CHAPTER 11:
"Mateo...Trisha...excuse us for a while. Mag-uusap lang kaming dalawa" ang pagpapaalam ni Zed sa magnobyo. Tumango lang ang dalawa. Nakamasid na naman si Matt sa akin. "Carlo, shall we?"
Napabuntong-hininga muna ako bago tumayo. Sana lang ay maging maayos ang pag-uusap namin at hindi kami humantong sa sapakan. Nagkakaroon kami ng iilang tampuhan pero hindi pa namin nasasaktan ang isa't-isa ng pisikal. Wala sa sarili kong sinundan siya. Bago kami tuluyang pumasok ng opisina niya ay binilinan muna niya ang manager na magpasok ng seventh heaven at brioche.
"Sa tingin mo, madadaan mo ako sa ganun?" ang inis-inisan kong tanong sa kanya bago ako umupo sa sofa nang walang paalam.
"Nagbabasakali lang naman ako" ang tugon niya. Naupo siya sa office chair niya at sumeryoso ang kanyang mukha. Napaikot lang ang mata ko at napailing sa nakita.
"Pwede bang huwag ka riyan umupo? Hindi tungkol sa negosyo ang pag-uusapan natin at hindi mo ako kliyente" ang pagmamaktol ko. Hindi ako naiinsecure sa katayuan niya sa buhay pero narito ako bilang isang nasaktang matalik na kaibigan.
"Sorry" ang nasambit niya bago tumayo at lumipat ng mauupuan. Pumasok ang manager dala ang mga binilin ni Zed; linapag niya yun sa desk ni Zed.
"Yung sa table 10, on the house yun. Pakiasikaso na lang sila. Give them anything they want. Magprepare ka narin ng take-out, tatlong seventh heaven and a bag of brioches" ang bilin ni Zed sa manager bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Linock ni Zed ang pinto.
"Hmm, anong nakain mo at nagpapakagalante ka ngayon?" ang pag-uusisa ko sa kanya.
"It's about Aaron" ang pag-ignore niya sa tanong ko habang papaupo sa butterfly chair sa harap ko.
"What about him?" ang walang gana kong tugon habang umiinom ng Seventh Heaven.
"Kalalabas niya lang ng ospital" ang balita ni Zed na ikinagulat ko.
"Ospital? Anong nangyari kay Aaron?" ang pag-uusisa ko.
"He attempted to kill his self" ang malungkot niyang tugon. "Dinalaw ko siya minsan sa inyo. I found him bathing with his own blood sa tub. Naglaslas siya ng pulso. Mabuti na lang it was not late nung pinuntahan ko siya."
"How is he now?"
"He's doing well. Nasa bahay siya ngayon" ang tugon niya. "I mean sa bahay ko."
Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam na napaka-opurtinista niya.
"Carlo, please; huwag mo akong titigan ng ganyan. Don't get me wrong. Wala kasi siyang kasama sa tinutulayan niyo. Natatakot lang ako na baka ulitin niya yun" ang pagpapaliwanag niya. "You need to talk to him"
"Zed, mahal mo pa ba si Aaron?" ang singit na tanong ko. Kailangan kong marinig mismo sa kanyang bibig ang kasagutan. Iniwas niya ang kanyang tingin. Pinanood ko siya habang dinampot ang baso ng inumin at uminom.
"Ah,uhm...Concern lang ako sa kanya" ang tugon niya.
"It's just between yes or no, Zed"
"Does it matter, Carlo?"
"It is. Para matahimik na ako; para madali kong matanggap ang lahat. Zed, hindi ba nangako tayo sa isa't-isa na magiging totoo tayo. Tell me, am I still your bestfriend?"
"Oo naman, Ikaw lang ang bestfriend ko"
"Then, tell me the truth"
"Carlo, please" ang naiiyak niyang pagsambit ng pangalan ko.
"Alam kong mahal mo pa rin siya. Zed, hindi ako manhid. Alam ko rin na may feelings pa si Aaron sa'yo. Sana tinapos na lang ni Aaron ang lahat sa amin pero hindi, eh! Mas lalo kong naramdaman na I am nothing." hindi ko na napigilan ang pagluha. Tumabi si Zed sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Carlo, I'm so sorry. Hind ko sinasadyang masira ang pagkakaibigan natin. Gago ako at lalong may pagkatanga; alam mo yan. Oo, mahal na mahal ko pa rin si Aaron. Tama ka sa lahat ng sinabi mo. Marahil nga ay namamalimos ako ng pagmamahal ni Aaron pero hanggang doon lang ako. Ikaw; sa'yo niya binibigay ang pagmamahal niya and he's giving it generously. Tatlong taon na ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakamove-on."
"Zed, do me a favor"
"Anything"