XXXXIV

7.5K 238 24
                                    

Cyrus

I watched her sleep peacefully sleeping beside me. May bahid pa ng luha sa kanyang mata at mejo namumugto pa ang mga ito dahil sa walang tigil nyang pa iyak kanina.

Alam kong Ako ang may gawa nito sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman ko ang pinagdaan nya mula nang mawala ako. She went through a stress depression at kinailangan nyang sumailalim sa counseling para malampasan ito.

Gusto ko syang balikan. Pero hindi ko magawa. I gave her my eyes at dinala ako ni papa sa abroad upang magpagaling at magsanay na din doon. Sabi nya kasi kailangan ko matutunang gamitin ang iba kong senses bago ako bumalik kay Althea dahil baka makasama lalo sa kanya kapag sinisi nito ang sarili kung magpapakita ako sa kanya na bulag. And i agree. For months wala ako ginawa kundi sanayin ang sarili upang mabilis akong makabalik sa kanya.

At kanina, nangyari ang pinakahihintay ko, nakabalik ako sa piling nya. I was ecstatic! I missed her a lot, you have no idea how much i missed her! I want to wrap her in my arms forever. But when she cried, hindi ko alam ang gagawin..

Kahit anong alo at sabihin ko sa kanya, hindi pa rin sya tumigil at halos hindi maniwalang bumalik na ako, kahit pa sinabi ko sa kanya na totoo ako..

I panicked! Natakot akong bumalik ang kundisyon nya noon. Hindi ko kakayanin yon. Kaya nung halikan nya ako, naramdaman ko ang gusto nya, it's not the sex it self but the assurance and the longing to feel each other.

After our saddest lovemaking, agad syang nakatulog sa bisig ko at wala akong ginawa kundi ang panoorin sya.

It's true that some love are destructive, may kakahayan ang taong napili natin na sirain ang sarili at ang kapareha nya, and i think that's what we have for each other. Simula nang makita at mahalin ko sya, ay binigyan ko sya ng karapatan na sirain ako at ganun din ako sa kanya.

Pero katumbas nito ay ang responsibilidad na alagaan at iwasan ang Kahit anong ikakasira ng isa't isa.

Pero kung tulad ng nangyari sa amin ni Althea, na hindi naiwasan at hindi sinasadya, nasira sya, tungkulin ko na palakasin at buuin syang muli, dahil sigurado ako, na kung ako naman ang nasira sa aming dalawa, gagawin din nya ang lahat para sa akin. That's what relationship means and what it's supposed to be. At iyon ang gagawin ko. Kahit abutin ako ng habang buhay, hindi ako titigil hangat hindi sya nababalik sa dati.

Mahinang ungot ang namutawi sa labi nya habang natutulog, bumiling ito ng pagkakahiga at napatalikod sa akin, ang kamay nya ay nagsimulang mangapa na tila may hinahanap.

Napangiti akong inabot ang kamay nya at muli syang iniharap at iniyakap sa akin. Naramdaman ko din ang pagsinghap nya na tila naalimpungatan at nagulat na nasa tabi nya talaga ako.

"You're still here." Mahinang anas nya na tila hindi makapaniwala. What now? Did she think na panaginip lang ang nangyari kanina?

I chuckle and went on top of her. Kung hindi pa rin sya naniniwala, hindi ako mapapagod ipadama sa kanya na nandito ako sa kahit anong paraan.

"Yes princess, it's not a dream, nandito ako and i am not going anywhere." Bulong ko sa kanya habang nagsisimula na muling halikan ang labi nya. I trace her jawline with my lips.

I felt her shiver instantly under my touch which make me smile, i still have effect on her obviously. My hands continue to wander on her fully naked body and cares her gently pero may diin.

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon