"Oo na, ang laki-laki ng katawan mo, ang dali mong magkasakit. It doesn't mean na healthy ka kahit na hunk ka. You should check on what you eat. Hindi ka nga tataba; hindi ka naman healthy" ang unconscious kong pagiging nutritionist dahil sa pag-aalala sa kanya. Hindi na siya umimik. Kaagad naman akong kumuha ng sweater sa closet at lumabas ng apartment. Dumaan ako ng drugstore at bumili ng mga gamot. Dumaan na rin ako ng convenience at bumili ng mga instant soup. Bago ako pumasok ng apartment ni Matt ay kinausap ko ang katabi naming leaseholder para maya't-maya ay asikasuhin si Matt dahil may trabaho ako. Mabait naman ang mag-asawa at pumayag; kaclose din naman ni Matt ang dalawa kaya hindi na ako nahirapan sa pagkukumbinsi. Sumama na sila sa apartment at nagboluntaryong aasikasuhin si Matt habang naghahanda ako sa para sa opisina. Wala rin naman akong kaalam-alam sa pag-aasikaso sa may sakit.
"Matt, huwag kang pasaway. Humiga ka lang at magpahinga" ang bilin ko sa kanya bago ako siya iniwan. Iniwan ko ang contact number ko sa mag-asawa bago ako tuluyang pumasok ng trabaho.
Nasa desk na ako at ginagawa ang aking usual report nang maalala ko si Matt. Napagpaalam ko na siya sa department head namin.
Ang boring ng araw ko ngayon dahil wala akong sinusulyapan habang nagtratrabaho. Hindi pa nagmemessage sa akin si Crazy4Ü kaya mas lalo akong nabagot. Puro numbers pa naman ang nasa report ko kaya halos duguin na ako. Nag-eencode na ako nang nagpop out ang window ng Instant Message ko. Si Crazy4Ü.
Crazy4Ü: Why the sad face?
Carlo_Torres: Just worried.
Crazy4Ü: With what?
Carlo_Torres: With Mateo Rivera. He's sick.
Crazy4Ü: Oh. I'm sick too.
Carlo_Torres: Really? Ano namang sakit mo?
Crazy4Ü: NaloLove sick ako sa'yo.
Carlo_Torres: lolz, banat kung banat.
Crazy4Ü: Sinong napupusuhan mo ngayon?
Carlo_Torres: Wala. Nagmomove-on pa lang ako from my past relationship.
Crazy4Ü: Oops, my bad. Pero at least pwede na kitang pormahan.
Carlo_Torres: Why the secrecy? Kung pwede ka namang magpakilala ng pormal.
Crazy4Ü: Darating din tayo diyan. For now, let's enjoy each other. So, any progress in finding me?
Carlo_Torres: Wala pa. I really can't find that sun.
Crazy4Ü: Huwag kang maghanap sa malayo; anjan lang ako.
Carlo_Torres: As if naman ganun yun kadali.
Crazy4Ü: Madali lang, believe me. :)
Pinagpatuloy ko ang trabaho pagkatapos makipagchat sa kung sino man si Crazy4Ü. Nakihalubilo na lang ako sa ibang officemate ko nung coffee break at lunch break ko.
"So, what's with you and Matt?" ang pang-iintriga ni Sandra sa amin.
"We're close friends" ang tugon ko.
"Really? Baka naman-"
"May girlfriend siya, he's straight and kagagaling ko lang sa isang relationship. So, hindi pwede. Magbestfriend kami. Everything is just platonic" ang pagpapaliwanag ko. Ayaw kong magawan kami ng issue ni Matt lalo nang alam naman ng mga kaopisina ko ang pagkabading ko. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako nadedescriminate dito dahil sa pagkatao ko.
"Taken na siya?" ang tanong ng mga babae kong kasama; obvious na nadisappoint sa aking balita. Napaikot naman ng mga mata ang mga kasabay kong lalake. Tumango ako bilang pagkumpirma. Mas lalo naman silang napasimangot sa pagtango ko.
"Ano bang nagustuhan niyo kay Mateo?" ang tanong ni Daniel.
"He's so hot and handsome" ang kinikilig na tugon ni Erika.
"Asus, yun lang? I'm hot and handsome too" ang singit ni Jeric.
"So, Carlo; nakatira ka ngayon kay Matt; hindi ba?" si Sandra ulit. Balita nga naman parang hangin, ang bilis kumalat. Muli na lang akong tumango. "Bigay mo naman sa akin yung address niya para mabisita ko minsan"
"Sa akin din" si Erika at ang iba pa.
"Sorry, guys; hindi pwede. Nakikitira lang ako sa kanya. Kung gusto niyong makuha yung address niya; sa kanya niyo mismo kunin" ang pagtanggi ko sa pagbibigay ng address ni Matt. Nakakahiya naman kasi. I know he value his privacy; tsaka may pagkasocial hermit din siya kaya nga ako lang ang kaclose niya sa opisina. Nakaka-usap lang ng mga mahadera kong officemates si Matt kung tungkol lang sa reports o trabaho; mga kaawa-awang desperadang hitad. Buong lunch break nila akong tinatanong tungkol kay Matt.