XXV

6.6K 247 18
                                    

Althea

"Take your hands off her" isang baritong boses ang pumukaw sa labanan namin ng tingin ni George. Kumabog ang dibdib ko nang lumingon ako at makita si Cyrus sa likod namin.

Nakakuyom ang mga kamay niya at naninigas ang mga panga habang nakatingin sa amin tanda ng pagpipigil nito ng galit. Pilit kong inalis ang kamay ni George sa braso ko at nagmamadaling lumapit kay Cyrus.

"C'mon, umalis na tayo." Natatarantang sabi ko sa kanya. I nervously look around us at nakita kong sa nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng restaurant.

"Halika na Cyrus." I am panicking. Natatakot ako hindi para sa sarili ko pero para kay Cyrus. Madaming tao sa paligid and I can't risk Cyrus's secret to be reveal here.

"Tama, sige Althea, itago mo sya, sino bang hindi itatago ang relasyon nya sa isang hamak na tulad nya." Nang-uuyam na sabi ni George

Nang-gigigil akong humarap sa kanya. Kung nakakapanakit ang mga tingin, baka kanina pa sya duguan, dahil kanina ko pa sya gusto saktan.

"Manahimik ka pwede?" Mahina pero madiin kong sabi sa kanya. Inis na inis akong bumaling sa kanya. Bago muling hinarap si Cyrus.

"Cyrus, tara na, he is not worth it." Pag alo ko sa kanya, i hold his clenching hands and try to make him relax. At this rate, wala akong pakelam kung masaktan ni Cyrus si George dahil yun din sana ang gusto ko, pero hindi pwede! Si Cyrus ang mapapasama!

"May problema po ba sir?" Tanong ng isang waiter kay George na lumapit sa amin. Marahil ay naalarma na ang management sa namumuong tensyon sa pag-itan namin kaya may pinalapit na sila.

"Wala naman, may sinasabi lang ang Bodyguard ng kasama ko." Sabi ni George na binigyang diin ang salitang bodyguard, na parang napakababa ni Cyrus sa paningin nya. Bakit may mga taong tulad nya? Mapanghusga, mapagmataas kala mo sila lang ang tao sa mundo.

"Ganun ba sige po sir." Sabi ng waiter at nagpaalam na ito at iniwan kaming tatlo. Nakangising nakatingin si George sa amin na parang nangungutya. Nanginginig ang katawan ko sa inis habang nakatayo doon. Gusto ko syang sigawan at saktan.

"C'mon Althea, hindi mo ba nakikita? Hindi kayo bagay ng lalaking yan! Isa lang syang bodyguard!" Sabi pa nya. I clench my hand and jaw with annoyance how could he! I was about to burst and slap the hell out of him when Cyrus hold my hands. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakapikit ito at unti unting nagrerelax. He blew a deep breath bago nagmulat at tumingin sa aming kaharap.

"Right. The honorable councilor, George Villaflor. Why don't we take a seat and discuss your nobility." Kalmadong sabi ni Cyrus. Kunit noong tumingin ako sa kanya habang inaalalayan akong bumalik sa upuan ko kanina.
Si george naman ay confident na umupo sa harap ko. Naiinis pa din ako sa kanya. I can't stand looking at him. Humila naman si Cyrus ng isang upuan at tumabi sa akin.

He sat swiftly beside me and lean back on the back of the chair. Habang pinagmamasdan ko sya makikita ang authority sa bawat galaw nya. Nakakaintimidate ang aura nya.

"Saan mo gustong magsimula, kagalang galang na konsehal?" He firmly asked. I was mesmerized by his action. Para syang isang makapangyarihang CEO kung magsalita.

Nasulyapan ko si George na may nakaguhit pa din ngiti sa labi, na parang walang bilib sa kung ano mang sasabihin ni cyrus. Kibit balikat lang itong tumingin sa amin at hinintay ang susunod na sasabihin ng aking katabi.

"George Villaflor, dating SK chairman, bata pa lang ay namulat na sa pulitika, miyembro ng isang pamilya ng mga pulitiko. Nakatapos sa kursong business Management. May sariling negosyo na construction firm at ngayon ay tumatakbo bilang konsehal ng bayan." Litanya ni Cyrus. Nakangising tumatango si George sa lahat ng sinabi nya.

"Marangal ba?" Tanong ni Cyrus "yan na ba ang karangalan para sayo?" Nang-uuyam din na tanong ni Cyrus, nakataas ang isang sulok ng labi nya na  parang nang-iinis. "Marangal ba para sa'yo ang gamitin ang pulitika para makapagnakaw? At gamitin ang business mo para maitago iyon?" Unti unting nawala ang ngiti ni George at napalotan ito ng pagtataka at pagkabalisa.

"Anong sinasabi mo?!" Pagalit nyang tanong. Kahit ako ay naguluhan sa sinabi nya.

"Hindi ko kasi maintindihan komsehal, bakit hindi nananalo ang HGC o ang kahit anong kumpanya sa mga biding para sa government project dito?" Tila nagtatakang tanong ni Cyrus. Kahit ako ay nagtaka sa sinabi nya. Oo, malaking kumpanya ang HGC at hindi nga malayong makuha sila kung may ipapagawang building o tulay ang gobyerno.

"Oh, natatandaan ko na, wala kasig biding na nagaganap. Dahil lahat ng proyekto, ang kumpanya mo ang sumasalo, bukod sa over priced ito ay substandard pa." Seryosong ani Cyrus. He lean forward and draw a intimidating smirk on his face.

"A-anong si-sinasabi mo? Wala kang alam, bodyguard kalang ni Althea!" I sense panic to his voice. All of a sudden, nababalisa ang confident George sa harap ko. Hindi ko alam kung totoo ang mga narinig ko, pero base sa reaction nya, parang totoo.

"Bakit hindi natin paimbestigahan sa daddy ni Althea?" Taas kilay pang tanong ni Cyrus.

"Oh, hindi nga pala pwede, dahil gusto mong makuha ang tiwala nya diba? The issue will tarnish your name." Tumatangong sabi ng katabi ko. Habang nanatiling tahimik lang ang nasa harap namin. "Kaya nga gusto mong ligawan ang anak nya diba?" Dagdag pa nito na ikinagulat ko. Nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kanya dahil sa isiniwalat ni Cyrus.

Lumingon ako kay George at nakitang naka awang ang mga labi nito sa pagkagulat. Maya maya ay nag tiim bagang itong nakapagtitigan kay cyrus. Nagsusukatan sila ng tingin at wala ni isa sa kanila ang gustong magpatalo, habang ako ay tahimik na nakamasid.

Tulad ng sinabi ko, hindi ko alam kung totoo ang sinabi ni Cyrus, pero call me biased, dahil pinaniniwalaan ko si Cyrus, kung ibang tao siguro ang nagsabi nito, maghahanap muna ako ng ibedensya bago maniwala but in this case, I don't care kung pano nasabi ni Cyrus ang lahat, he can investigate, or he can use his power to read his mind either way, walang pag-aalinlangan na naniwala ako sa kanya. And the thing he said is unacceptable, using me and my family is making me so mad at him.

Hindi ko alam kung gano katagal kami nagtitigan doon, hindi din nakaligtas ang pagkuyom ng kanyang kamao. I accusingly stare at him dahil para sa akin, guilty na sya. Maya maya, ay binasag ni Cyrus ang katahimikan.

"Can't get your tounge? Honorable councilor?"

Tulad ng ginawa ni George, binigyan diin din nya ang salitang honorable and it is full of sarcasm.

After what happened tonight,

I don't give a damn.

------

Teka, bubwelo ako, i want to write for the readers, nakakahiya na kasi tagal ko nabakante, lage kasi may piupuntahan eh.

Sorry po

Pero try ko talaga.

Feel free to comment

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon