Binawi ko ang tingin ko at muling pinagmasdan ang bokalista. Marami na rin pala siyang alam tungkol sa akin pati ang mga bagay na hindi ko napapansin tungkol sa aking sarili ay alam niya. Napangiti naman ako sa pag-iisip.
"Guys, pakilala ko na yung makakasama ko ngayon. Actually, kagagaling niya ng Japan, nagpaka Geisha" ang biro ng bokalista. Isang malakas na tawanan ang nagmula sa isang table. "Joke lang, he's my bestfriend. Kagragraduate niya lang; he took his Masters. Four years ding kinukulit ni Sir Red itong tao na to para kumanta lang rito and he finally accepted it. Robi. Come to papa"
May umakyat ng stage. Moreno, hindi ganun katangkaran, chinito pero he's cute and baby face pa.
"Nice" ang komento ni Matt. "Palagi siyang pinapakanta rito. Magaling kasi. Matagal din siyang nawala. Now, that explains it!"
Napatango ako sa kwento ni Matt.
"Hi guys! It's nice to be back!" ang bati ni Robi sa audience slash customers. Sobrang singkit niya ngayon dahil sa pagngiti niya. "Anyways, for my first song as an official Red's Music Lounge Singer. But before that; I'm here nga pala every Friday night. of course always with the "The Heart Line". Going back, for my first song ; it's a request from a customer. Teka, basahin ko yung note. To Carlo Torres"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ko. Napatingin naman sa akin ang mga officemate ko.
"I really can't help falling in love with you" ang pagpapatuloy ng chinitong bokalista sa pagbabasa ng note na para sa akin. "Sana maka move-on ka na and when you are; you could love me too. Sana mahanap mo na ako. I'll meet you soon. From Crazy4Ü"
"Naks, kinikilig naman ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit"
ang komento ng isa pang bokalista. "Pero
mahirap ang mga ganyang taong nagmamahal"
"Huh? Bakit naman?"
ang tanong ni Robi.
"Crazy na nga,nagtatago pa; baka naman Serial Killer yang nainlove kay Carlo Torres na yan" ang pagbibiro ni Mark na nagpatawa sa audience maliban na lang sa akin at as usual; ang kulang sa sense of humor na si Matt. Tama siya; hindi ko kilala si Crazy4Ü at baka isa lang siyang nakadrugs na manloloko.
"Hindi
naman siguro"
ang depensa ni Robi. "This person is crazy in love with this Carlo Torres and I believe may rason siya para magtago. At tsaka, fresh from the past relationship pa ata itong si Carlo kaya when he tries to pick up the pieces of his broken heart. Baka masaktan din siya. "
"Pero hindi ba dapat mas okay kung tutulong siya sa pagmomove-on niya? If you really love a person, show it"
si Mark. Naiilang na ako at napapailing dahil sa paulit-ulit nilang pagsambit ng pangalan ko.
"Kanya-kanyang diskarte lang yan. Mark" ang huing hirit ni Robi bago tuluyang kumanta. "Walang basagan ng trip"
Lift your head. Baby, don't be scared;
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try
Isa na namang tamang impormasyon galing kay Matt. Maganda nga ang boses nitong si Robi. Mala Boyce Avenue ang dating ng dalawa.
"Carlo, sino si Crazy4Ü?" ang tanong ni Sandra.
"Hindi ko rin kilala; kaopisina lang natin na wala sigurong magawa kaya nang-plaplay time" ang tugon ko. Natigilan ako sa pag-inom ng beer nang marealize ang isang bagay tungkol kay Crazy4Ü. Una, officemate ko siya. Pangalawa, nagrequest siya ng kanta ngayon para sa akin which brought me to the conclusion na isa sa labing-dalawa kong kasama ngayon ay si Crazy4Ü. Mula sa 50+
na empleyado ay 12 na lang ang kailangan kong pagmasdan ang kilos para makilala ko na si Crazy4Ü.