Althea
"Bye Cyrus." Paalam ko sa kanya.
Kumunot ang noo nya at tumingin sa akin ng may di pagsang-ayon sa sinabi ko.
"I hate goodbyes Althea." Kunot noo pa ring sabi nya. I remain composed at seryosong tumingin din sa kanya. Bakit ganun, he manage to look good kahit na nakasimangot sya?
I blew a deep breath as a sign of resignation, "okay, see you later." Umiiling na sabi ko, ayaw nya kasi ng byes, kaya dapat laging see you later ang ginagamit ko, i tip my toes and give him a peck on his lips.
"See you later," nakangising sabi naman nya, nakangiting tumalikod ako sa kanya at pumasok sa loob ng school. Patapos na kasi ang May, and may kinukuha ako para sa graduation namin sa October. For clearance lang i am running for cum laude kasi kaya kailangan ko asikasuhin at para maka dalaw na din sa mga kaibigan ko dito, lalo na sa org. Napamahal din sa akin ang mga member non.
"Congratulations Althea, Cum laude ka." Masayang bati ng admin. ng school.
I smiled back at her at nagpasalamat. Cum Laude, napaka laking karangalan nito para sa akin at maipagmamalaki ko sa magulang ko, sa wakas. Nagawa ko! Sa pagsisikap at pagpupursigi sa pag-aaral, makakaya mo abutin ang pangarap mo. Malaki ding factor ang pagiging Desidido at gusto mo ang pinag-aaralan mo. Mahalaga ito dahil kusang lalabas ang eagerness to learn, hindi napipilitan lang or dahil wala lang ibang choice.
Yan kasi nagiging problema ng ibang studyante eh, kumukuha sila ng course na hindi nila gusto, minsan dahil yun ang sinabi ng magulang or dahil walang ibang pagpipilian.
Nagpapasalamat ako sa magulang ko dahil sinuportahan nila ang gusto ko. Kaya ito, ito ang ganti ko sa kanila.
Kahit ang relasyon ko kay Cyrus madali lang nila natanggap. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Cyrus yun.
Flashback
"He volunteered to be your bodyguard," sabi ni daddy.
Nagulat ako at napanganga sa narinig.. Volunteered?
"Pa-pano po nangyari yun?" Nagtatakang tanong ko.
"One night, he talk to me and said that he wants to be your bodyguard, nag alangan ako syempre, wala pa ako inaadvertize na kailangan mo ng bantay then bigla syang magpi-prisinta, sabi nya narinig nya kami ng mommy mo sa isang restaurant, kaya nalaman nya, honestly, hindi kami naniwala, but he convinced me, kaya pumayag na din ako." Kwento ni daddy.
"Right there and then, nalaman namin na may gusto sya sa'yo Princess." Nakangiting wika ni mommy.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan sa mga nalaman. Wala pala akong dapat itago sa kanila, dahil una pa lang, nagsabi na si Cyrus sa kanila. Hindi ko din sana kailangan lumabas kasama si George.
"Eh bakit gusto nyo makilala ko si George?" Tanong ko pa, kung alam naman pala nila ang nararaman ni Cyrus bakit nireto pa nila ako sa kanya.
"For business." Kibit balikat ni daddy. "That time, humanga talaga ako sa kanya, and i want you to learn something from him. Alam mong ang happiness mo ang una sa amin, at kinuha namin si Cyrus for your security not as your boyfriend." Seryosong sabi ni daddy halos masamid ako sa sinabi nya, "at isa pa, hindi ko alam kung magugustuhan mo sya, hindi naman natin sya kilala nun, but his eagerness to protect you ang dahilan bakit ko sya kinuha.. At hindi ako nagkamali doon."
End of flasback.
Para akong nabunutan ng tinik ng oras na yon. Who would have thought, na ganun ang nangyari at naging reason ng mga magulang ko. Alam nila na gusto ako ni Cyrus at nang malaman nila na mahal ko din ito, hindi sila tumutol ang mahalaga daw masaya ako, hindi importante ang posisyon nito sa buhay.
After that night, kinausap ni daddy si Cyrus. Nung tinanggap ni daddy si Cyrus bilang bodyguard ko, hindi sya nag-abala kilalanin ito, basta daw makasiguro syang poprotektahan ako, walang problema iyon pero nung nalaman nyang boyfriend ko na ito, mukhang ipapa background check pa nya si Cyrus. Wala naman problema sa akin yun, ang importante, kahit anong lumabas doon, hindi makakapagpabago ng nararamdaman ko.
Masayang lumabas ako sa office ng registar, who wouldn't be? Nakuha ko na halos lahat ng pangarap ko, may bonus pa na hot and lovable vampire bodyguard and boyfriend.
"Hi ate Althea!" Tawag sa akin ni Chloe, kasama nya ang kakambal na si Chlea.
"Oh, hi!" Bati ko din sa kanila. "Anong ginagawa nyo dito?" Tanongg ko sa kanila, they supposed to be on vacation.
"May dinaanan lang kami, then punta kami sa library, ilalagay ko yung books na tapos ko na basahin." Sabi ni Chlea. Itinaas nya ang paper bags na hawak nya.
"Oh, ganun ba, sabay na ako, punta din kasi ako doon, mamimiss ko din ang tambayan natin." Nakangiting sabi ko.
Magkakasabay kaming pumasok sa library, agad na pumunta si Chloe sa magazines stand at nilagay naman ni Chlea ang mga dala nya sa isang bookshelf doon. Napagdesisyunan ko maglibot sa loob ng library at pumunta sa mga Classic novels na nandon, isang libro ang kumuha sa atensyon ko, isang novel na isinulat ni Anne Rice, titled Interview with a Vampire. Kinuha ko ito at umupo sa reading table doon.
Naramdaman kong may tumabi sa akin, "what's that?" Tanong ni Chlea habang nakatingin sa librong hawak ko. Kumunot ang noo nya nang mabasa ang title ng binabasa ko.
"A vampire story?" Tanong nya muli.
"Yes, it's.. very interesting," sabi ko na lang, mula nang makilala ko si Cyrus nahilig ako magbasa ng mga novels about them. Nakangusong Tumatango si Chlea sa akin.
"Do you belive in vampires?" Bigla kong tanong. Nagpalipat lipat na Tumingin sya sa akin at kay Chloe na tumabi na din sa akin.
"Kasi dito sa novel na ito, Lestat a vampire told his story to a boy. At ginawa din itong movie noon, and they portrayed that after the interview, vampires still live with humans." Dahilan ko sa kanila.
Malalim na nag-isip at nagtinginan ang kambal, they seriously look at me bago sumagot.
"Yes, we believe." Sagot nila. "Who knows, diba. Kung totoo sila, and they live among us, wala ako nakikitang masama, minsan kasi imagination ng tao ang tumatakot sa iba, but may mga nabasa din akong story ng vampires and they were good, like Twilight, a vampire who loved a mortal and live happily, or the story of dracula untold, Count Dracula choose to be vampire to protect the ones he love, so kung may vampire dito sa mundo, malamang tulad ng tao, may masama at mabuting bampira din." Kwento ni Chloe.
I nod at them and smiled. Tama sya, siguro nga masama ang imahe ng bampira sa iba, pero nang makilala ko si Cyrus napatunayan ko na hindi sya tulad ng nasa kwentong katatakutan. Para lang silang tao, may mabait, may pumapatay.
Wala sa lahi ng tao ang makakapgdefine sa pagkatao nya, minsan kasi nagegeneralized natin ang iba, tulad ng muslims, minsan kahit hindi mo kilala natatakot ka dahil kalahi nila ang ibang rebelde, which is wrong diba?
"Yeah, tama ka." Masigla kong sagot. Cyrus is my proof.
----
Yey,!! Naka update! Sana magustuhan nyo. Hehehe
Feel free to comment