Chapter 18

8.3K 291 8
                                    


"Carlo" ang pagtawag niya sa akin bago ako lumabas. Napahinto ako at tumingin sa kanya. "Tabi ka sa akin, ha? Please, ang ginaw eh. Please Carlo"

"Sige" ang pagpayag ko. It's the least that I can do after all what he did for me. Nasa tabi ko siya nung nasa vulnerable state ako; ano man lang yung suklian ko yung pabor. Dumeretso ako ng kusina at naghapunan kasama ang mag-asawang kanina pa ako hinihintay. Nagpaalam sila pagkatapos ng hapunan at nagpasalamat naman ako sa tulong nila. Pagkatapos makapaghugas ng pinagkainan ay naghanda ako sa pagtulog. Tumabi ako kay Matt; tulad pa rin ng dati ay may nakagitnang unan sa amin. naiilang kasi ako para sa kanya; awkward kasi. He's straight; I'm not. Nagulat ako nang tanggalin niya ang unan at mas lalong lumapit sa akin.

"What's with the pillow?" ang tanong niya. "Dugyutin ba itsura ko?"

"Matulog ka na, Matt. Kung anu-anong naiisip mo"

Napangiti siya at kaagad yumakap sa akin. Hinayaan ko na lang siya.

"Good night, Carlo. Sweet dreams" ang bati niya sa akin bago niya pinikit ang kanyang mga mata.

"Good nyt too, Matt" ang tugon ko. Dahil siguro sa sakit niya kaya kaagad siyang nakatulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya; hindi nagtagal ay nakatulog na rin ako.

Tulad ng nakasanayan ay nagising ako sa tamang oras. Pagdilat na pagdilat ko ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang mukha ni Matt na ilang pulgada na lang ang layo sa akin. Mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin, ako man rin ay nakayakap na sa kanya. Pinagmasdan ko muli ang kabuuan ng kanyang mukha: thick eyebrows, long eyelashes, matangos na ilong, pinkish lips, big ears and black brown hair.

Bumaba ako ng kama at nag-inat. Pagkatapos ay ginawa ko ang aking nakaugaliang morning rituals. Kinuha ko na rin ang temperatura ni Matt; wala na siyang lagnat but he needs to rest more. Muli ko siyang binilin sa mag-asawang Ledesma bago ako pumasok ng opisina.

Pinatawag kami sa conference roon nung umagang yun para sa isang employee meeting. Magkakaroon daw kami ng seminar-training sa susunod na linggo. Nakaset na ang date pero wala pang venue. Hindi talaga ako sanay na wala si Matt sa desk niya, lalo na ang hindi siya kasama sa mga break time ko; naging parte na siya ng sistema ng buhay trabaho ko. Tulad pa rin kahapon ay nahot seat ako ng mga kaopisina ko patungkol as usual kay Mateo "Matt" Rivera.

"Carlo, pwedeng humingi ng favor?" si Sandra.

"Basta hindi tungkol sa pera; I'm broke too" ang tugon ko.

"Of course not! Since ayaw mo namang ibigay yung address ni Matt, may ipapabigay lang ako" ang pagpapaliwanag niya.

"If I know, gusto lang solohin ni Carlo si Matt" ang singit ni Erika.

"Asus, bitter; halikan kita riyan eh!" ang banat ko sa kanya.

"Si Carlo, pumaparaan. Ligawan mo na kasi" si Daniel.

"No thanks." ang tugon ko. "Hindi pa bumababa ang standards ko sa mga babae"

My officemates jeered when I said that. Namula naman si Erika at biglaang napatayo.

"Hoy, Carlo Torres! Ang ganda ko kaya at ang sexy pa!" si Erika sabay pose ng mala modelo niyang pigura.

"Pwede na rin" ang komento ko; umaarteng walang interes sa pinakita ni Erika. Natawa naman lahat maliban

na lang kay Erika. Napaupo siya at sinabihan ako ng "feeling". "Anyways, ano nga pala yung ibibigay mo kay Matt?"

"Nagbake kasi ako kagabi ng cake para sa kanya" ang tugon ni Sandra.

"Hindi ako papayag na wala akong maibibigay kay Matt ko" ang singit ni Erika.

"Ako rin. Correction girls; Matt ko" si Cheska. Napailing na lang ako sa pagka-ilusyonada ng mga to. Isa-isang

nagsitayuan ang walong babae sa table namin at lumabas ng cafeteria.

"Ano bang meron sa Mateo Rivera na yun?" ang tanong ni Daniel. Nagsimulang mag-usap ang mga officemate kong lalake tungkol kay Matt. Lumabas din ako ng cafeteria dahil wala akong interes sa panlalait at pagpapakabitter ng mga officemates ko. Ano nga bang meron kay Matt? Matt is everything a person could ever ask for. Masuwerte si Trisha sa kanya. If ever I fall in love again; sana sa katulad ni Matt na lang ako mapunta.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon