"Uhmm. masyado pong elegante yung dating. I mean the persona used is overrated. Though I understand na yung aim ng campaign is to make the guest feel na first class ang service ng hotel; nagmumukha pong para lang sa may kaya ang service ng hotel."
"So, ano sa tingin mo ang dapat na campaign?"
" I guess it would be better kung ipapakita ng hotel na kahit sino ka, first class ang ibibigay na service sa'yo. A home away from home. Yung tipong wala ka sa inyo pero ang pakiramdam mo nasa bahay ka lang kapag narito ka. "
"I see. Makes sense"
Pagkatapos ng biglaang lunch date ay pinagpatuloy ko ang trabaho. Maagang natapos ang shift ko ngayon dahil maaga akong pumasok. Nasa taxi na ako nang madaanan ang isang pamilyar na lugar. Kaagad ko namang pinatabi ang taxi at bumababa ako. Napatitig ako sa malaking building. Ang dati kong work place. Pumasok ako at nagtungo sa dati kong department. Ganun pa rin ang itsura. Pumwesto ako sa bandang hindi nila ako mapapansin. May iba nang nagtratrabaho sa desk ko. Ginala ko ang tingin ko. Si Matt! Okay siya! Napangiti ako nang makita siyang seryosong nagtratrabaho. Ang gwapo niya pa rin. Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Pinagmasdan ko lang siya. Nag-inat tapos tumayo. Sinalubong siya ni Erika. He placed his arms on her shoulders while smiling sweetly. Nasaktan ako sa aking nakita at hindi na napigilan ang mga luha sa aking mga mata. Ako na lang ang naiwang nasasaktan. Ako lang at ako lang. Ganun ba talaga ako kadaling palitan at kalimutan? Bumaba ako agad gamit ang hagdan; ayaw kong magharap kami dahil parte yun kasunduan namin ni Papa at dahil na rin sa aking nakita. Nasa lobby na ako nang may tumawag sa pangalan ko. Napahinto ako at napalingon. Si Matt at si Erika; gulat na nakatingin sa akin. I just walked away. Kaagad akong sumakay ng taxi at umuwi ng apartment.
Pagkapasok ko ng apartment ay dumeretso ako sa restroom. I turned the shower on and without stripping my clothes; I placed my self on the pouring water. Iniyak ko ang sakit na nararamdaman ko. Napasuntok ako sa salaming nasa harap ko. Nabasag ito at nagdugo ang kamao ko. Naghalo ang tubig, dugo at luha sa tiles ng banyo. I turned off the shower when someone is hitting the doorbell. Lumabas ako ng banyo. Water and blood are dripping from my body. Binuksan ko ang pinto. It's not Zed; it's; it's Sandra? Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kalagayan ko.
"Oh, my God! Carlo, anong ginawa mo?" ang nag-aalala niyang tanong sa akin habang papasok ng apartment. She followed the trace of blood. Pumasok siya ng banyo at kaagad ding lumabas.
"I-i saw Matt and Erika together" ang balita ko.
"I know. Mamaya na natin pag-usapan yan. Magbihis ka na!" ang utos niya sa akin habang tinutulak ako papasok ng kuwarto. Nagpalit naman ako at nagpatuyo ng katawan. Hindi pa rin tumitigil sa pagdugo ang kamao ko. Lumabas ako ng kuwarto at naupo sa sofa. nakahanda na roon ang first aid kit. Kinuha naman ni Sandra ang kamay ko at sinimulang gamutin.
"Paano ka napunta rito?" ang tanong ko.
"Sinundan kita, ano pa nga ba?"
"Mukhang masaya si Matt kay Erika. Okay lang sa akin pero bakit so soon? Ganun ba ako kadaling kalimutan at ipagpalit? Hindi niya ba ako mahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya?"
"First of all, hindi ko alam at walang may alam kung official sila. Issue yun sa opisina dahil kayo ni Matt. Tanong sila ng tanong kung anong nangyari sa'yo at bigla kang nawala sa opisina. Matt is so devastated nung iniwan mo siya. Masakit sa kanya yun. Nakokonsensiya ako dahil alam ko yung dahilan pero hindi ko masabi-sabi nga dahil yun sa paki-usap mo. Hinanap ka niya; gusto kong sabihin na nasa Xanadu ka pero dahil nga sa paki-usap mo kaya nanahimik ako."
"Alam ko, mas masakit ang lahat para sa akin"
"Believe it or not, sinundan ka niya kanina pero nakasakay ka na ng taxi. Mabuti na lang pasakay na rin ako ng taxi nang makita kita kaya sinundan kita."