XXX

6.9K 205 13
                                    

Althea

I dialed her number and put my cellphone in my ears. Ilang rings pa ang hinintay ko bago nya ito nasagot.

"Hello," bungad ng nasa kabilang linya. "Bakit ka napatawag? Bukas ha, sama ka sa amin!" Paalala nito.

"Yes hello, yun nga about bukas, hindi ata ako makakapunta, ano kasi.." I was about to tell her na may lakad ako bukas when she cuts me off

"Ayy, hindi pwede! Nasabi ko na kasi na pupunta ka kaya may nireserve na seat for you." Sabi naman nya, mejo nahiya naman ako, naka -oo na kasi ako sa kanya, kaya lang, biglang nagyaya si Cyrus at nagkataon naman na bukas din gaganapin. I was torn between the two, i want to be wit Cyrus but una na akong naka kompromiso sa kaibigan ko.

Mejo alangan din ang reason ko kung ica-cancell ko ang lakad.

"Mahalaga ba ang lakad mo bukas?" Tanong nya maya maya.

I want to say yes, but. "Uhm, hindi naman ganun, kaya lang may plano kasi yung boyfriend ko bukas." Naiilang na reason ko baka sabihin nya arte ko naman dahil lang sa b.f. Hindi ako sasama diba? Pero kahit kasi araw araw kami magkasama ni Cyrus, iba kasi yung lakad namin talaga.

"Ah ganun ba," mahinang sabi nya, "sige, ganito na lang, sama ka muna sa amin, kahit mga one hour ka lang don, then pwede ka na umalis." Suggestion nya, hmm i think i can work with that.

"Okay, sige ganun na lang, thank you." Sabi ko sa kanya, binilin nya sa akin ang time at kung saan kami magkikita, nagpaalam na ako sa kanya at pinutol ang tawag. Inilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng side table.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa garden, i saw Cyrus talking to one of the guards outside. I want to tell him my plan.

Lumingon sya sa akin kaya kinawayan at nginitian ko sya. Lumapit naman sya agad sa akin.

"Hey, bakit ka lumabas, mainit dito," sabi nya sa akin bago ako inaya papasok muli sa bahay.

Sa salas kami umupo. "Uhm, cyrus about bukas," simula ko. Alam ko kasi na nadismaya sya kanina nung sinabi ko na hindi ako pwede, kasi naman ang plano ko ay isama sya bukas at ipakilala sa mga kaibigan ko, pero yun nga, may lakad naman pala sya. "Hanggang anong oras ba yung lakad mo" tanong ko sa kanya. "Tinawagan ko kasi kaibigan ko, and she said, pwedeng hindi ko tapusin yung event, so kung ano, pwede siguro ako makahabol sa lakad mo tomorrow?" I told him

Nakakunot na nagisip naman sya kung pwede ang sina-suggests ko.

"Pwede naman siguro, ipapaalam ko sa daddy mo na baka gabihin ka or sa akin ka ulit matutulog." Sabi nya, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko sa narinig, i can spend a whole night again with him.. Pinapayagan naman ako ng magulang ko, bukod sa tiwala nila, hindi nila inalis ang mga paalala at limitisyon namin, isa pa, i am 24, hindi na daw ako kailangan pagbawalan.

Kinabukasan..

Alas kwatro ng hapon nang magpahatid ako kay Cyrus sa meeting place namin, sa isang boutique ng isang designer kami nagusap sa magkikita kaya hinatid nya ako doon.

"Dito na ako," sabi ko sa kanya nang tumigil ang sasakyan sa may entrance ng building, tiningnan nya ang labas at hesitant sya kung iiwan ako o hindi naintindihan ko naman yun dahil sa security ko, pero nasa loob na kasi sila kaya may kasama na ako agad sa loob.

"Hatid na kita sa loob." Alok niya

"Hindi na, Nasa loob na sila, kaya may kasama ako don," sabi ko na din. "Sige na, dito na ako, mas maaga tayong pumunta para maaga din akong makauwi, kaya sige na, see you later." Sabi ko sa kanya at mabilis na hinalikan at bumaba na ako bago pa sya makatanggi. Lumingon muna ako sa kanya bago tuluyang pumasok.

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon