Chapter 28

7.7K 271 2
                                    


 "Ang gwapo nga eh." ang depensa niya. "Sana noon mo pa pinagupit yang buhok mo. Ang linis mong tignan."

"Ah, may nag-advice lang sa akin" ang pagpapaliwanag ko.

"Kung sino man yan; salamat sa kanya. Nadagdagan na ang pwedeng titigan sa department natin." ang biro niya. "Haircut lang pala ang solusyon sa'yo. Nga pala baka naman si Matt ang nagsuggest nan"

"Hindi, si Crazy4¬¬Ü" ang pagtatama ko. "Speaking of Matt. Nasa department na ba natin siya?"

"Oo, kanina pa. Himala nga eh. Hindi kayo nagsabay."

"Yeah, bad mood siya since kahapon. Hindi nga ako pinapansin"

"Nag-aaway ba kayo?"

"Hindi naman. Hindi ko nga alam kung anong problema. Kagabi nga nasungitan pa ako"

"Kausapin mo na lang, Carlo para maliwanagan ka."

"Tsaka na lang. Timing muna baka sapakin ako eh. Mahirap na." ang huling nasabi ko bago kami pumasok ng aming department at nagtungo sa aming kanya-kanayang desk. Nakaani naman ang bago kong hairstyle ng papuri. Maikli na ngayon at malinis tignan. Hindi ko pinansin si Matt na as usual busy na naman sa ka-eencode ng report niya. Sinubukan ko sa abot ng aking makakaya ang hindi sumulyap sa kanya. Wala na rin ako sa mood. Hindi kami nagsabay sa coffee break. Mag-isa kong kumain ng lunch sa isang banda sa cafeteria samantalang wala si Matt; hindi ako interisado kung saan siya kumain, hindi naman niya ako sekretarya para alamin kung nasaan siya. Pagsapit ng gabi ay nauna akong natapos as usual sa aking trabaho. Lumapit ako sa desk kay Matt. Masama pa rin ang timpla ng mood ko.

"Sasabay ka bang umuwi o mauuna na ako?" ang tanong ko sa kanya.

"Mauna ka na. Hindi ako magdidinner sa apartment" ang tugon niya.

"Okay. Hindi rin ako magdidinner sa apartment. Dadaan ako kay Zed" ang pag-iinform ko sa kanya. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Tumalikod na ako at umalis. Kumuha ako ng taxi at pumunta sa cafe ni Zed. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Carlo? This is unexpected" ang nasabi niya nang salabungin niya ako.

"Zed, mainit ang ulo ko; gusto ko ng frappe mo" ang sinabi ko sabay pasok sa opisina niya at upo sa sofa. Sumunod naman si Zed, nagtataka.

"Oh, bakit mainit ulo mo?" ang tanong niya sa akin.

"Wala lang ako sa mood"

"Umatake na naman yang mood swings mo, Mr. Torres?"

"Ewan. Anyways, si Aaron? Kamusta siya?"

"Ganun pa rin. Nagkukulong sa kwarto, pero time to time ko siyang chinecheck, baka kasi you know. He confronted you last night, right?"

"Yeah, Zed. Tanggap ko na naman ang lahat; wala na akong magagawa."

"Sorry, Carlo. Kasalanan ko ang lahat ng ito"

"Hindi lang naman ikaw ang may nagawang mali. Si Aaron, sa tingin mo ba, ginawa niya yun para makaganti lang sa akin dahil sa nagawa ko? I don't think so. Alam ko naman na hanggang ngayon may feelings pa siya sayo. Ako, I was never good enough for anybody. Kay Mama, kay Papa, kay Tope, kay Aaron at sa'yo."

"I hate you" ang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Bakit ganyan ka, Carlo? Bakit mo tinutulak papalayo si Aaron? Ikaw ang mahal niya at hindi ako. "

"Minsan, kahit mahal niyo ang isa't-isa kung hindi kayo ang para sa isa't-isa; wala talaga."

"That's one of the crappiest crap that I ever heard. Hindi ganun yun, Carlo. Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. At kung mahal niyo talaga ang isa't-isa you would do anything and endure everything.

"Tama ka. Pero I endured too long; Zed alam mo yan. Hindi naman ikaw ang unang taong ginamit niya para saktan ako. Paulit-ulit ko siyang pinapatawad dahil mahal ko siya. We're both aware na he's a player.Tama na, pagod na ako. He deserves better."

"Better? Si Carlo Torres ka. Carlo Torres na_"

"Hindi na ako yun, Zed. Look at me now. I'm homeless and I'm a great disappoinment"

"Only because you decided to be one. Bakit ka magtitiis kung kaya mo namang kunin ang para sa'yo"

"Hindi ako kasing tapang mo, Zed and that's one thing why I'm so insecure with you. Kaya mo eh"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon