Althea
"Wake up princess.." Isang malambing na tinig ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing. Marahan nya akong niyugyog ngunit dahil sa antok ay tinabig ko lang sya at bumalik sa pagkakatulog.
After kasi ng malaman nya na hindi bampira ang pinagbubuntis ko ay pinaliwanag nya kung Bakit ganun reaction nya, naging sweet sya para daw makabawi, tapos maaga nya akong pinatulog para daw hindi ako mapuyat, ngayon naman ay maaga syang nambubulahaw?
I heard him chuckle and continue to disturb my sleep.
I forced to open my eyes and glares at him. Hindi ba nya alam na hindi pwedeng abalahin sa tulog ang buntis? Sarap kaya ng tulog ko!
Kaya naman ng tumawa sya mas lalo ako nainis. Tumingin ako sa digital clock sa side table at nakitang alas kwatro pa lang ng madaling araw. Parang gusto ko tuloy ipukpok sa kanya yung orasan dahil sa naiiyak na ako sa inis sa pang gigising nya.
"Ang aga pa! Bakit ka nang gigising?!" Angil ko sa kanya.
"Sorry, princess, pero may kailangan tayong puntahan ngayon, baka malate tayo." Nakangising sabi nya.
Inisip ko kung may naiwan kaming trabaho na pwedeng maging dahilan sa maaga nyang pang aabala pero wala ako maisip.
Dahil nagmamadali, halos hilain nya ako para bumangon, Hindi na nya ako hinayaang magbihis, dahil baka daw malate kami, naka white tshirt lang din naman sya, kaya Kahit naguguluhan, wala sa sarilig sumunod ako sa kanya. Wearing my red polka dotted sleep wears na pinatungan ng white robe, halos makatulog ako muli papunta sa hotel nila at Inaantok na naglakad ako patungo sa grand hall.
Nang buksan nya ang malaking pinto nito, nawala ang antok ko, nang bumungad sa akin ang magandang ayos nito.
Magandang Nakaayos ang buong lugar na parang may ikakasal. Gandang ganda ako sa mga librong nakapatong sa mga table bilang centerpiece. Iba iba ang pagkakaayos nito lahat maganda para sa akin. Teka ikakasal? Bakit kami narito? I nervously look at Cyrus na nakatayo sa harap ko.