XXXXV

7.9K 229 16
                                    

Althea

It's been two months since Cyrus came back and i've never been happy. Parang binawi namin ang taon na nawala sa amin noon.

Now we are living together, sa condo namin. It's our home now. Kung dati, hindi ko ramdam na live in kami, dahil umuuwi pa rin ako sa magulang ko, ngayon ay ramdam na ramdam ko na, na yes live in nga ang tawag sa amin.

It's not conventional, tumutol din ang magulang ko nung una. Dahil hindi daw maganda sa paningin ng iba na magsama kami nang hindi kasal.

I know it, sa totoo, hindi ko rin naisip to noon dahil lumaki ako sa close family tight at naniniwala ako sa kasal. Pero masisisi nyo ba ako na pagkatapos ng mga nangyari sa amin ay papahalagahan ko pa ang label at ang sasabihin ng iba or what so ever.

I choose Cyrus. And he is a vampire. I don't think na maiisip nya ang sakramento ng kasal. Tanggap ko na iyon ang mahalaga ay masaya kami sa piling ng isa't isa.

But there's just one thing that bothers me this days. At natatakot akong sabihin kay Cyrus. Hindi ko alam, hindi ko sigurado at hindi namin ito napag-usapan kaya every time na napapalapit sya, natatakot ako magsimulang magsalita so in the end, hindi ko masabi sa kanya.

Tulad ngayon.. It's our day off, bumalik na din kasi sya sa trabaho 1 week after nya magpakita sa akin, at tulad ng nakagawian. Sabay kaming kumakain ng agahan. Nasa isang restaurant kami dahil mejo madami kaming ginawa sa office at alam kong pagod din kami, at ayoko muna magluto pa sa condo, kaya nagyaya na lang ako kumain sa labas.

I nervously sit across the table where Cyrus is. I want to tell him the thing that bnothers me pero hindi ako makakuha ng tyempo. I was about to open my mouth nang may isang bata ang umiyak sa kabilang table.

Pareho kaming na palinga sa gawi roon. I smiled nang makita ang isang bata sa stroller ang umiyak.

"Ang cute ng bata no.? Ilang taon na kaya sya.?" Tanong ko kay Cyrus.

"I don't know, ayoko ng bata." He said with impassive expression then drink his glass of plasma capsules.

Napasinghap ako sa narinig. Ayaw nya ng bata? Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at dumoble ang kaba ko habang nakaupo doon.

Late kasi ang menstruation ko, at hindi na ako naka pills mula ng nawala sya, we had unprotected sex simula ng dumating sya. And it bothers me kung buntis ako ngayon dahil nga hindi ako sigurado kung ano magiging reaksyon nya.

But hearing him now, mas lalo ako natakot. What if magalit sya? Or hindi nya matanggap ang pagbubuntis ko? Ang daming what if na pumasok sa isip ko, hindi ko napansin na may sinasabi na si Cyrus sa harap ko.

"Althea!" Tawag nya sa akin

"Huh? Yes. Ano?" Taranta kong sagot.

"May problema ba?" Naghihinala nyang tanong.

"Huh. Wala, ano lang, naisip ko lang yung naiwang gawain sa office." Pag dadahilan ko.

Mejo kumalma ako nang hindi na sya muling nagtanong hanggang magyaya syang umuwi.

Hindi nawala ang kaba ko habang nagb-byahe. Hindi pa naman ako sigurado kung totoong buntis ako it's just a hunch pero knowing na ayaw Ni Cyrus, hindi talaga mawala ang pagkabalisa ko.

Hanggang dumating ng tanggahi, hindi ako nakatiis at lumabas ako ng condo habang nagluluto sya para bumili ng pregnancy test sa botika. Itinago ko ang mga p.t sa bag ko at pasimpleng nilagay yun sa c.r. Dapat ko nang malaman kung buntis ako o hindi.

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon