Chapter 30

7.4K 286 6
                                    

 "Happy Birthday, Carlo" "ang bati ni Zed sa kabilang linya.

"Thanks" ang walang gana kong bati.

"Punta ka rito sa cafe ng bandang 3pm,ha? Para mabigay ko birthday cake at birthday gift ko sa'yo. Please" ang pagmamakaawa ni Zed. Napa-ikot ako ng mga mata at pumayag kahit na pilit. Wala na si Matt sa apartment nang tuluyan akong bumangon para maghanda ng brunch. Natigilan ako sa kusina nang may nakahandang pagkain sa mesa. Hindi ko yun pinansin at naghanda ako ng iba. Nagpalipas-oras ako sa harap ng TV hanggang sa naghanda ako para sa pagpunta ko sa cafe ni Zed.

Tahimik ang paligid ng cafe nang datnan ko; hindi katulad ng madalas na eksena sa ganitong karaniwang araw na maraming customer. Dahan-dahan akong pumasok ng cafe at pilit nakiramdam sa kung sino man ang naroon. Kaagad naman akong sinalubong ng mga cafe staff at magiliw na binati ako; isang ngiti naman ang ginanti ko bilang pasasalamat. "Oh, bakit parang wala kayong customer ngayon?"

"Sir, nagsara muna kami para sa birthday mo" ang tugon ng staff. Inabangan ni Zed ang pagpasok ko sa cafe. Sinimulan namin ang maliit na selebrasyon. Panay ang ngiti ni Zed kapag nagtatama ang mag mata namin.

"Alam kong ayaw mo akong makita sa birthday mo kaya thank you for coming" ang pagsisimula ni Zed.

"Tama ka. Ayaw kitang makita, habol ko lang naman yung pinangako mong Belgian Chocolate Cake na kanina ko pa hinihintay." ang sungit-sungitan ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Sumenyas siya sa staff at pagkatapos ng ilang minuto ay nakaserve na ang isang buong cake.

"Enjoy, sa'yong-sayo lahat nan."

"Magkakadiabetes naman ako nito. So, would you mind if I share this to your staff, Mr. Boss?" ang panunukso ko sa kanya.

"Ikaw bahala. Sa'yo naman yan. Mas big time ka nga sa akin eh"

"May big time bang nakikitira? Malapit na, makukuha ko na yung apartment ko, mga tatlong buwan pang sahod."

Napatikhim siya.

"About that, yung regalo ko nga pala sa'yo" humugot siya ng isang kahon mula sa bulsa ng kanyang coat at linapag sa mesa. Pagkatapos ay tinulak papunta sa harap ko. Dinampot ko yun at sinuri ang halos 2x1 ½ inches na box. Binuksan ko yun at kaagad nasilayan ang isang susi.

'What's this?" ang naguguluhan kong tanong.

"I bought you an apartment.Iba pa sa apartment na gusto mong makuha. Yun sana ang bibilhin ko pero alam kong uunahan ka na naman ng pride mo at pagsasalitahan mo na naman ako ng hindi maganda sa malinis kong intensyon sa'yo. Alam kong hindi pa sapat lahat ng mga ginagawa ko para sa kapatawaran mo but I'll be very much willing to loose half of my life; huwag lang mawala ang kapatid slash bestfriend ko. I just can't imagine me without you."

Naluha ako sa sinabi niya. "Thanks a lot, Zed. Tamang-tama ito. Kailangan ko na ring umalis sa puder ni Matt"

"Oh, bakit naman? Hindi ka ba inaalagan ng karibal ko sa pagiging number one bestfriend mo?"

"Hindi naman sa ganun. Para kasing ang cold niya sa akin nowadays."

"Mamaya na nga ang ganyan. Let's all have the good stuff today. Anyways, darating sana si Aaron ngayon for you but nag-iba yung ihip ng hangin but I have with me his birthday gift." ang pagpapaliwanag ni Zed na nagpahinto sa akin. Sumenyas si Zed at linabas naman ng staff ang isang asul na kahon na may butas-butas; yung tipong nasa pet shop na pinaglalagyan ng mga hayop kapag nabenta. Linapag yun sa tabi ko, napatitig ako kay Zed. "Pwede mong tignan"

Lumuhod ako sa harap ng kahon at binuksan yun. Kaagad namang lumabas ang isang pomerenian na tuta. Ito ang matagal ko nang gustong alagaang breed ng aso.

"Ang sabi ni Aaron, kasama mo sa bago mong apartment para hindi ka lonely"

'Pakisabi sa kanya; maraming salamat"

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon