Special chapter

12.1K 422 73
                                    

Cyrus

The day I discovered that Althea is pregnant, hindi ko alam ang dapat maramdaman. Masaya syempre may saya akong naramdaman nang malaman ko na magkaka anak na kami, pero natabunan yun ng sobrang takot.

I know mali at kasalanan ko na hindi ko muna inalam kung magiging bampira ba anak namin o hindi, nataranta kasi ako. Pumasok agad sa isip ko ang mga kwento ni papa nung nagbubuntis si mama sa akin. Believe me, it's both fascinating and scary story nung narinig ko iyon.

Dahil Nang makita ko si Althea na halos walang buhay nung araw na nabangga sya ay halos hindi ko kinaya. The thoughts of living without Althea is unbearable. It's a good thing na mata lang ang nawala sa kanya noon, co'z i can exchange my everything for her, even my life if she asked me to kung ang kapalit nun ay ang masigurong mabubuhay sya.

But, iba ang case kung magbubuntis sya ng isang bampira, maaring mamatay sya sa panganganak at wala ni isa ang makaka sigurado at makaka garantiya na mabubuhay sya. Dahil wala ni isa ang nakapag sabi o makapagpaliwanag kung pano nabuhay si mama noon. They say it's a miracle... But as a vampire, we don't even know kung may langit para sa amin. Kaya alam kong hindi sila makakasigurado kung mangyayari iyong muli. At hindi ko kayang iasa sa milagro ang buhay ni Althea kung magkataon.

Pero nung sinabi ni mama na hindi bampira, kundi isang tao ang magiging anak namin, para akong nabunutan ng tinik at biglang gumaan ang pakiramdam. Parang nawala ang dilim sa paligid at lumipad ako sa kasiyahan. We are having a baby!

But still, after 8 months. Walang naghanda o nagsabi sa akin na kahit pala hindi bampira ang magiging anak namin ay mahihirapan si Althea sa panganganak. Seeing her in great pain nung naglalabor sya ay nakakatakot. Butil butil ang pawis at nanlalamig ang kamay nya at namimilipit sa sakit nung dinala ko sya dito sa ospital para manganak.

I nervously pace back and forth sa harap ng delivery room kung nasaan nanganganak si Althea.

"Maupo ka nga Cyrus, nahihilo ako sa'yo" sita sa akin ni mama. I called them and Althea's parent para sabihin na manganganak na ang asawa ko kaya narito sila upang sumuporta at umalalay sa amin.

"Wag kang mag-alala hijo, natural lang sa babae ang ganyan kapag nanganganak, pero malakas ang anak ko, sigurado akong kaya nya yan," alo naman sakin ni mommy.

Napabuntong hininga ako at nagdecide na maupo sa tabi nila sa narinig. Wala din kasi ako magagawa kundi mag hintay dahil hindi ako pinayagan makapasok kanina. I swear, susuntukin ko na sana yung isang nurse na humarang sa akin, pero tinakot ako ni Althea na hindi ipapakita ang anak namin kung magpipilit ako.

Gusto daw kasi nya na masurprise at manghula ako kung ano ang magiging kasarian na anak namin, hindi nya kasi pina ultrasound ang gender ng anak namin. Para daw may mystery, kaya naman lahat ng gamit ng bata ay puro puti, para kahit daw babae or lalake ay pwede. Sabi din daw ng matatanda, magandang puro puti ang isuot ng bata para bumagay sa kanya lahat ng damit na isusuot nito sa paglaki. One of the weird saying na sinabi sa amin nang mommy nya.

Madami kasi mga naging pamahiin nung nalaman nila na buntis si Althea, one, hindi pwedeng tanggihan ang cravings ng buntis, wala naman problema don dahil masaya akong ibigay ang magustuhan nya kahit anong oras pa. Two, bawal kumain ng luya or alimango habang buntis, dahil baka daw maging kahugis nito ang magiging anak namin. And other unbelievable stuffs.

"Doc!" Sabay sabay na na tawag ng mga magulang namin. Mabilis kaming lumapit sa doctor na nagpaanak kay Althea.

"Ano pong lagay ng asawa at anak ko." Tanong ko sa kanya.

Vampire BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon