Chapter 46

7K 243 13
                                    


 Sobrang naninibago ako ngayon sa aking trabaho. Nasanay ako sa ka-eencode ng kung anu-ano kaya naman para akong baguhan sa trabaho, parating nagtatanong kung paano at anong gagawin. Mula sa paghawak ng mop at kung paano ito gamitin. Nagugulat na lang ako sa pagkakataong napakadaldal ko at dinadaldalan ko ang iba pang empleyado. Marahil sa ganitong paraan ko lang maitatago ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang kailan ba to? Buong buhay na lang ba akong lalaban? Si Matt? Gising na kaya siya? Gusto ko siyang makita pero hindi pwede alam ko ang kayang gawin ni Papa. Si Mama? Nasaan siya? Gusto niya rin ba tong nangyayari sa akin?

"Watch out, you might sweep yourself" ang komento ng isang tinig sa likuran ko. napalingon agad ako.

"Christopher"

"Sir Christopher if you may." ang nakangiti niyang pang-iinis sa akin. "Hindi ka iba sa duming linilinisan mo. Isa ka ring basura"

Dahil sa inis ko sa kanya kaya nagawa kong kunin ang trash bin sa pasilyo at binuhos sa kanya ang laman. "Masyado kang nagmamalinis, bro. Ayan, para naman bumaba rin ang tingin mo sa sarili mo. Hinding-hindi kita tatawaging sir dahil hindi ikaw ang nagdala sa akin dito."

"Fuck you!" ang mura niya bago ako sugurin. Inawat naman siya ng ibang empleyado.

"Halika rito; suntukan gusto mo, halika" ang pang-iinis ko sa kanya.

"Damn you, you fag! Baka naman pag sumuntok ka, nakataas ang isa mong daliri" ang balik niyang pang-iinis sa akin. "Bitiwan niyo ako kundi tatanggalin ko kayo!"

Kaagad namang binitiwan si Tope. Sinugod niya ako. Dumapo agad ang kamao ko sa mukha niyang makalapit sa akin. Sinikmurahan naman niya ako. We ended up brawling and punching each other on the floor. Nagsidatingan ang mga security guard para awatin kaming dalawa. Nagpalitan kami ng mura nang mapaghiwalay kami. Kaagad naman kaming pinatawag sa opisina ni Papa. Nakaupo si Tope sa isang upuan samantalang pinili kong tumayo sa tabi ng pinto. Kumukulo ang dugo sa akin ni Papa; siguradong ako na naman ang pag-tritripan at sisisihin niya sa pananakit sa mahal niyang anak. Ganun naman palagi eh. Kahit nung bata pa kami; ako na lang ang may mali. Mas matanda ako ng isang taon pero bakit ganun na lang?

"Hanggang kailan niyo ako bibigyan ng kahihiyan, ha?" ang bulyaw ni Papa sa aming dalawa. "You two are my biggest disappointment"

"Pa, siya ang nagsimula. Binuhos niya sa akin yung laman ng basurahan"

"Bakit mo naman yun ginawa sa kapatid mo, Carlo? Ganyan ka na ba kabarumbado at nag-aasal kanto ka?"

"Pinagsalitaan nya ako ng masama. Wala naman akong ginagawa"

"At ikaw, ganyan ka na kabastos, Christopher? Kuya mo pa rin yan. It's not right to insult your brother in front of our employees. Paano na lang kung may business partner tayo na naroon. Anong sasabihin nila? Nagpalaki ako ng dalawang anak para magpatayan? Sumasakit ang ulo ko sa inyo."

"Sorry, pa" ang paghingi ng tawad ni Christopher.

"For the mean time, doon ka muna sa isang hotel natin. Para maiwan niyo ang isa't-isa"

"But-"

"I don't accept buts, Christopher!"

Pagkatapos magamot ang aking mga sugat ay bumalik ako sa aking trabaho. Nakagaan sa aking pakiramdam ang suntukan namin ni Christopher. Malas niya dahil sa kanya ko itinuoon ang galit at sama ng loob ko.

Lumipas ang ilang araw ay medyo nasanay na ako sa nature ng bago kong trabaho. Mas nakakapagod ang gawain kaysa sa opisina. Mas lalo kong naiintindihan ang trabaho ng mga empeyado sa hotel namin. Nasa apartment lang ako magdamag nanonood ng kung anu-ano dahil day-off ko ngayon. May nagdoorbell at nagtaka ako. Walang may alam kung saan ako nakatira. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Zed!" ang gulat kong pagsambit ng pangalan niya. "How did you get here?"

"Masyado mo yatang na-enjoy tumira rito at nakalimutan mong rinegalo ko tong apartment na to kaya alam ko" ang pagpapaliwanag niya. "Baka pwede mo akong papasukin?"

"Of course" kaagad ko siyang pinapasok. Naupo kami sa sofa.

'Ano bang nangyayari sayo Carlo?" ang kaagad niyang tanong, ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. "Look at you. You're a mess. Ang laki ng ipinayat mo. You're not texting me kahit isang miscall wala. What's up?"

"It's complicated"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon