Chapter 27

7.6K 267 3
                                    


Carlo_Torres: I don't know. Well, what will you do if I find out who you are?

Crazy4Ü: I'll kiss you wether you like me or not.

Carlo_Torres: Aggressive type, huh?

Crazy4Ü: I'll be.

Carlo_Torres: Let's see what happens. GTG :)

Crazy4Ü: :*

Ipinagpatuloy ko ang aking trabaho. Panay ang kwento nila Sandra sa mga nangyari kagabi habang tahimik lang kami ni Matt na nakikinig. Hindi ko alam kung may koneksyon ba ang iniinda niyang hang-over sa negative aura na navivibes ko mula sa kanya. Kasa-kasama ko siya ngayon pero parang ang layo niya. Hindi siya magsasalita kung hindi ko kakausapin. Madalas ay tipid ang mga sagot niya. Hanggang sa pag-uwi namin ay matamlay siya.

"Anong gusto mong dinner?" ang tanong ko nang mailapag ang body bag ko sa sofa katabi niya.

"Ikaw na ang bahala" ang walang gana niyang tanong. Sinandal niya ang kanyang katawan sa sofa at pinikit ang kanyang mga mata. Dumeretso naman ako sa kusina at naghanda ng hapunan. Nang makaluto ay tinawag ko siya. Hanggang sa pagkain ng hapunan ay hindi kami nag-uusap. Naiilang at nagtataka lang ako sa mga kinikilos niya. Hinugot ko ang lahat ng lakas ko para itanong kung okay lang siya. Isang tango lang ang tinugon niya. Inaayos ko na ang pinagkainan namin nang may nagdoor bell. Lumabas si Matt para buksan ang pinto. Sumilip ako kung sino man yun. Nakita kong lumabas si Matt at sinara ang pinto. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Nakahanda na ako para sa pagtulog pero wala pa rin si Matt. Naka-upo ako sa sahig sa sala at nakatitig lang sa Eiffel Tower ni Matt. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako nang nagbukas ang pinto. Kaagad kong pinunasan ang aking mga mata at sinalubong si Matt. Nagulat at nagtaka ako nang makita ang pasa sa tabi ng labi niya. May bahid ng dugo ang kamao niya.

"Matt, saan ka ba nagpunta? Anong nangyari sa'yo?" ang tanong ko sabay hawak sa kamay niya para tignan ang nagdurugo niyang kamao. Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya pabalik ang kamay niya.

"Matutulog na ako kung pwede lang?" ang wala pa ring ganang tanong niya. Napatango na lang ako. Pumasok siya ng kuwarto samantalang nahiga na ako sa sofa. Napatitig pa rin ako sa Eiffel Tower display. Lubos kong pinagtatakahan kung anong bumabagabag kay Matt. Okay naman kami kahapon. Kaninang umaga nag-uusap kami unti at ngayon, umalis at umuwi na may mga pasa na. Naguguluhan talaga ako. Kinabukasan, nagising ako sa aking usual waking time. Lumabas si Matt ng kuwarto; nakaayos na.

"Mauna na ako sa'yo" ang pagpapaalam niya.

"Sige, ikaw bahala" ang tugon ko. Kaagad naman siyang lumabas ng apartment. Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari. Iniiwasan ba ako ni Matt? May nagawa ba ako o nasabi na ikinasama niya ng loob? Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko; ang dami ko nang iniisip. Nagsawa na ba siya sa akin? Bumigat ang pakiramdam ko. If he needs space; then, I'll give him space.

Kaagad naman akong nag-ayos ng sarili para sa trabaho ngayon. Hindi na ako kumain ng almusal dahil nawalan ako ng gana sa negatibong aura ni Matt. Mabilis naman akong nakapaghanda. Tumingin ako sa wall clock. Maaga pa naman pero okay lang na pumasok ako ng maaga; at least, matatapos ko agad. Nakasakay na ako ng taxi papuntang opisina nang makaisip ng isang ideya. Dahil siguro sa wala ako sa mood ngayon kaya malakas ang loob ko.

Pagkatapos ng halos isang oras sa aking pinuntahan ay nagtungo na ako sa opisina. Mabigat pa rin ang loob ko at medyo nagsisisi sa ginawa kong desisyon. Ganyan ako kapag wala sa mood o napakaemosyonal; kung anong nagagawa, ginagawa, nasasabi, sinasabi naiisip at ini-isip. Papasok na ako ng opisina at gusto kong takpan ang mukha ko. Nakangiting binati ako ng Security Guard. Napapahinto naman at napapatingin sa akin ang ibang empleyado na dumagdag pa sa nararamdaman kong inis, ilang at kung anu-ano pa. Nakangiti akong sinalubong ni Sandra.

"Oh. my God! Carlo, is that you?" ang enthusiastic niyang tanong sa akin sabay angkla sa braso ko.

"Pangit ba?" ang tanong ko. "This is really a bad idea."

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon