Althea
Tahimik akong nakasakay sa passenger seat habang nagmamaneho si Cyrus.
Isang linggo na agad ang lumipas mula ng sagutin ko sya. Alam ko nadismaya sya sa sinabi ko nung nasa bundok kami.
Pakiramdam ko kasi galit sya sa desisyon kong isekreto ang relasyon namin eh. I can see that he is excited about this but I ruined it immediately after saying not to tell it to our family
Don't get me wrong. Hindi naman sa kinahihiya ko sya or what. Wala naman sakin kung bodyguard ko sya eh. Ang mahalaga sa kin ay yung nararamdaman ko para sa kanya, pero kasi, hindi pa ako handang sabihin ito sa pamilya ko, parang may gusto pa akong patunayan sa kanila bago ako magpakilala ng lalaki sa magulang ko.
Maybe i want to prove something to them bago ko maipagmalaki sa kanila na kaya ko na humawak ng relasyon. Malapit na din naman kasi ako gumraduate, siguro tapusin ko muna pag-aaral ko bago ko sabihin na kami na ni Cyrus.
Gusto ko wala sila masabi tungkol sa amin. Kahit pa sabihin na hindi sila matapobre, iniiwasan ko pa rin na may masabi silang masama sa lalaking napili kong mahalin. Cyrus is my bodyguard, at kahit ano gawin ko, may masasabi ang iba tungkol sa kanya.
"Cyrus.." I called him
Hindi sya sumagot at Seryoso lang sa pagmamaneho papunta sa school. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan ko bakit hindi ko pa masabi kung ano kami, somehow, naiintindihan naman nya yun.
"Galit ka ba?" Tanong ko pa, obvious naman na galit sya. Kagat labi akong umiwas ng tingin dahil nagui-guilty ako sa ginawa ko. Iniwasan ko kasi ang mga hawak nya kanina nung inalalayan nya ako, nakatingin kasi si daddy at mommy kanina kaya ko nagawa yun.
Nang makarating kami sa campus, pinagbuksan lang nya ako ng pinto ng kotse pero hindi nya ako inalalayan. Nasaktan ako sa ginawa nya, ito siguro ang consequence ng ginawa at ng desisyon ko. Ngayon, bodyguard na naman ang role nya sa akin.
"Dito kita Hihintayin Miss Althea." Sabi pa nya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, he is my boyfriend now, yet hindi ko maipakita or maparamdam sa kanya.
Urgh walang akong kwentang girlfriend!
Tahimik akong bumaba sa sasakyan at inayos ang aking mga dala, hindi ko alam pano ako babawi sa kanya.
Tumalikod na ako at humakbang papunta sa school building, luminga ako sa paligid at mabilis na bumalik sa kinaroroonan ni Cyrus.
Mabilis akong nakalapit at binigyan sya ng halik sa labi. Nagulat sya nung una, pero agad ding sumagot sa halik ko. Hinapit nya ang aking bewang at pinalalim ang halik.
Mauubusan na ako ng hininga ng bumitaw sya, hawak pa rin ang aking bewang, inilayo ko ang aking sarili sa kanya.
"Sorry na Cyrus, promise babawi ako sa'yo." Sabi ko sa kanya, hindi ko pa alam kung pano pero gusto ko talaga bumawi.
"Naiintindihan ko naman princess, hindi ako nagmamadali," sabi nya, napangiti ako sa sinabi nya.
"Ilang bwan na lang naman, matatapos na ako! Promise, sasabihin ko agad sa kanila ang tungkol sa atin." Pangako ko sa kanya. He blew a deep breath at niyakap ako. Bakit ganun, kahit sa simpleng yakap lang, nararamdaman ko ang pagmamahal nya, samantalang ako, wala pa ako ginagawa para sa kanya.
"Pumasok ka na nang makatapos ka agad." Nakangising sabi nya, pareho kaming napatawa sa sinabi nya. He can really makes me happy.
Masaya akong pumasok nang araw na yon. Siguro dahil nagkabati kami agad ni Cyrus kaya magaan sa akin ang mga gawain at lessons. Sabi nga ng iba, maganda pag inspired.
Hapon naman ay ang org ang inasikaso ko.
"President, kulang tayo ng isang number para sa concert bukas." Sabi ni Rei sa akin. May hinahanda kasi kaming benefit concert para makalikom ng pondo sa libro, this time, mga reference books ang plano naming bilihin, may mga student kasi na hindi kaya mag-avail ng libro kaya gusto namin magprovide kung kakailanganin nila.
"Sige, ako na bahala doon." Sabi ko sa kanya. "Ako na kakanta, pasasalamat ko na din." Nakangiti kong sabi sa kanya.
May idea na Pumasok sa isip ko Para makabawi kay Cyrus, at magagamit ko ang concert para doon.
Kinabukasan, abala ang mga members ng org sa gagawin namin. May kanya kanyang silang gagawin para sa programang ito, may sasayaw at kakanta.
Sa back stage, nakita ko ang mga members na nakatoka sa damit na isusuot at sa mga props na gagamitin. Kasama sa kanila ang kambal, dahil mahilig sa fashion si Chloe, sa mga damit sya napunta, si Chlea naman sa props.
"Hi Ate, Althea!" Bati ni Chloe nang makita ako.
"Hello, mukhang masaya ka ah." Sabi ko sa kanya.
"Wala kasi kaming bantay ngayon! Hihi mukhang may babae na si kuya" natatawang sabi nya.
"Oh, good for you!" Natatandaan ko na binubugaw nya kapatid nya para daw wala sa kanila ang attensyon nito.
"Hahaha tama, good for us at good luck sa babaeng napili nya," nailing ako sa sinabi nya. "nakakainis lang, hindi pa namin kilala yung babae, Kung ikaw yun masaya sana!" Malakas akong natawa sa sinabi nya. Hanggang ngayon ba naman ako pa rin binubugaw nya?
"Hahaha sorry Chloe, may Boyfriend na din ako e." Sabi ko sa kanya, hindi ko man masabi sa pamilya ko ang relasyon namin ni Cyrus, pwede ko naman sabihin sa mga kaibigan ko.
"Ayy.. Sayang naman, boto sana ako sayo para kay kuya, masyado kasing masikreto yun e, hindi ko makilatis ang babaeng kinahuhumalingan nya." Naka labing sabi nya. Inabot nya sa akin ang simpleng damit para sa number ko. Naiiling na lang ako sa kanya at tinanggap ang damit.
May number ako mamaya, isang kanta lang naman ito pero kinakabahan pa rin ako.
Nang ako na ang kakanta, kinakabahan akong lumabas ng stage agad kong hinanap si Cyrus sa audience at ngumiti nang makita sya sa gilid.
"Good evening sa lahat! Salamat sa pagpunta nyo at pagsuporta sa programang ito, makaka-asa kayo na gagamitin lahat ng makukuha namin dito sa librong kailangan ng mga studenyante." I announced. "For my number, i would like to dedicate it to someone special" tumingin ako muli sa gawi ni Cyrus at ngumiti. Para sa kanya to. Hindi ko pa masabi ang pangalan nya, pero sapat na yun para malaman nya ang damdamin ko. Nakakabinging sigawan ang bumalot sa loob ng gym kung nasaan kami. Bago nagsimula ang kanta, sinabi ko ang nararamdaman ko.
"I love you."
------
HahahahaFeel free to comment