Chapter 31

7.5K 284 2
                                    

Pinagsaluhan namin ang cake at mga sari-saring pagkain na hinanda ng cafe para sa akin. Pagkatapos nun ay bitbit ko ang aso kasama ang isang box ng blueberry cheese cake na binigay ni Zed sa akin. Dumeretso ako sa apartment ni Matt. Sana lang ay hindi siya magalit sa akin at hindi siya allergic sa kung ano mang hayop. Linalaro ko ang tuta maghapon habang hinihintay ang pag-uwi ni Matt. Nakapagpasya na ako; lilipat na ako sa apartment na regalo sa akin ni Zed. Linalantakan ko ang isang slice ng cake nang nakareceive ako ng text message mula sa boss ko sa opisina. Hindi ko na tinuloy ang pagkain at kaagad naman akong nag-ayos at umalis ng apartment papuntang opisina. 8pm na. paniguradong hinihintay na ako sa department namin. Nasa elevator na ako nang tumawag ang isa kong kaopisina at tinanong kung nasaan na ako dahil kanina pa raw ako hinihintay.

"Nasa elevator na. Papunta na ako.Pasensiya na traffic eh" kinabahan ako sa boss ko. Ayaw kong mabahiran ang malinis kong record sa opisina namin. Pagkabukas ng pagkabukas ng elevator ay nakarinig ako ng dalawang malalakas na ingay kasunod ng pagpuno ng makukulay na papel sa elevator na waring ulan sa paghulog sa sari-saring bahagi ng aking katawan. Napanganga at nagulat ako sa nakita. Dahan-dahan akong lumabas ng elevator; pilit na iniintindi ang nangyayari sa opisina.

"Happy Birthday!" ang sigaw ng colleagues ko na nagpahinto sa akin sa paglakad. Napatitig lang ako sa kanila at natulala. Anong meron? Kaagad namang lumapit sa akin sila Sandra at hinila ako papuntang conference area. Bumungad sa akin ang sari-saring pagkain at ang napakalaking banner na nakasulat ay "HAPPY BIRTHDAY, CARLO TORRES!"

"Surprised?" ang tanong ni Sandra. I'm speechless kaya napatango na lang ako. Isa-isa akong linapitan ng mga katrabaho ko at binati. Lubos ang pasasalamat ko sa surprise party nila para sa akin.

"Kailangan mo na siyang kausapin, now is the right time" ang suhestyon ni Sandra. Sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya. Nakita ko si Matt na naka-upo sa isang banda at nakamasid lang sa akin. Napatango ako at mabagal na pumunta sa kinalalagyan niya. Nagtitigan kami at naghintayan kung sino ang unang magsasalita.

"Uhh, Matt" ang pagsisimula ko. "Alam kong hindi ito ng pinakamagandang oras pero gusto kong maka-usap ka."

"Sige. Tara sa parking space." ang yaya niya sabay tayo. Sinundan ko siya patungo sa elevator. Hindi pa rin kami nag-uusap kahit kaming dalawa lang ang naroon.

"Matt, galit ka ba sa akin?" ang tanong ko sa kanya. Pinanood namin ang pagbubukas ng pinto ng elevator bago kami lumabas.

"Ano sa tingin mo?" ang tanong niya pabalik.

"Ewan. Hindi ko alam. Siguro. Oo"

"Paano mo nasabi?"

"Napaka-cold mo sa akin kasi nung nakaraang araw. Tipid mga sagot mo kapag kinaka-usap kita. Hindi tayo nag-uusap. Hindi na tayo nagsasabay tuwing break. Mas nauuna kang umalis ng apartment and late ka na kung umuwi. Nagsawa ka na rin ba sa akin?"

Hindi siya umimik ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad patungo sa parking space. Sumakay siya sa kanyang kotse at pinasakay din ako. Tahimik pa rin siya samantalang napabuntong-hininga ako.

"If that's the case then" ang pagpapatuloy ko sa aking monologue. "I guess I better be going. Hahanap na lang ako ng ibang mapupuntahan-"

"What are you saying?" ang pagdidistract niya sa akin.

"All I'm saying is I'm leaving" ang simple kong pagpapaliwanag.

"After all, iiwan mo ako; iiwan mo yung pinagsamahan natin? This is what I get from organizing your birthday party?"ang sunod-sunod na tanong niya. Ramdam ko ang sakit sa mga tanong na yun. Nanlaki ang mata ko sa huli niyang tanong.

"Ikaw ang may pakulo nun?"

"Sino pa ba? Eh, ako lang naman ang bestffriend mo sa department natin. Look, I'm sorry kung nasaktan kita sa mga nagawa ko. But I just did that to surprise you in your birthday; ako pa pala ang masusurprise. Iiwan mo na ako" nagulat ako sa aking nalaman.

"Mateo Rivera" ang seryoso kong pagsambit ng pangalan niya. "You have a lot of explaining to do"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon