"Explain" ang utos ko sa kanya.
"Well, alam mo bang the darkest part of the day is the moment before the sun rises. Kaya yun yung title. Just like the fishermen, madaling-araw pa lang naghahanda na sila. The light symbolizes hope and when the sun shines yung mga huli nila symbolizes happiness. Nagtyaga sila kaya they earn happiness at the end of the day"
"That's nice. I don't like this painting; i love it" ang sunod kong nasabi. Maganda ang pagpapaliwanag niya sa napili niyang titulo. He's really smart; plus pogi points. Pagkatapos kong palitan ang mga painting ay nakaupo kaming dalawa sa sofa at nakatitig sa painting niya.
"Do you really like them?" ang tanong niya sa akin.
"I really do. Magaling kang visual artist" ang pagpuri ko sa kakayahan niya. "Sayang naman yang talent at mga art materials mo kung itatago mo lang."
"Matagal ko nang itinigil ang pagpipinta"
"Then, continue"
"Wala na akong gana. Hindi ko na maibabalik pa yung passion ko sa pagpipinta."
"You know what?" ang retorikal kong tanong sa kanya. "May matalinong taong nagpayo sa akin na life is too short. Maybe, it's not trying to fix what is broken. It's all about creating something better. What i'm trying to say is maghanap ka ng bagong rason para magpinta."
"Sige, I'll follow the man who said that. Guwapo ba?"
"UUuh,, Oo sabi niya"
"Hot?"
"Oo, may pagka-narcissist kasi"
"Type mo?"
"Pwede na rin."
Nagsimula na naman kami sa pag-aasaran nang may nagdoorbell. Kaagad naman akong tumayo at binuksan ang pinto. Napanganga at natameme ako sa aking nakita. Ilang segundo ang lumipas bago nagbalik ang aking katinuan.
"Paano ka napunta rito?" ang seryoso kong tanong.
"Hindi na yun importante. I'm here to take you with me" ang tugon niya.
"Aaron, huwag na nating pahirapan ang isa't-isa. Just let me go. Okay na ako. Si Zed, siya ang karapat-dapat sa'yo"
"Carlo, please. Huwag mong sabihin yan. Nagsisisi na ako. Sorry na":
"Sana ganun lang yun kadali, Aaron. How could I trust you again? Oo, andun na tayo, may kasalanan ako. Alam nating dalawa na hindi lang si Zed ang ginamit mo para saktan ako. At hindi ako tanga, mahal mo rin si Zed, hindi mo siya gagawing kabit ng walong buwan para lang paglaruan ako. Paulit-ulit kitang pinagbibigyan sa pagiging unfaithful mo samantalang ako; minsan lang ako nagkamali; daig ko pa ang pumatay ng tao na pinaparusahan mo. Too much is too much, Aaron"
"May iba na ba sa buhay mo?" ang seryoso niyang tanong sa akin. "May iba ka na bang mahal? Does he make you happy? If not then, I wont stop until I'm assured that masaya ka at okay ka"
"If that's the case, you could stop bothering Carlo" ang singit ni Matt na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala at nakikinig sa aming usapan.
"Sino ka ba?" ang maangas na tanong ni Aaron kay Matt.
"Huwag mo nang itanong ang obvious" ang pilosopong tugon ni Matt sa kanya. "We live in the same roof, we sleep in the same bed. Sino ako? Boyfriend niya ako."
Napa-iling ako at napabukaka ng bunganga sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya yun para lang tulungan ako kay Aaron. Then, Matt reached for my hand. Pinapunta niya ako sa likod niya para lubusang maharap si Aaron. Nanliit ako sa katangkaran ng dalawa. Nakakatakot dahil kapag nagbayangan sila; wala akong magawa dahil sa mas maliit ako sa dalawa.
"Mateo Rivera!" ang sigaw ng isang pamilyar na tinig. Hindi ako nagkakamali. Lagot! "You're so gay!!"
