Natawa ako sa mga sinabi niya pero ganun pa rin ang kanyang reaksyon: seryoso. Nahinto ako sa pagtawa at napatikhim. Umupo ako ng deretso at napatitig ako sa kanya.
“Seryoso ka ba?” ang tanong ko. Tumango siya. Sinuri ko nang mabuti ang kanyang mukha. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Kinabahan ako sa mga gusto niyang ipagawa sa akin. Daig niya pa ang baldado sa mga demands niya. “Hindi nga?”
“I’m just kidding, Carlo” sabay ngiti niya. Wow, another smile! “Relax, I won’t let you do things you don’t want to”
“kinabahan ako run!” ang natatawa kong pag-amin. “Pero sa bagay, it would be an honor na mapaliguan ang isang Mateo Rivera; Mr. Crush ng Bayan.”
“Crush mo ako, no?” ang deretsahan niyang tanong na nagpatahimik sa akin. Tumawa siya; ayos ang aura niya, nakakawala ng problema, ang cute niya talaga lalo na ngayong tumatawa siya. Ngayon ko lang nalaman na may pagka-narcissist pala ang mokong. Sana nga lang ay hindi ako liparin sa lakas ng hangin niya. Hindi ko naman siya masisisi; he’s close to perfection.
“Anyways, I have only one bedroom and one bed” ang sabi niya.
“Hindi yun problema. Dito na lang ako sa sofa matutulog o kaya sa lapag. But if you value your space that much, I really don’t mind sleeping here” ang pagpapaliwanag ko.
“Nah, I’m planning kasi na ikaw na lang ang gumamit ng kama ko. You’re my guest”
“No need, Matt. Okay na ako rito sa sofa mo” ang depensa ko. Ako na nga itong makikitira; ako pa ba ang gagamit ng kama niya? Ang kapal naman ng mukha ko kung ganun.
“What if we sleep on the bed together?” ang suhestyon niya na ikinagulat ko. Naramdaman kong nanlaki ang mga mata ko at napakunot naman ang noo ko.
“No, thanks talaga;Matt. Awkward naman yun. We’re not lovers to sleep together” ang muli kong pagtanggi at pagpapaliwanag. “Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend mo kapag nalaman niyang may katabi kang silahis sa pagtulog. Tsaka wth my situation; I can’t. Naaalala ko lang at maaalala ko lang si Aaron kaya okay na ako rito. Okay na ako na walang katabi”
“Fine. Dahil hindi kita maconvince at lahat na lang ng proposal ko ay tinatanggihan mo, ganito na lang. MWF, sa akin ang kama. TThS, sayo naman ang kama. I won’t accept “No” as an answer”
“Oo na” ang pilit kong pagtanggap sa alok niya. “Eh, paano yung Sunday?”
“Magkatabi tayo. Nag-yes ka na, bawal mag-react!” ang sabi niya. Napatango na lang ako sa hidi inaasahang pagpapakita niya ng kakulitan.
Pagkatapos ng usapan naming yun ay inikot niya ako sa bachelor’s pad niya. Inaayos na namin ang mga gamit ko nang mapag-usapan namin ang maraming bagay. Nakakapanibago talaga ang kadaldalan niya ngayon. Madalas ko siyang kasa-kasama sa opisina pero ngayon lang siya dumaldal ng todo-todo. Mostly di kasi ng aming napag-uusapan ay tungkol sa aming mga boss, reports at katrabaho. Ngayon kasi; he’s asking me about almost everything.
“What do you want for dinner?” ang tanong niya.
“Anything, hindi naman ako mapili sa pagkain” ang tugon ko. Kinuha niya ang telepono sa side table at tumawag. Nagpadeliver siya ng pagkain mula sa isang malapit na restaurant.
“Palagi ka bang nagpapadeliver ng makakain mo?” ang tanong ko sa kanya.
“Not really.” ang tugon niya.
“So, you cook?” ang follow-up question ko.
“Hindi masyado” ang muli niyang pagtugon. “I only eat salad during breakfast, cafeteria food sa lunch and magtatake-out na lang ako tuwing dinner. During my off, dun lang ako nagluluto; kapag tinamad, delivery or sa labas na lang ako kakain. Ikaw ba, Carlo? Do you cook?”
“Yeah, I do” ang wala kong ganang pagtugon. Naalala ko kasi si Aaron, lalo na si Zed. Sa kanya ko kasi natutuhang magluto. Bago kasi kami nagsama ni Aaron ay nakitira muna ako kay Zed. “I have to”
“Let me guess, because of this Aaron?” ang tanong niya. Napatango lang ako. Ako ang madalas na nasasaktan; napakasubmissive ko kasi. Ako ang martyr. Ako ang dapat binabaril sa luneta.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa trabaho. Nasa lobby na kami nang magpaalam ako sa kanya na daraan muna ako sa HR Office para baguhin ang address ko pagsamantala. Nauna na siya sa department namin. Kaagad din akong lumabas ng HR Office nang makapagpalit ng address sa employee file ko. Nahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na mukha sa lobby. Linapitan niya ako at automatic namang naningkit ang mga mata ko.