Chapter 14

9.3K 306 5
                                    


Napangiti ako sa sinabi niya. Beyond his tough looks; may nakatagong sensitivity pala siya. Minsan nakakaturn-off yung pagbubuhat niya ng bangko at bummer talaga ang pagkasmug niya pero madalas kong naiisip na front niya lang ang mga yun para maikubli ang isang bagay: he's better than perfect.

"Ang ginaw, no?" ang tanong niya sa akin.

"Obvious ba? Ikaw kasi, kung anu-anong naiisip mong gawin"

"Maginaw pero bukod dun; all I could feel is the warmth of your hand. Could you not feel mine?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hanggang ngayon ay mahigpit niyang hinahawakan ang aking kamay. This moment; it's too good to be true.

"Right now, I'll make a promise to you" ang pagpapatuloy niya. "Every time na you're sad or in stress o kapag inuulan ang buhay mo ng sari-saring bagay na nagbibigay sayo ng kalungkutan' Kapag naramdaman mong may mainit na bagay sa kamay mo. Paniguradong kamay ko yun. Aalalayan kita; handa akong magpakabasa para damayan ka"

"Matt, no offense. I don't believe in promises" ang panira ko sa nakakakilig niyang pangako sa akin.

"Fine. Then, I won't stick to what I just said. I'll commit to it" ang pag-ayos niya sa sinira kong perfect moment. This is the part where I fall in love pero hindi maari. May Trisha na siya and I'm still on my way in falling out of love kay Aaron. Alam ko namang he's just being the good guy. Nagpasalamat ako sa mga sinabi niya; sana nga palaging nasa tabi ko lang siya; hindi man bilang isang taong nagmamahal sa akin na higit pa sa kaibigan kundi isang kaibigan na aking matatakbuhan. Nakakatakot. Siya na lang ang kasalukuyang nasa likod ko. Baka iwan niya rin ako tulad ng iba; tulad ng aking pamilya, tulad ni Aaron at ni Zed at nang iba pa matapos malaman ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao.

"Uwi na tayo" ang pagyaya ko sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko at kaagad akong inakbayan. Sinimulan namin ang paglalakad sa gabi habang nasa mood ang mga ulap sa pagpapakawala ng kanyang mga luha. Naiisip ko si Aaron. Hindi man halata, sinabayan ko na ang langit sa pagluha habang nakangiti sa tuwing titingin kay Matt.

"Kanina ka pa umiiyak" ang out of the blue niyang sinabi. Napatingin ako sa kanya; nakatitig pala siya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na kanina ko pa sinasabayan ang ulan para hindi ako mahalata.

"Ano bang sinasabi mo?" ang maang-maangan kong tanong sa kanya.

"Alam kong kanina ka pa umiiyak; hindi man halata, nararamdaman ko. Hindi lang kita pinapansin kasi mas pinili mong umiyak sa ulan kaysa sa balikat ko" ang pagpapaliwanag niya. Natigilan ako sa mga sinabi niya. Bakit ganito siya ngayon? Napaka-sensitive niya. Ganito ba talaga siya sa mga kaibigan niya? Sobrang caring? "Ano? Iiyak ka na lang ba sa ulan o paghihintayin mo tong balikat ko? Okay lang, wala namang tao."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Kaagad ko siyang yinakap at linabas ang sama ng loob ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang paghimas niya sa ulo ko. Mas magaan nga sa pakiramdam ang pag-iyak sa isang balikat kaysa sa ulan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako pinababayaan. Umiyak ako sa balikat niya hanggang sa nagsawa ako. Kaagad naman akong nagpasalamat sa pinapakita niyang kabutihan sa akin. He patted my head and the world spun slower. I felt all my flaws fade away. Bigla niya akong tinulak sa putikan; nagtataka akong napatingin sa kanya. A mischievous smile is on his face. Kaagad akong kumuha ng putik at binato sa kanya. Mud was all over his shirt and face. Natawa ako sa itsura niya.

'Ah,ganun? You'll regret that you accepted my challenge" ang seryoso niyang sinabi habang pinupunasan ang putik sa mukha niya. Pagkatapos ay sinugod niya ako sa putikan. We brawled like two kids in the mud puddle. Nang mapagod ay para naman kaming tanga na nakahiga sa putikan.

"You're insane" ang nasabi ko sa kanya.

"And you're crazy" ang tugon niya. Muli kaming naglakad papauwi; para kaming mga musmos sa aming itsura. My white retro printed shirt is now color brown while his gray Brazilian V neck shirt is color brown too.

Thank you for the Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon