”
“Saan naman yan, babe?” ang tanong ni Matt.
“That’s why I’m here. Pupuntahan natin yung cafe. Ipapakilala ko kayo sa kanya” ang tugon ni Trisha. “So boys; better dress up and I’ll wait for you”
“Magpapaiwan na lang ako siguro” ang suhestyon ko. “I’ll just be ruining your picture perfect moment kung sasama lang ako”
“Of course not” ang depensa ni Trisha. “Actually, gusto rin naman kitang makilala. Kung close kayo ni Matt; well, ako rin dapat”
“Sure” ang tangi kong nasambit bilang pagpayag sa gusto niya. Napakabossy talaga nitong si Trisha.