I smirked when I heard that at napaikot ang mga mata ko. Gustong-gusto ko siyang sumbatan at awayin pero wala kami sa tamang lugar at hindi ko ugali ang mag-eskandalo. Kahit paano ay may breeding ako.
“Magkakilala kayo?” ang curious na tanong ni Trisha.
“You gotta be kidding me, Trisha” si Zed. “This man here is my one and only bestpal. No; we’re more than that. We’re brothers”
“Carlo, is that true?” si Trisha. Malamang hindi siya makapaniwala na ang isang katulad ko ay may bestfriend na well-established businessman na katulad ni Zed. Sino ba kasi ako? Isa lang naman akong ordinaryong empleyado sa isang kumpanya.
“As far as I can remember; we were a few months ago” ang tugon ko. Napakunot ang noo niya; hindi siguro naintindihan ang ibig kong sabihin.
“You see, Carlo and I are really in bad terms right now” ang pagpapaliwanag ni Zed. “And I know it’s my fault”
“Buti alam mo” ang sigaw ng isip ko. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga nagdaraan na sasakyan sa highway.
“I know this is really awkward but...” si Trisha. “I really would like you to join us”
“Sorry, Trisha; I really have-“
“Maupo ka na” ang utos ko sa kanya. “Alam kong wala kang ginagawa sa opisina mo kundi maglaro ng cybergames. May pagkatamad ka kaya alam ko ring ipapagawa mo sa Manager in charge yung trabaho mo”
Napangiti siya sa mga sinabi ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may ngiti sa mukha niya. Nakalimutan niya bang magka-away pa rin kami hanggang ngayon? Naupo siya sa tabi ko.
“Madalas ikaw ang kasama ko. Remember the times na bago ka umuwi sa inyo pagkatapos ng trabaho; dumadaan ka muna rito” ang pagmumuni ni Zed.
“Yeah, and I always end up doing your work while you play Farmville and Cafe World in your Facebook account” ang pagpapatuloy ko. “At pinipilit mo pang magsign-in ako sa account ko para lang i-accept yung mga request mo”
“Pero may kapalit naman yun,eh” si Zed. “Bottomless Seventh Heaven and Unlimited Brioche or...uhh...”
“Croissants” ang salo ko. “But I prefer the Brioches more”
“I miss those times” ang huling sinabi ni Zed bago ko linantakan ang inorder kong pagkain. Kung tutuusin ay namiss ko rin siya. Hindi ko ginusto ang mga pangyayari. Nakakapanghinayang talaga. Pinahalagahan ko si Zedidiah Santos; di lang ang mala-extraterrestrial niyang pangalan kundi ang pinagsamahan namin. Nagsimulang magkwentuhan ang tatlo samantalang nakaconcentrate pa rin ako sa linalantakan kong pasta dish.
“Carlo, I want to tell you something” si Zed. napatingin ako sa kanya kahit na hindi pa ako handang makinig sa mga sasabihin niya. “It’s Aaron, he’s been drinking-“
“Zed, stop” ang paki-usap ko.
“He’s desperate to-“
“Zed, I told you to stop” dinampot ko ang isang piraso ng garlic bread sa plato ko at sinaksak sa bunganga niya para lang mahinto siya sa kakakwento ng anu mang may kinalaman kay Aaron. Hindi alam ni Trisha na silahis ako at baka makasira pa yun sa relasyon nila ni Matt kung sakaling malaman niya at wala na talaga akong matutuluyan. Nanlaki ang mga mata ni Trisha at Matt sa nasaksihan. Napatango si Zed. Kumagat siya sa garlic bread at ngumuya. Muli kong binaling ang aking atensyon sa pagkain. “Pwede bang mamaya na nating pag-usapan sa opisina mo ang tungkol kay Aaron?”
“Really? Mag-uusap tayo?”ang enthusiastic na tanong niya sa akin. Napapangiti si Trisha samantalang seryoso lang si Matt as usual. Tumango na lang ako bilang tugon. Wala sa plano ko ang kausapin siya. Wala naman akong pakialam kay Aaron. Ayoko siyang makita; baka umandar na naman ang katangahan ko kapag nagmakaawa na naman siya sa akin with his matching pagpapacute. Hindi ko pa rin maaalis sa aking sistema ang gustuhin na maibalik ang dati. Pinagpatuloy namin ang pakikipagkwentuhan; though hindi naman ako masyadong nakikipag-interact. Si Zed at Trisha lang ang madalas nagtatanong at nagkwekwento ng kung ano-ano. Madalas kong nahuhuli si Matt na nakamasid sa akin. Sa ganung mga pagkakataon ay nginingitian ko siya. Nabawasan ana ng awkward aura sa table namin. Hindi nagtagal ay nagsawa rin si Zed at Trisha sa pakikipagkwentuhan. Tumayo si Zed at inayos ang sarili. Napatikhim siya