Chapter 22

8.1K 292 7
                                    


Sampung minuto kaming naroon. Hinintay niya ako hanggang sa nagsawa ako sa kaiiyak.

"Uwi na tayo" si Matt.

"Pero may lakad pa tayo,eh."

"Hindi ka naman okay. Postpone na lang natin"

ang suhestyon niya.

"Hindi. I need this. Tsaka, they are looking forward for this night."

"Sure ka?"

"Oo. Salamat, Matt-matt"

"Pero"

"Matt, tara na. Baka hinihintay na nila tayo"

ang pagpilit ko sa kanya sabay tayo. Nagsimula akong maglakad papuntang lobby. Sinundan niya ako at inakbayan nang makahabol.

"Carlo, basta narito lang ako para sa'yo"

"Thank you, Matt"

ang tugon ko. Nasa lobby na nga ang mga officemate namin.

"Oh, saan kayo galing?" ang tanong ni Sandra.

"Wala, nagmoment lang kami sandali ni Matt-matt" ang tugon ko. "Ang tagal niyo kasi"

"So, saan ng pala tayo maghahang-out?"

si Sandra pa rin.

"Sa alam kong music lounge. Okay lang ba sa inyo ang live band?" si Matt.

"Oo naman, basta ikaw" ang malanding tugon ni Sandra.

"Let's go!" ang aya ni Matt with his flashing smile.

Maganda naman ang music lounge na pinagdalhan sa amin ni Matt. Nakaupo na kami at umoorder habang last set na ng unang banda. Nakaakbay lang si Matt at panay ng tanong ng "Caloy, okay ka lang?" Tanging pagtango o pagngiti lang ang binibigay kong tugon.

"Sa mga bagong dating, salamat sa pagpunta niyo rito sa Red's Music lounge" ang pagbati sa amin ng babaeng bokalista. "Kami nga pala ang "The Far Side". For our next song, dedicated to sa mga in-love"

Tumugtog ang banda at sinimulan ng bokalista ang pagkanta ng sarili nilang version ng Till They Take My Heart Away by Kyla. Nakatuon lang ang aking atensyon sa banda at sa beer na iniinom ko samantalang nakikipagkwentuhan naman si Matt sa iba pa naming kasama. Kaagad naman kaming na-hot seat ni Matt.

"If walang complications; I mean kung bisexual ka rin Matt and your single; may chance bang maging kayo ni Carlo?" ang tanong ni Daniel.

"Why not? Madali namang mahalin si Carlo." ang tugon ni Matt. Naiilang na naman ako sa ganung mga tanong nila. Halos lahat na lang kasi ng kaclose ko; nagdaan sa mga ganyang katanungan: si Zed, si Aaron atbp. "He's a nice guy."

"Eh, ikaw Carlo? If you're not heart-broken and moving on; may chance ba?"

"M-matt is someone you could ever ask for. Wala ka nang mahihiling pa. Kung iba lang ang sitwasyon. If we are just in the same boat. I'll allow mysef to fall in love with him. Pero alam naman nating lahat na hindi pwede"

ang pagpapaliwanag ko. Batid ko namang naiintindihan nila ang ibig kong sabihin.

"Anyways, paano ka nga pala napunta kay Matt?" si Erika. Naikwento ko ang nangyari sa amin ni Aaron at Zed hanggang sa paghingi ko ng tulong kay Matt.

"So, do you sleep together?" ang tanong ni Sandra.

"Of course not!" ang kaagad kong pagsagot. "Palitan kami sa kama. Ganun yung set-up. MWF: sa kanya. TThS: sa akin. we alternately sleep on the sofa too."

"Magkatabi kami ni Carlo sa kama tuwing Sunday"

ang anunsyo ni Matt.

"Really?" si Erika.

"Yeah, but I always place a pillow in between us. I value his space. Tsaka, hindi ako oportunista" ang pagpapaliwanag ko. Obvious ang pagkailang at pagiging defensive ko sa issue. Matamis namang nakangiti si Matt.

"You're really enjoying this" ang naiinis kong komento.

"Enjoying what?" ang painosente niyang tanong.

"Me being defensive"

"And guys, I forgot to say"

si Matt sa mga kasama namin. "Sabay kaming naliligo, he kisses me good night and he often holds my hand when we watch TV."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.

"That is not true" ang malakas kong nasabi. Lahat sila ay napatingin sa akin. "Matt, sabihin mo sa kanila na hindi yun totoo. You're just kidding. Come on, tell them!"

"Yeah, did I already said that sinusubuan niya ako tuwing dinner with candles sa dining table na siya ang nagprepare"

"Gago ka talaga, Mateo!"

ang naiinis kong pagmumura sa kanya.

"Carlo" ang malambing niyang tawag sa akin. "Huwag ka nang mahiya. Kanina pa tayo naghoholding hands."

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon