Chapter 6

12.5K 410 12
                                    

Carlo_Torres: Stop this! You’re creeping the hell out of me. Maghanap ka ng ibang maloloko.

Crazy4Ü: Hindi kita niloloko at hinding-hindi kita lolokohin.

Carlo_Torres: Kung ganun; magpakilala ka.

Crazy4Ü: I can’t

Carlo_Torres: And why not?

Crazy4Ü: How could I be your secret admirer if you know me? TRUST me. Matagal na kitang pinagmamasdan  

Carlo_Torres: Really?

Crazy4Ü: Yeah, catch me. Hanapin mo ako.

Carlo_Torres: Clue?

                Hindi na siya nagreply. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin. Isasara ko na sana ang aking IM nang may dumapong papel na eroplano sa desk ko. Pinulot ko yun at binuklat. Isang litrato ng tribal sun design.

Crazy4Ü: That’s my one and only clue.

                “You got to be kidding me” ang malakas na bulong ko sa aking sarili.

                “Relax, Carlo” ang komento ni Matt na nasa tabi na pala ng desk ko. Sinara ko ang aking IM at tinitigan siya. “Tara sa coffee station”

 

                “Sige” tumayo ako at kaagad naman kaming nagtungo sa coffee station na halos katabi lang ng mga desk. Mula roon ay makikita ang iba pang empleyado sa salamin na nagsisilbing division ng department namin at ng coffee station.

                “Are you alright?” ang tanong niya sa akin nang makapwesto kami sa matangkad na mesa at stool.

                “Not really” ang sagot ko. “Zed confronted me kanina sa lobby”

 

                “Anong sinabi?” ang tanong niya ulit pagkatapos ay hinipan ang kape sa styrocup bago humigop. Napabuntong-hininga muna ako.

                “Gustong makipag-ayos” ang tugon ko. ”Pero hindi naman yun kadali, eh. Hindi naman simpleng bagay yung pinag-awayan namin.”

 

                “So, hindi mo na siya mapapatawad?”

 

                “Hindi ko pa alam. Parang kapatid ko na kasi si Zed. Someday, mapapatawad ko rin siya. Kung kelang masasabi kong okay na ako.”

 

                “How about that Aaron? Mahal mo pa ba siya”

 

                “Magiging sinungaling ako kapag sinabi kong hindi na. Mahal na mahal ko pa rin siya.”

 

                “So, that means na babalikan mo siya if ever he’ll ask you to?”

 

                “Hindi naman ako ganun katanga, Matt. Mas magiging okay ang lahat kung magiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Sa tagal ng pinagsamahan namin. Sa tuwing magkakamali ako; palagi niya na lang sinusumbat sa akin yung nagawa kong kasalanan sa kanya” ang pagpapaliwanag ko kung bakit ayaw ko nang balikan pa si Aaron. Nagsawa na ako sa ganung set-up namin. Marami pang dahilan kung bakit hindi na pwede.

                “Ano ba yung nagawa mong kasalanan?” ang sunod niyang tanong. Pinagmasdan ko ang mga officemate namin. “Sorry, tanong ako ng tanong”

 

                “I slept with another person habang kami pa” ang tugon ko sa katanungan niya.  Napahinto siya sa pag-inom ng kape at napatingin sa akin. Linapag niya ang styrocup sa mesa. “Pero minsan lang yun,  I was drunk. Aaminin ko; I’m physically attracted to that person pero mahal na mahal ko si Aaron. Pinagsisihan ko yun ng sobra pa sa sobra. Nagpakababa ako ng husto para mapatawad niya ako. Valid reason ba yung nagawa ko para lokohin  niya ako ng ganun katagal?”

 

                “I don’t think so” ang hindi sigurado niyang pagtugon. “For me, past is past. Hindi na kailangan pang gawing issue ang nagawa at natapos na. Pinasisihan mo naman yun eh and aware ka namang may nagawa kang mali.”

 

                “Three years, Matt. Ganun kami katagal. Minsan, hindi ko maiwasang isipin na naging panakip-butas lang ako ni Aaron kay Zed.”

 

                “What do you mean, Carlo?”

               

                “Naging sila bago naging kami ni Aaron” ang pagpapaliwanag ko. “Alam ko at nararamdaman ko na hanggang ngayon; mahal pa rin ni Zed si Aaron. Hindi ko rin maiwasang isipin na naging mang-aagaw ako”

 

                “Hey, hindi ko man alam ang buong kwento; I’m sure you’re more than that” ang singit niya. Napangiti naman ako sa narinig.

                “Thanks, Mateo Rivera. This is the first time that we talked something else.”

 

                “I know. Kailangan mo kasi ng makaka-usap.Anyways, I know this might sound silly but why don’t you open your door to those who are interested with you. Alam kong heart-broken ka and everything pero kailangan mo ng inspirasyon.”

 

                “Di bale na; meron ka naman eh” ang biro ko sa kanya. Natawa siya sa sinabi ko.

                “Naks, now I’m really convinced”

 

                “Na ano?”

 

                “Na ako ang Ultimate Crush mo” ang nakangiti niyang tugon. “Everyone does”

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon